Chapter 43: Instinct

10.1K 340 16
                                    

Nag-enjoy ako sa mga ginawa namin ni Blaise pero hindi ko pa rin makalimutan si Chesca at yung dalawa kanina. I can't get off my mind the way the other guy looked at me last time. Ayokong mag-overthink pero hindi ko talaga maiwasan na gawin yun dahil natatakot talaga ako. It's as if he recognized me but he just didn't say it out loud dahil may plano siya.

"Uhm.. misis" Blaise said kaya naman napatingin ako sa kanya. That's when I noticed na nandito na pala kami sa tapat ng bahay namin.

"Nandito na pala tayo. Sorry tulala ako kasi pagod ako" I reasoned though somehow totoo rin naman yun.

He crinkled his nose and pulled me closer to him "Are you doing well in school? Wala naman bang nanggugulo sa'yo dun? Yung ex mo ba hindi ka naman nilalapitan?" magkakasunod na tanong niya.

Mabuti na lang pala at nakayakap siya sa'kin para hindi niya makita ang mukha ko. I am certain na namumutla ako dahil sa tanong niya na yun.

I swallowed hard "No one bothers me at school. Then yung ex ko hindi naman ako nilalapitan" I said slowly

Naramdaman kong huminga siya nang malalim. Napalayo ako sa kanya para titigan ang expression niya and like what I expected, he looks hesitant. Yung tipong parang may gusto siya sabihin pero nag-aalangan siya.

"What is it?" tanong ko. He narrowed his eyes at me

"What?" he asked back playing innocent

"Ano nga yun? Alam ko na mayroon kang gustong sabihin. Speak now or forever hold your peace" natatawang sabi ko. He laughed a little pero sumeryoso rin ulit.

"It's not na nagmamadali ako but.. I just want to know what exactly do you want here in our relationship. Napakilala na kita sa mga kaibigan ko at sa pamilya ko. Ako ba? Ipapakilala mo ba ako sa family mo?"

Natigilan ako para i process ang sinabi niya na yun and at the same time, choose my words carefully.

I sighed at ikinulong ang mukha niya sa palad ko "Actually.. I already told my eldest brother na may boyfriend ako. I have a plan na ipakilala ka sa kanila officially once my twin and dad come back from China. Gusto ko kasi na isahang pakilala na lang since.. My dad doesn't even know na break na kami ni Maven"

I braced myself sa magiging sagot niya especially on the last part pero nanatili lang siya na tahimik.

"Please don't misuderstand that. Mahal na mahal kita and I have no intention na isekreto ang sa'tin dalawa. It's just the timing." I said and that's when he smiled.

"Alam ko naman yun. Grabe ka naman kung ikakahiya mo ako ah. Ang gwapo ko kaya" natatawang sabi niya. I just rolled my eyes and kissed his cheeks instead.

"Halik pang kaibigan yan eh. How about this" hindi niya na ako binigyan ng pagkakataon makapagsalita because just then he pulled me and crashed his lips on mine.

"I love you" I whispered afterwards

"I love you too. Every beat of my heart is solely for you"

---

Kanina pa ako nagtetext kay Blaise pero wala pa rin akong natatanggap na reply mula sa kanya at kanina pa rin ako hindi mapalagay. I also tried calling him pero hindi niya sinasagot. I tried to casually look for him dito sa school pero mukhang absent siya.

Kissed by Fire (Fire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon