Chapter 49 - Forgive & Forget

1.7K 43 1
                                    

ISANG LINGGO NA KAMING KASAL NI JEFF.

Hindi rin pala madali ang buhay may asawa. Kasi naman, maninibago ka talaga. Lumipat na kasi kami ng bahay ni Jeff. Hindi na ako baby ngayon. Marami na akong responsibilidad bilang may bahay ni Jeff. Pero masaya naman, lalo na kapag si Jeff ang asawa mo. Pinagluluto niya ako lagi ng mga specialty niya! At ako naman, kain ako ng kain.

Wala ring nagbago sa amin ni Jeff simula nung high school palang kami. Ganun pa rin. Pero ngayon, magkasama na kami sa iisang bahay. Siya na ang nakikita ko tuwing umaga pag gising ko at siya rin ang huli kong makikita bago matapos ang araw ko.

Nakakamiss din si Lola Pie at si Jenny. Sabi nila ay dadalaw sila ngayon eh. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin sila. Nakakainip naman!

Wala rin kasi si Jeff ngayon sa bahay eh. Binisita niya kasi yung isang branch ng San Juan Le Pasta Restaurante. Hindi na ako sumama kasi tinatamad akong bumangon kanina eh. Ang aga aga kasi. Tsaka nakakatamad din kasi talaga maligo. Hahaha!

Ilang sandali lang ay dumating na rin si Lola Pie. Pero laking gulat ko na hindi si Jenny ang kasama niya para dalawin ako. Ang kasama niya ay isang lalaking halos 40s na ang edad. May itsura ito at mukhang businessman na mayaman. Matangkad at mukhang mabait.

Iniwan muna ni Lola Pie ang lalaki sa sala. Umakyat kami sa kwarto namin ni Jeff at doon, kinausap ako ng masinsinan ni Lola Pie.

"Sino po yung lalaking kasama niyo? Nasaan po si Jenny?"

"Si Jennica ay may lakad ngayon kaya hindi siya nakasama."

"Eh yung lalaki po?"

"Siya si Dennis. Siya ang iyong ama."

Natulala ako sa sinabi ni Lola Pie. Siya ang daddy ko? Bakit ngayon lang siya nagpakita? All these years hindi niya pinakialaman ang buhay ko. Tapos ngayon, kung kailan maayos na ang lahat, magpapakita siya. Nabaitan pa naman ako sa itsura niya pero nung nalaman ko na tatay ko siya, parang nagalit ako. Dahil hindi man lang niya ako pinuntahan buong buhay ko. Hindi ko na siya kailangan. Masaya na ako sa meron ako. Bakit ba kailangan pa niyang magpakita? Ano naman kaya ang motibo niya?

"Jessica, masaya siya sa mga nangyayari sayo. Masaya siya sa kasal mo."

"Paalisin mo na siya Lola Pie. Hindi ko siya kailangan."

"Jessica iha, alam kong maraming kasalanan ang iyong ama sa iyo. Pero matuto kang magpatawad."

Naalala ko bigla yung sinabi ni ate guardian angel ko sa CR noong kasal namin ni Jeff. Kailangan ko daw magpatawad para maging buo. Hindi ko naman alam na tungkol pala sa daddy ko iyon. Hindi ko rin alam na mapupuno ako ng galit. Ang hirap pala magpatawad. All these years kala ko okay na ako at masaya na ako sa buhay ko. Hindi ko alam na may bubog pa rin pala sa akin. Ang akala ko ay masaya na ako kahit wala akong tatay, pero nung bumalik siya. Parang ang laki laki ng pagtatampo ko sa kanya. Sa lahat ng ginawa niya kay mommy at sa akin.

"Lola Pie, hindi ko yata kayang magpatawad ngayon..." Umiiyak kong sinabi.

"Kaya mo anak, malakas lang babae. Ako mismo ang nakakita nun."

"Pero iniwan niya ako. At ngayon lang siya nagpakita."

Naalala ko nung elementary, favorite ko pa ngang kantahin yung 'Dance With My Father' na tagalog version. Kasi yun lang yung nagpaparamdam sa akin na kahit papaano, hindi ako nagiisa. Na marami din namang taong walang tatay pero masasaya sila sa buhay.

"Hindi ka niya iniwan apo."

"Hindi ko maintindihan Lola Pie..."

"Hindi ka niya iniwan. Nung araw na namatay si Juliana habang ipinanganak ka niya, naroon ang tatay mo. Nagsisisi siya na itinanggi niya na anak ka niya noong nabuntis niya si Juliana. Pero napakabata pa ng tatay mo noon. 16 lang siya noong nabuntis niya si Juliana. Pinadala siya ng mga magulang nila sa States at doon nalang pinalaki. Grounded din siya doon kaya naman kahit na nagkaroon na siya ng trabaho ay hindi pa rin siya makauwi dito."

The Magnet (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon