Chapter 7 - Traffic Police

2.1K 59 2
                                    

I EXPLAINED EVERY SINGLE THING TO MARCO.

"We need to go to the bookstore where you last saw her." Sabi  ni Marco.

Tumango nalang kami pareho ni  Mika dahil sang ayon din naman kami na sobra na ang  naidudulot sa akin ng magnet na  ito. Bumaba na ang aking grades dahil napapasabak ako sa mga eskandalo sa school at na principal's office  na ako. Marami pa akong dapat habulin sa school para naman maging valedictorian pa din ako.

***

Habang nagdradrive si Marco papunta  sa bookstore. Naisipan  kong tanungin kung ano  ang naging sanhi ng break up nila ni  Jenny noon.

"She didn't  tell you?" gulat na tinanong  ni Marco.

"Ha? Hindi? May dapat ba akong malaman?"

"Siya dapat ang magsabi sa iyo. Siya ang kapatid mo." Tugon ni Marco.

"Now that's an issue!" singit ni Mika.

Nagroll nalang mata ko kay Mika. Sinira niya yung moment eh. Itong GBFF ko talagang ito. Hindi marunong tumiming kahit kelan. Pero ano nga kaya ang dahilan. Bakit hindi sinabi sa  akin ni Jenny? Bakit ayaw din sabihin ni Marco? Masyado bang pribado? Pero hindi naman ako  ibang tao.  Bakit kaya?

***

Pagdating namin sa bookstore, iba na ang cashier. Tinanong namin kung nasaan na ang cashier noon ngunit hindi naman daw sila nagpalit ng cashier. Siya lang daw ang cashier sa bookstore na iyon simula pa nung nagbukas ito.

And it happened all over again. That girl is really very mysterious. Pero this time, hindi na ako natatakot. Sa sobrang daming nangyayari sa buhay ko ngayon, wala nang oras matakot. Na manhid na yata ako. At ganun din si Mika.

"I knew it! She won't be here! She's supernatural." Sabi ni Mika.

"Impossible." Sabi ni Marco.

"It's possible, Marco. Twice na naming naranasan ni Mika." Sabi ko.

"And you're not even afraid?" Tanong ni Marco.

"Not anymore." Sabay namin sinabi ni Mika.

Tapos nagtawanan nalang kami ni Mika na parang mga baliw. Ito ang gusto ko kay Mika eh, kahit alam naming na may problema kami kinabukasan, nagagawa parin naming maging masaya sa sarili naming paraan. Ito nga lang si Marco, hindi ko alam. Mukang natatakot na ewan. Masasanay din siya. Naging best friend niya kasi ang pumatol sa magnet ng isang di kilalang babae dahil sa lintik na pag-ibig.

***

"OMG! JESS! YOU WON'T BELIEVE THIS!" Sigaw ni Mika.

Nasa kotse na kaming tatlo nang nakita namin ulit yung babae sa quiapo na babae din sa bookstore. Ngayon naman isa siyang pulis? Pulis trapiko. At parang mas bumata nanaman siya ng dalawang taon. Kumbaga kung 40 yrs old siya noong una naming pagkikita, ngayon aba 36 nalang!

"Naman oh! Paano natin siya makakausap niyan? Eh nagaayos siya ng traffic!" Inis na sinabi ni Mika.

"Itatabi ko kotse sa kanya tapos tanungin mo na kung paano maalis sumpa, kahit limitado ang oras, baka may maibigay siyang impormasyon sa iyo na makakatulong."

Tama si Marco.

Tinabi niya ang kotse sa babae sa trapiko at nakita kami agad ng babae. Nakilala niya kami at ngumiti siya.

"Konting tiis nalang Jessica, maguumpisa na ang pinakahihintay mo. At isa pa, marami ka pang malalaman na ikagugulat mo. Ingat ka lagi." Sabi niya.

Sinaway na kami ng ibang pulis trapiko kaya naman umalis na si Marco ng tuluyan. Mahirap na baka mawalan pa ng lisensya si BBFF ko dahil sa akin.

Mahiwaga talaga ang babaeng madumi na naging babaeng bookstore  na babaeng pulis na iyon. Ano ba yung pinakahihintay ko? At ano yung dapat kong malaman? Baka nga guardian angel ko siya? Eh bakit nakikita din siya ni Mika at Marco? Ano naman kayang mga pangyayari ang naghihintay sa akin? Nakakaloka na!

The Magnet (Completed)Where stories live. Discover now