Chapter 36 - Flawsome

1.3K 31 0
                                    

ANG DAMING NAGBAGO SA RESTAURANT NI JEFF.

Mas nag-improve. Nakalagay sa walls lahat ng achievement na nakuha ni Jeff noong nasa States pa siya. May 10 branches na rin ito sa buong Pilipinas. Sobrang nakakaproud siya sa mga nagawa na niya at a very young age.

Nakita ko na sobrang nirerespeto siya ng mga tao sa restaurant niya. Meron din siyang mga OJTs na tinutulungan. Nakakatuwa talaga.

Umupo kami ulit doon sa inupuan namin dati. Déjà vu. Parang ang dami ko nanamang naalala. Magagandang alaala noong kami pang dalawa ni Jeff ang nagmamahalan. Hay nako! Kainis! Binigyan na kami ng mga waiters ng menu! HUWAW! Ang daming bagong pagkain. Puro signature dishes! Nanlaki talaga ang mga mata ko at lalong kumalam ang sikmura ko! Grabe! Naexcite naman ako! Buti nalang pala sumama ako kasi matitikman ko lahat ng natutunan ni Jeff sa States! Kahit hindi na kami, kahit matikman ko lang yung mga pagkain na niluto niya. Solb na ko dun! Sana!

Ang dami kong pinili sa menu! Ang mamahal naman kasi kaya sinulit ko na! Hindi na rin naman kami magkikita ni Jeff pagkatapos nitong araw na ito kaya tinodo ko na ang kapal ng mukha ko. Ang dami kong inorder! Pero alam ko naman na kaya kong ubusin lahat ng pinili ko eh. Ang takaw ko kaya! Buti nga hindi ako tumataba eh. Nasa genes kasi namin na mga balingkinitan lang talaga kami pero malalaki talaga ang sikmura namin. Si Jeff naman, sanay naman na siya na lagi akong napapahiya sa harapan niya kaya alam kong hindi na siya magugulat sa mga inorder ko. At tama nga! Hindi na siya nagulat. Natatawa lang siya. Bahala siya! Masarap eh! Hindi ako tumatanggi sa grasya!

Nag-isa isa nang dumating ang mga inorder ko. May pizza, carbonara, lobster, cake, chicken, lechon, crispy pata, fish fillet, at maraming extra rice! ANG SARAAAAAAAP! Nagsimula na akong lumamon! Oo! Lamon talaga as in! Ang sarap kasi! Grabe! Kumain ako na parang huling araw ko na ito sa mundo. Huling araw ko na rin kasing makikita si Jeff kaya naman nilubos lubos ko na ang saya sa pagkain ko. Malulungkot talaga ako kapag nawala na si Jeff. Bakit pa kasi siya bumalik eh. Naka-move on na ako noong umalis siya pero ngayong bumalik siya sa buhay ko, parang biglang nagising muli ang natutulog kong puso. Ew, Jessica. Ew!!! Napasobra yata ang panunuod ko ng mga teleserye! Yun nalang kasi ang naging boyfriend ko nung umalis si Jeff eh.

*BUUUUUUUURRRPPP*

Ang lakas ng burp ko! Grabe! Nakakainis! Ganun ba talaga kadami yung kinain ko? Parang normal lang naman. Hay! Nakakahiya tuloy! Hindi na ako nahihiya kay Jeff. Pero nakakahiya sa ibang customers eh! Pati sa waiter! Lahat sila naglingunan sa akin.

"Sorry. Hehe." Sinabi ko sa kanilang lahat. Sabay peace sign.

Tinignan ko si Jeff at tumatawa lang siya ng walang sound. Nakakainis!

Nang naubos ko lahat ng pagkain sa mesa namin. ANAK NG! Bigla ba naman akong nautot! Hala! Oh no! Ito na!!! Bakit ba nangyayari lang ito sa akin kapag kasama ko si Jeff. May balat yata si Jeff sa pwet eh! Nagtinginan nanaman tuloy ang mga customer at waiter. Pero this time, hindi ako umamin. Ako pa ang unang nagsabi..

"May umutot. Ang baho! Sino kaya yun?" Tanong ko sa kanilang lahat.

Tumawa naman si Jeff. Nakakainis! Alam niya kasing ako yun eh!

"Nice try." Tawa pa siya.

"Nakakainis ka! Kasanalan mo ito! Ang sarap kasi ng mga recipes mo."

"Well, thank you." Sinabi niya habang tumatawa pa rin siya.

"Tss." Nagpout nalang ako.

O! M! G! HALA! BAKIT GANITO! Ang sakit ng tiyan ko! Mother earth naman!!!! Bakit ngayon pa! Tatlong beses ako mapapahiya kay Jeff ngayon? Mother earth, wag!!!! Napaghalo-halo ko yata lahat ng kinain ko. Uminom din kasi ako ng sobrang dami at iba't-ibang flavors ng fresh fruit shakes. Nakakainis naman oh! Ayan na! Pinawisan na ako ng bonggang bongga! Gusto sana pigilan pero baka naman dito ako sa restaurant ni Jeff pagpasabog. Mas nakakahiya yata yun.

Buti nalang wala nang magnet effect ngayon. Tumayo ako at nagpaalam kay Jeff na magCCR lang ako sandali.

"I know what you're gonna do." Nagsmile siya. Sabay tumitig ng matalim.

"I'll pee! DUH."

'No.. you're not just going to pee." Nakasmile pa din siya.

"I'll retouch my make-up!"

"Yun lang?"

"YES!"

"Are you sure?" Nakangisi na siya.

"HA?"

"It's okay. You're always be my flawsome Jess. From then, until now." He smiled. Ang gwapo.

"Whatever!" Tumakbo na ako papuntang CR! ITO NAAAAAA!!!!!!

*BLOKPLOKBRRRGGGGSSHHSHSHH*

***

Hinatid ako ni Jeff pabalik sa work ko. Bumaba na ako sa kotse niya.

"Thank you sa lunch, Jeff." Sinabi ko nang pormal.

"Thank you too, Jess. See you."

"See me?"

"See you when I see you."

"Ah. Hehe. Sige, bye."

Sinara ko na ang kotse niya at umalis na rin siya. Parang medyo umasa naman ako dun sa 'see you' niya. Nakakainis! Pero grabe, that's it. That's the last time na magkikita kami ni Jeff.

I'll miss him.

So much.

The Magnet (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz