Chapter 20 - Everytime You Lie

1.7K 36 2
                                    

"HAPPY NEW YEAR!!!"

Yan ang bukambibig ng mga tao sa amin. Ang saya din ng new year ko. Kahit hindi ko muna kasama si Jeff, masaya din naman talaga kapag kasama mo ang mga kapamilya mo. Si Lola Pie, Jenny, at ang mga iba pa naming kapitbahay lang ang mga nakasama ko ngayong new year new year at noong pasko pero masaya naman. Ang daming pagkain. Ako naman lamon din ng lamon. Ang sarap kasi. Minsan nakikita ko na nakatitig sa akin si Marco na hindi ko alam kung natutuwa ba siya sa akin o ano. Hinayaan ko nalang. Si Jenny naman, hindi niya kinakausap si Marco. Baka naman may tampuhan pa rin sila. Ayaw din naman nila sabihin sa akin. Edi bahala sila. Basta ako masaya ako sa buhay ko ngayon. Wala na akong maihihiling pa.

Maya-maya ay nakarecieve ako ng text message galing kay Jeff.

[Happy New Year. I love you, Jessica Jane Fortuna.]

[Happy New Year din, Jeffrey San Juan. Mahal na mahal kita.]

Nakakatawa. Ang cheesy namin at ang flirty. Pero who cares!  Sobrang saya ko na tinext niya ako. Kahit wala siya sa tabi ko kaya niya akong pakiligin ng bonggang bongga.  Maya-maya konti ay naka-receive ulit ako ng text galing sa kanya.

[San Juan Le Pasta Restaurante, 6PM. It's our family restaurant business. I'll cook for you.]

Wow. I'm excited.

***

Dumating ako sa San Juan Le Pasta Restaurante ng mga 5:30. Ang ganda  ng place. Ang sosyal at pang mayaman talaga tignan. May mini stage din at may mga taong naghahanda ng musical instruments. May kakanta yata mamaya na singer.  Nakakaexcite naman.

Naka usual nerdy look na ako this time. Since iyon naman talaga ang tunay na ako at yun din naman ang prefer look ni Jeff. Large eyeglasses, braided hair, big colorful headband, turtle neck longsleeves, printed leggings at doll shoes with pink socks.

Bigla nalang nakita ko si Jeff na namagnet sa akin. Nakapang-chef's attire siya. Puro pawis ang mukha niya. Halatang nagluluto pa siya pero naistorbo niya kasi bigla siyang namagnet sa akin.

"Jess! You are so early! I haven't done cooking yet!"

"Umm. Sorry! Kala ko kasi maliligaw ako kaya inagahan kong umalis. Sorry Jeff! Sorry!"

Tumayo ako. Alam kong hindi na makakalas ang pagkamagnet ko sa kanya. Mga 10:30pm pa ng gabi ito makakalas.

"Halina!"

"What?"

"Sasamahan kita sa kitchen niyo habang nagluluto ka." Nagsmile ako sa kanya.

"Fine. Kasi di na ako makakaalis sa tabi mo eh."

"I know." I grinned.

"I love your look today. That's my girl."

*KILIG*

***

Ang galing ni Jeff magluto. Sobrang professional na niya tignan.  Alam na alam niya ang mga dapat ilagay at ang bango bango ng ginagawa niya. Bagay na bagay talaga kami kasi siya ang magluluto tapos ako ang taga lamon. Hahaha! Ang sarap talaga ng amoy. Grabe! Parang chicken na paella? Yummy!

"Are you hungry? Sandali nalang ito."

"No.. it's okay."

*KWRUUUUUUUUEEEEERRRKKUUUUUUEEEEERRRRRKKKK*

Wrong timing naman itong tiyan ko!!! Kung kelan sinabi ko na hindi ako gutom, bigla namang tumunog ng sobrang lakas. Nakakahiya! Pati mga ibang chefs napatingin sa akin tapos nagsmile. Kainis!!!

The Magnet (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon