Chapter 49: Damn Right

10.6K 350 41
                                    

Jeyden and Charles started setting up the table then put down the chess set on it that is made out of wood. Umupo na kami ni Blaise na magkaharap.

"You take white. I'll have black" he said at hindi naman ako nakipagtalo pa. We silently lined up the pieces together according to their position.

"This is Round One of Trial By Combat Number 143. You may start now" Russel said

I raised a brow on Blaise dahil bigla siyang nag-unat at pinatunog ang mga buto niya sa daliri.

"White first" he said

"I know" sagot ko at iginalaw ang isa kong pawn na nasa harapan ng knight ko.

The game officially started. Wala sa'min nagsasalita. Kung seryoso ako ay ganun din sya. Gaya ko, tumitingin din muna siya sa buong board bago gumalaw. Mabuti na lang pala at talagang nag practice ako.

Halos pantay lang kami sa totoo lang. Kapag may nae-eliminate ako na piece niya ay kaagad naman siyang nakakaganti. Ang pagkakaiba lang namin ay matipid ako sa paggalaw ng mga pieces ko habang siya naman ay parang walang pakialam. Kinakalat niya everywhere ang mga kanya. Actually, nakain ko na yung isang bishop niya.

"You're good at this, aren't you?" tanong niya na medyo ikinagulat ko pa dahil ito ang unang beses na kinausap niya ako since the game started.

"Sa bahay namin wala pang nakakatalo sa'kin dito so maybe I can say na magaling ako" sagot ko

He smiled at that "Marami pa pala tayong hindi alam sa isa't-isa noh? Kaya hindi mo alam na nung elementary I was a chess master in my school"

My eyes widened at that. He can't be serious right?

I just shook his words and focused on the game instead. Kailangan may gawin na ako para makalapit sa king niya hangga't nasa kabilang side ang queen niya.

I moved my knight at huminto ito sa harapan ng rook. Napamura ako. Natawa naman siya.

"Don't worry. I have different plans" he said at ginalaw ang queen niya.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko nainsulto ako sa ginawa niya na yun.

"You moved another piece para lang hindi makain ng rook mo ang knight ko. I don't need your consideration, Blaise. Labanan mo ako nang tama" matabang kong sabi.

He shrugged his shoulders "Well, if you say so.."

Hindi na kami nagpansinan pa pero nakita ko na habang tumatagal ay nag-iiba na ang laro niya. Seryoso naman siya kanina pero mukha siyang mas seryoso ngayon. Kada galaw niya ay may nae-eliminate siyang piece ko. Iginalaw ko muli ang knight ko malapit sa king niya.

"Check" I said at tinignan siya. Ngumisi siya. Iginalaw niya naman pa horizontal ang king niya kung saan hindi ko na ito mache-check.

I looked at my remaining pieces. Isa na lang ang rook ko. Habang siya ay dalawa pa. Kailangan kong ma eliminate ang mga yun.

Iginalaw ko ang bishop ko and placed it on a square kung saan potentially kong pwede ma-eliminate ang rook niya.

"That's sweet of you, babe" sabi niya and to my horror, his queen eliminated my bishop! Shit!

Nag-umpisa na akong kabahan pero hindi ko yun pinapahalata sa kanya. Surely when he said that he was a chess master back in elementary it took a toll on me.

Pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Damn I have to keep my cool. Kahit sa anong laro, hindi nakakatulong ang negative thoughts dahil nakakasira lang yun ng laro.

I put a game face on then moved my pieces smartly. This time, mas naging cautious ako sa pag galaw sa mga pieces ko. Parehas kami ngayon na nakalantad ang king. Ang kaibahan lang namin ay katabi ng king ko ang queen.

Kissed by Fire (Fire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon