my own tongue

11 0 0
                                    

Unang kita palang sayo
Pag-ibig agad dumaloy
Ikaw ang aking diwata
Natulala ang aking mata

Tumigil ang galaw ng oras
Buhay ko nawalan ng malas
Ika'y hulog ng kalangitan
Ika'y lagi nasa aking isipan

Asa ko ikaw ang aking tanging sinta
Sulat ko para saiyo, di kaya ng tinta
Mahal, abangan ko iyong halik
Mundo ko'y ikaw ang gumuhit

Antayin ko ang tatlong salita
Hangga't mayroong pag-asa
"I love you," kaso nga umaasa lamang
Aasa pa ba ako ng walang hangganan?

Matindi ang aking dalamhati
Subalit aking puso'y nahati
Subalit ika'y aking kaibigan
Wala na akong pagaasahan

Mahal ko saiyo ay malupit
Sa dulo, saksakan ng sakit!
Ang mundo ko'y todo nabiyak
Kasabay ng puso, mata umiiyak

Nung ikaw ay aking yinakap
Ibig ko sayo lumagpas ng ulap
Ganun din kataas ang bagsak..
Parang aking puso'y nasaksak.

Matinding ang aking hulog
Itong sakit, hindi makatulog
Ating pagsasama'y sobra masaya
Pero maslalo ako nawalan ng asa

Nalabas ang aking damdamin
Ito'y naging aking salamin
Alam na niya ang aking lubos na ibig
Sana sa klase, hindi ito malabas ng bibig

Ako'y napagpalit..
Alam ko ito'y masakit..
Ito na ba ang dulo?
Luha ko'y tumutulo..


A Painful LifeWhere stories live. Discover now