Prologue

7.8K 116 4
                                    

 

NASUBUKAN NIYO NA BANG MABULLY?

Yung tipong umiiyak ka lagi kasi hindi mo naman alam kung ano ang ginawa mong mali para ma-deserve ang lahat ng itinatrato sayo? Ang masakit pa, yung nangbubully sayo eh gustong gusto mo. Siya yung dream boyfriend ko. Siya yung gusto kong makasama habang buhay. Siya yung gusto ko maging ama ng mga anak ko. Sinasabi ng iba "obsessed" daw ang tawag sa akin. Kaya daw siguro ako binubully kasi halatang halata na patay na patay ako sa kanya. Eh anong magagawa ko? Yun yung sinasabi ng puso't isipan ko eh. Sabi nga lola ko, sa dinami dami ng mamanahin kay Juliana (nanay ko), yung pagiging "obsessed" pa sa lalaki. Wala daw magandang mangyayari sa akin kapag ipinagpatuloy ko ito. Tulad nga ng nangyari sa nanay ko, obsessed siya sobra kay daddy nung kabataan nya. Nagpabuntis siya kay daddy ngunit noong nalaman ni daddy, mariin niyang itinanggi na siya ang ama na ipinagbubuntis ni mommy. Dahil doon, nagdrive si mama ng mabilis habang umiiyak at siya ay naaksidente. Isinugod sya sa ospital ngunit hindi na rin niya kinaya na tumagal pa. Naligtas ang batang ipinagbubuntis nya ngunit si mommy, tuluyan nang naglaho sa mundo.

At  ako ang batang  iyon.

Jessica Jane Fortuna ang pangalan ko. 16 years old. Laking lola. Marami nagsasabi na kamukha ko  daw ang mommy ko. Magandang pinay, buhay na mga mata, balingkinitang katawan, katamtaman ang tangos ng ilong, maliit at mapulang labi, medyo kinapos sa height, pero sa kabuuan, okay naman ako. Isa lang ang problema, nerd daw ako. Nakasalamin, di marunong magayos sa sarili, laging magulo ang buhok, at baduy manamit. Kaya siguro ako laging binubully? Ewan ko  din. And speaking of bully, Jeffrey San Juan ang pangalan ng crush  ko simula pa nung elementary hanggang ngayon. 17 na siya ngayon, sobrang gwapo niya, magulo ang buhok pero maganda pa din tignan, magandang mata na kapag tumitig sayo, siguradong matutunaw ka, matangos na ilong na tila halatang may lahi siyang banyaga, mapulang mga labi, magandang hubog ng katawan- halatang nag-woworkout lagi at matangkad na height na halos umabot na sa 6'0 sa aking tancha.

Paano nga ba niya ako  binubully?  Ganito: lalagyan lang naman niya at ng evil girlfriend nya na si Angeline ang upuan ko ng sobrang daming glue. Bibigyan nila ako ng peace offering na iced tea tapos toyo naman pala. Hindi nila ako hahayaang makasali sa mga  theatre groups nila. Gagawin nila akong alalay pag nagdedate sila. Didikitan nila ako ng kung ano anong papel na likod ko na may mga nakasulat na "loser", "pangit", "nerd" at iba pa.  Kukunin nila ang bag ko at itatago sa mga nakakatakot na lugar. Lalagyan nila ng automatic boxing fist ang locker ko para pagbukas ko, masusuntok ako. Konti palang yan, madami pa silang ibang  ginawa saakin baka maging libro ito pag kinwento ko  pa. At ayun, tuwang tuwa pa sila pag nakikita akong ganun. Tapos biglang maghahalikan. Kadiri. At ako, umiiyak lagi. Umiiyak dahil nabully nanaman ako, umiiyak dahil despite everything gusto ko pa din si Jeff at umiiyak dahil nakukuha pa nilang maghalikan sa harap  ko. SAKIT SA PUSO!

Tuloy tuloy ang  ganyang mga pangyayari hanggang 3rd year high school.  Ang tagal kong nagpabully kasi gustong gusto ko talaga sya. At  ngayon, summer vacation na. We're going to be seniors in 2  months. Gusto ko this time mapasaakin  si Jeff. Tama  na ang 9 years  na iniibig ko lang siya from afar. I have to make a move! I have to ask for a sign! Kung kailangan may gawin akong mga bagay na out of this world, gagawin ko. This is it. Wala na itong atrasan, walang bawian. It's either I make it or break it. I will  make my senior year memorable by making the boy want – MINE!

The Magnet (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя