Chapter 14 - Mr. Gregory

2K 45 1
                                    

ITO NA ANG ARAW NG AMING RETREAT.

8:00 AM ang calltime namin sa school ngunit 7:00 AM palang ay kumakatok sa sa pinto ko si Lola Pie.

"Jessica iha may magsusundo daw sa iyo."

Ano? Sa akin? Sino naman kaya iyon. Dali dali akong bumangon sa kama at nag-ayos ng sarili. Malamang si Mika iyon na nagmamadali nanaman. Excited yatang makita si Chester niya.

"Sino daw po? Si Mika po ba?" Sigaw ko kay Lola Pie kasi baka di niya ako marinig kasi naman nasa labas lang siya ng pintuan ko. Eh hindi naman naka-lock. Pasaway talaga itong si lola Pie.

"Gregory daw!" Sigaw sa akin pabalik ni Lola Pie.

Gregory? Wala naman akong kakilalang Gregory? Hindi na muna ako naghilamos para silipin kung sino yung Gregory na iyon. Baka nangtritrip lang si Mika. Ginawa na rin kasi ni Mika sa akin dati na pinapalitan niya ang pangalan niya kaya medyo handa na ako. Wala na rin akong pakialam kung makita ako ni Mika na bagong gising at nasa pinakapanget kong anyo. Tanggap ako ni GBFF kahit sino man ako. HAHAHA!

Laking gulat ko nang lumabas ako ng kwarto. Nakaupo sa sala namin si Jeff at masayang nakikipag-usap kay Lola Pie. Naka longsleeves siya na blue and gray at naka pants. Naka chucks din siya. Sobrang gwapo niya tignan sa itsura niya. At sobrang panget ko namang humarap sa kanya. Nagulat din siya noong nakita niya akong lumabas ng kwarto ko. Napatingin agad siya sa ibang lugar. Inisip ko kung bakit napatingin siya sa ibang lugar at nagsorry pa siya kay Lola pie. Huli na na nalaman na wala nga pala akong bra. Nakita ni Jeff ang aking white T-shirt na walang bra at pajama kong butas butas. Sobrang nakakahiya. Gustong gusto ko na lamunin ng lupa!!! Bumalik agad ako sa room ko at naligo. Umepekto agad  yung magnet  kaya sinundan ako ni Jeff papunta sa room ko. Pero buti nalang na nasa labas lang siya ng door ng CR at ako ay nasa loob. Buti nalang din nasa CR na lahat ng damit ko na pang-bihis. Kung hindi boldstar ang labas ko nito sa harap ni Jeff. Ughhhh!

Pasaway naman kasi si Lola Pie eh. Alam ko namang matanda na siya at mahina na ang pandinig niya. Pero sana naman sinabi niya sa akin na hindi si Mika iyon. Casual lang kasi niyang sinabi na may susundo. Malamang gulat na gulat siya ngayon kasi pumasok si Jeff sa room ko. Bahala siya! Kung ano-ano nanaman siguro ang maiisip ni Lola Pie. Hayyy!!! Ngayon hindi ko na tuloy alam ang mukha ihaharap ko mamaya kay Jeff. Nakita na niya akong jumejebs at ngayon naman, nakita pa niya akong walang bra at walang ligo. Ano pa ba ang sunod niyang makikita sa akin? Baka sobrang maturn-off na sa akin iyan. Baka i-friendzone na niya ako. Huhu!

***

"Jess? You're quiet." casual na tanong ni Jeff.

Nasa kotse na ako ni Jeff ni ngayon. Papunta na kami sa school para sa meeting place naming mga magreretreat. Hindi ko alam paano ako nakalabas ng room pero nagawa ko naman. Ang kapal na talaga siguro ng mukha ko. Naka pink shirt lang ako at pants. Naka salamin na rin ulit ako at naka headband. The usual nerdy look.

"Bakit mo ako sinundo?"

"Si Chester kasi gusto niyang sunduin si Mika sa kanila. Sabi naman ni Mika, walang magsusundo sa iyo. Kaya naman nagvolunteer nalang ako na sunduin kita. Tutal magiging parang magnet din naman tayo mamaya eh." Paliwanag niya.

"Ah. Mukhang hindi na natotorpe si Chester ah. Buti naman."

"Buti nga sila eh." Mahina niyang sinabi. Di ko masyado naintindihan. Ang naintindihan ko parang "Butiki siya eh?" Ewan!

"Ano?"

"Nothing."

"May nakita ka ba sa akin kanina?"

"Meron." He smirked.

"Bastos!" Pinagpapalo palo ko siya.

"Hey! Hey! I didn't mean to see it. You we're the one who went out of your room."

"Kahit na! Kainis ka!!!!"

"You are really very clumsy. Kung ibang lalaki iyon, baka pinagnasaan ka na."

"You are even more dangerous than them all, Mr. Bully."

"No. I won't harm you pretty lady."

Natahimik naman ako sa pretty lady. Nakakakilig naman. Nakakainis pero nakakakilig. Grabe, nakakabaliw talaga itong lalaking ito. Pero kapag kasama ko siya, nalilimutan ko lahat ng problema ko.

"Wag kang masyadong kiligin." Pang-aasar niya.

"Ha? Kapal mo! Di ako kinikilig."

"Then why are your cheeks beet red?"

"Rosy? Duh!"

"Okay sabi mo eh." He said while smiling.

The Magnet (Completed)On viuen les histories. Descobreix ara