Chapter 16: Feel

12K 375 31
                                    

Hindi pa siya nakuntento sa pagtingin nang diretso sa'kin. He even winked at me. Naghiyawan naman ang mga babae sa paligid ko because probably they're thinking na sila ang kinindatan ni Blaise.

This is crazy! He is crazy! Ano ba sa tingin niya ang ginagawa niya?! What is he even doing here na hindi man lang muna nagsabi sa'kin?
Damn, oo nga pala naka blocked ang number niya sa phone ko. Shit!

"Didn't he tell you na magkita kayo after classes?" Gail asked. I just nodded at her na hindi pa rin inaalis ang tingin kay Blaise. Padami na nang padami ang mga tao sa paligid.

At kahit na gusto ko man siyang labasin, there's just no way that I will do it dahil marami ang makakakita. Isa pa, I am still mad about what happened last night.

"You have to do something, Arya" Trina elbowed me. Umiling na lang ako at umalis na sa kinatatayuan ko. My friends followed me.

"Hindi mo ba siya kakausapin? The guy went here, Ari" Gail said nung nakalayo na kami

Umiling ako "Ayoko"

They both groaned.

"He's an ass for what he did pero ano ba naman yung harapin mo yung tao. Do you think he likes the attention he's getting from everyone here? Kung ayaw mo siyang harapin tawagan mo man lang para paalisin"

I listened to what Trina said. We stopped walking at kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa ko. I unblocked his number at dinial siya.

I winced as I felt the simultaneous vibration of my phone. Malamang mga text yun na galing sa kanya na ngayon pa lang pumapasok.

"Hello"

"Damn!" salubong ko kaagad sa kanya

"Go out. Let's talk" he said without missing a beat

I breathed harshly. I can't believe his audacity na balewalain ang galit ko. Hindi ako makapaniwala na parang wala lang nangyari.

Kungsabagay, hindi naman kasi big deal talaga yun para sa kanya. Ako lang naman dito yung nanggagalaiti dahil pakiramdam ko ginago niya ako ng husto.

"Kahit lumuha ka pa ng dugo dyan, hindi pa rin ako lalabas" pagtatapos ko ng usapan at pinatay na ang tawag. I expected na tatawag siya pero hindi nangyari yun.

"Tara na lang sa classroom ulit" yaya ko sa mga kaibigan ko at naglakad na nga kami pabalik.

Can this day get any worse? Pagtapos ni Blaise eto at si Maven naman ang makakasalubong ko.

"Let's talk" sabi niya. Hindi niya na ako binigyan ng pagkakataon na makasagot dahil hinatak niya na ako. Nagpumiglas kaagad ako at nagtangka pa na suntukin siya pero balewala lang sa kanya. I am sure that punch I gave him at his jaw stings pero tiniis niya lang ang sakit.

"Maven, ano ba!" singhal ko sa kanya pero hindi ko na naituloy ang pagprotesta because he opened a door to a vacant classroom at ipinasok kaming dalawa doon.

"Ano bang problema mo ha?!" singhal ko sa kanya and at the same time kinakabahan na ako dahil baka makita kaming dalawa rito ng kahit sinong teacher.

"Who gave you those flowers, Astrid? Are you up on something to make me feel jealous?" tanong niya

I crosed my arms then rolled my eyes "To make you jealous? Masyado ka naman atang confident? I don't even care about you anymore. I am already seeing someone" sabi ko

Kissed by Fire (Fire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon