Chapter 32 - He's Taken

1.3K 35 1
                                    

NABUGAHAN KO NG PINEAPPLE JUICE ANG MUKHA NI JEFF.

"HALA! JEFF! SORRY! SORRY!"

Dali dali akong kumuha ng tissue sa bag ko at ipinunas sa mukha niya! Ano ba naman yan oh! Bakit siya nandito! Na-pineapple attack tuloy siya! Nakakahiya naman! Mukhang ang ganda pa naman at ang mahal ng suot niya. Nakakahiya!!! Kainis!!!

"Buti naman at may tissue ka na ngayon." Tumawa siya.

Waaaaa!!!! Nakakainis talaga! Bumalik tuloy sa akin yung memory na wala akong tissue na pamunas sa pwet at papel pinangpunas ko na test paper ni Jeff na zero yung score! Nakakahiya!!! Ang tanda na namin ngayon pero bakit naalala pa rin niya iyon? Hayyy!!!

"It takes five years para magka-tissue ka sa bag." Dagdag pa niya. Nakakainis!

"Joke lang! Jess! I just missed you. How are you?"

"Ako? Ako? I'm fine. I'm fine. Ikaw?"

"I'm fine too. Nabalitaan ko may clothing business ka na ah?"

"Ah. Yes. Ikaw din naman. You are so successful abroad. Bakit ka nga pala umuwi?"

"Ah.. magpapakasal na kasi kami ng fiancée ko eh."

Ouch. Bakit ganon? Parang nasaktan ako dun? Mahal ko pa ba si Jeff? Ano ba yan! 5 years na ang nakalipas, Jess! Move on! May fiancée na si Jeff! Ako, pag-alis ni Jeff, never ako nagkaboyfriend. Masyado ako nagfocus sa work. Wala rin naman nangligaw sa akin. Siguro pangit nga talaga ako. Hala! Feel ko magtatanong siya kung may partner na rin ako! Akong sasabihin ko! Wala? Ayaw kong mapahiya! Kailangan gumawa ako ng paraan! Magkukunwari nalang ako na meron! Kahit wala! Hay!!!

"Ah.. It's nice to hear that from you." Sinabi ko na parang di ko alam kung ano ba talaga yung expression ko. Parang hindi maipintang mukha.

"Ikaw? Do you have a partner?"

SINABI KO NA NGA BA EH! NATANCHA KO NA ITONG SI JEFF. ITO NA! MAGSISINUNGALING NA AKO! READY! SET! GO!

"Ah! Yes yes! He's John. Hehe!"

Utang na loob! John? Hindi kaya parang halatang peke? Sa dinami dami ba naman ng pangalan, yung pinakacommon pa yung nabanggit ko. Nako! Nako!!!!

"I see. Kaya pala ang ganda mo ngayon. You're blooming."

"E..hehe. Thank you. Ikaw rin. As usual."

Ganun pa rin naman ang itsura ni Jeff. Gwapo pa rin. Pero ngayon parang mas naging mature looking siya at mas naging kagalang-galang. May eyeglasses na siya ngayon. Yung hair niya naka baba na unlike before na naka taas at puro gel.

Ako naman, naka beige dress at nude heels lang. Pero naiinis ako sa sarili ko kasi bakit kinikilig pa rin ako nung sinabi niya na maganda ako? May fiancée na yan Jessica! Utang na loob! Tumigil kang haliparot ka!!!

"I remember the magnet.. It's was so funny."

"Haha yeah." Sagot ko. Ang weird yata ng sagot ko.

Tumawa nalang siya at nakitawa nalang rin ako ng peke. Yung tipong tawang pilit.

Buti nalang at dumating na din sila Mika at Chester kaya naman nakahinga na ako ng maluwag. Ang sakit sa puso kapag kaming dalawa lang ni Jeff yung nag-uusap lalo na ngayon na alam kong may fiancée na siya. Sino naman kaya yung fiancée na yun. Dapat mas maganda siya sa akin. Kung hindi! Kung hindi!!!

Edi wala rin.

Wala rin akong magagawa.

Siya pa rin ang fiancée.

The Magnet (Completed)Where stories live. Discover now