Chapter 23 - The Ending?

1.2K 35 1
                                    

8 AM. I TOLD  JEFF EVERYTHING.

Hindi siya makapaniwala. Ang tagal niyang hindi nakapagsalita. Kitang-kita ko sa mga mata niya na para bang galit nagalit na galit siya. Hindi ko rin naman siya masisisi. Kung ako rin naman ang lokohin ng ganun, magagalit din naman ako. Hindi lang din ako makapaniwala na nagawa ko rin ang ganung bagay. Isa akong manloloko.

"Why did you do this to me?" Tanong ni Jeff. Seryoso.

"Jeff. Alam kong galit ka sa akin. Alam kong malaki ang kasalanan ko sa iyo. Naalala mo ba yung sinabi mo sa akin na patay na patay ako sa iyo? Totoo yun. Obsessed na ako sa iyo simula pa noong elementary. Kaya ginawa ko lahat para mapasaakin ka ngayong last year na natin. Hindi ko alam na naging selfish ako. Masyado ko lang inintindi ang sarili ko. Alam kong hindi mo ako mapapatawad ngayon pero sana balang araw maging maayos din tayo. Sorry Jeff."

"No. Binully din naman kita for 9 years. And you just revenged by playing with my feelings."

"Jeff.. no! I didn't play with  your feelings. I loved you."

"Stop it. It's okay. It's done. We're now even."

"But.. Jeff.."

"So anong oras naman ako matatanggal sa iyo?"

"1 PM. It's 5 hours per day."

"Wow. Genius ka nga talaga."

Naging tahimik lang siya hanggang umabot na ng 1 PM. Hindi rin siya kumain o uminom. Pagkalas ng magnet effect ay bigla nalang siyang umalis ng bahay namin.

Dito na nga yata siguro nagtatapos lahat ng pantasya ko kay Jeff. Nagkulong nalang ako sa aking kwarto at umiyak hanggang sa ako ay makatulog. 

The Magnet (Completed)Where stories live. Discover now