Chapter 78: Heartless

6.3K 189 38
                                    

"Sigurado ka ba na yan talaga ang susuotin mo?" Trina asked

Pinasadahan ko ng tingin ang sarili ko sa salamin. Out of all the people na pupunta sa prom ako ata ang kaisa-isahang pupunta na naka suot ng Filipiniana.

"Ball gowns are overrated" I answered as I smiled to myself satisfyingly.

It was Blaise and I's idea na this year traditional ang isusuot ng Hunter Fourteen Plus kaya naman nagpasadya talaga kami. But instead of it's usual color na yellowish, pastel pink itong kulay ng sa'min

Sinadya talaga niya na pink para hindi na isipin ni Maoi na affected pa rin siya sa kanya. Especially na siya ang escort nito.

Well, wala akong magagawa about that but I will try my damnest best na huwag magpaapekto. I trust my Blaise.

"Wala ka man lang bang partner na susundo sa'yo?" Gail inquired curiously as she helped me wear the jewelries that compliments my dress.

"Kasabay ko naman si Jackson kaya okay lang" I said

"Bantayan mo roon si Cabrera, ha? I will gate crash kapag nalaman ko na may lumalandi sa kanya"

Hindi ko mapigilan mapangisi at mapailing. Trina is really screwed. Marami silang issues ni Russel noong mga nakaraan but in the end, naging sila rin talaga for real just like Blaise and I. I can still remember how Trina told me that she already love Russel for real and she doesn't know what to do. It was New Year's Eve. She was so scared then. But after sorting things out naging okay na.

Masaya ako na masaya kaming tatlong magkakaibigan sa mga relationships namin.

"Bakit ba kasi hindi ka na lang sumama? I can vouch for you" I said but she shook her head. Ayaw niya raw kasi na magmukhang wala siyang tiwala kay Russel.

Tumunog ang phone ko kaya agad kong kinuha yun. It's Blaise and he said na papunta na raw sila ni Maoi sa school.

I am dying to know kung anong naging reaksyon nung mag-asawang Santiago pagkakita sa kanya. Kapag nalaman ko lang talaga na may hindi sila magandang sinabi o ginawa na naman sa kanya, I swear ako na ang makakalaban nila.

---

Pagdating ko sa school gymnasium I was right away welcomed by my pack with their partners. Huminto ako sa harapan ni Blaise at Maoi.

"See you later, love" I told Blaise na siniguro kong narinig ni Maoi who's wearing a white gown then even kissed him on the lips. Trina put on a smudge proof lipstick on me kaya confident akong hindi kakalat ang lipstick ko, maglaplapan man kami.

When we parted pinasadahan ko ng tingin sa Maoi and rolled my eyes heavenward. Nagtuloy na ako sa paglalakad towards the stage since I am the one tasked to give the welcoming speech.

As I make my way, kitang-kita ko ang paghanga sa mga mata ng mga madaraanan ko. Nang malapit na ako sa stage, Tito Franz offered his arm to me na tinanggap ko naman. Inalalayan niya ako hanggang sa makaakyat ako.

The noise instantly died down.

"Good evening, everyone" I started using the microphone and proceeded with my speech. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang paghanga ng mga teachers from St. Claire as I deliver my piece that I made personally with the help of Blaise.

Nang matapos na ako ay nagpalakpakan ang lahat. This time it's Jackson who offered his arms to me at inalalayan ako hanggang sa makarating kami sa long table kung nasaan ang Hunter Fourteen Plus at ang mga partner nila.

Ako ang nasa puno ng mesa and on my right side sits Blaise and Maoi.

Blaise clutched my hand then kissed the back of my palm.

Kissed by Fire (Fire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon