Piyesa.

9 0 0
                                    

Bawat ngiti
Bawat luha
Bawat gising
Bawat pikit
Bawat hangin na tinatanggap
Bawat buga
At habang ika'y yinayakap nang maigi
Binubulong ang dalangin huwag sana maglaho sa hangin..

Ang bawat piyesa na bumubuo sa'yo
Bawat piyesang nawa'y mapasaakin
Habang-buhay...
Dito ka na lang habambuhay..

O ang init ng iyong balat
At bawat sinulid ng iyong buhok
Dumadaan ang ilaw sa mga bulsa’t dumarating sa akin..

'Wag kang bibitaw
'Wag kang mawawala
O aking dinadala ang bawat piyesa ng Ikaw..

Ano na ang gagawin kung wala ka?
Wala ka na pala...
Bumitaw ka na agad..
Walang habambuhay..
Kahit itong sakit, nakasanay...

Bawat piyesa ng puso ko...
Nawala dahil sa iyo...
'Di ka karapat dapat iyakan...
Pero bakit ka lumisan..?





A Painful LifeWhere stories live. Discover now