Chapter 44 - Balik Alindog

1.6K 33 1
                                    

NAGMAMAJONG SI LOLA PIE PAG-UWI KO.

Nasa bahay namin ang mga amiga niya. Ang saya saya lang nilang panuorin. Buti pa si Lola Pie, matanda na siya pero maayos ang buhay niya. Kahit namatay na ang asawa niya at ang anak niya, nakukuha pa rin niyang ngumiti. Kahit kailan ay hindi nagsabi sa amin si Lola Pie na nalulungkot siya dahil wala na siyang partner sa buhay. Chill lang siya lagi kasama ng mga amiga niya. Paano kaya niya yun nagagawa? Yun nga ba ang sinasabi sa akin ni Mika na kailangan ko nalang tanggapin ang mga nangyayari? Magpaturo nalang kaya ako kay Lola Pie. Baka siya ang makatulong sa pinagdadaanan ko ngayon. Kaso paano ba naman ako magpapatulong, eh naglalaro siya at ang saya saya niya. Ayaw ko naman maging KJ at gulihin siya at ang mga amiga niya.

Umakyat nalang ako sa aking room. Tinignan kong muli ang tatlong magnet na binigay sa akin. Nakakapagtaka lang talaga. Pero nagkataon lang naman siguro. Guardian angel! Lumabas ka nga! Ani ba itong mga magnet na ito! Kung kelan kailangan kita hindi ka naman lumalabas. Hay! Napaparanoid yata ako. Siguro kailangan ko nalang itong itulog. Sa mga nakaraang araw kasi ay wala rin akong tulog dahil sa kakaisip. Buti sana kung magkakapera ako kakaisip eh noh. Wala din naman. Pinapagod ko lang ang sarili ko.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Nakakaawa na ang itsura ko. Ang laki laki na ng mga eyebags ko. Ang gulo gulo ng buhok ko. Tinutubuan na ako ng maraming pimples kakapuyat ko kakaisip ng mga walang kwentang bagay na hindi naman nangyayari sa totoong buhay. Yung skin ko naman, dry na dry. Yung lips ko, nagbabalat. Kapag hindi ako umaalis ng bahay, hindi ako naliligo. Nagkukulong lang ako sa kwarto at nagiisip isip nanaman. Pumayat din ako ng todo ngayon, parang limang taon akong nagkasakit sa itsura ko. Dinaig ko pa yata ang kapayatan ni Kim Chiu eh. Wala rin kasi akong ganang kumain. Hindi na rin ako nagsisipagkain ng mga prutas at gulay. Puro junk food at instant noodles nalang ang laman ng sistema ko.

Pinabayaan ko ang sarili ko. Masyado na nga yatang mali ang nagiging epekto ng pag alis ni Jeff sa akin. Oras na talaga yatang para bumangon ulit ako. Life goes on nga naman talaga.

"Alagaan mo kasi ang sarili mo."

Nagulat ako nang biglang pumasok sa kwarto ko si Lola Pie. Hindi ko inexpect na papasok siya sa room ko kasi kanina lang ay kitang kita ko na busy siyang maglaro kasama ng mga a,igas niya eh. Tapos na siguro. Ang bilis naman.

"Lola Pie, nandito ka pala."

"Duh. Dito kaya ako nakatira."

Ang kulit talaga ni Lola Pie. Kaya mahal na mahal ko ito eh. Parang siyang si Mika na tumanda. Ang kulit kulit pa rin kung makipag-usap. Parang magkakaedad lang kami.

"Lola naman eh."

"Apo. Tignan mo nga ang sarili mo. Masyado ka nang nagbababad sa trabaho. Hindi ko kailangan magpakababad sa trabaho para makalimutan si Jeff."

"Lola, yun lang ang paraan. I have to keep myself busy."

"Hindi lang naman iyon ang paraan para makalimot. Pwede kang pumunta sa mga salon, magpamake-over ka. Gumanda ka na noon eh, pumapangit ka nanaman ngayon."

"Sobrang pangit ko na ba?"

"Maganda ka anak. Napakaganda mo. Para kang si Juliana. Magkamukhang magkamukha kayo. Pero anak, alalahanin mo lagi na ang ganda ng tao ay inaalagaan din dapat. Kailangan mo din tulungan ang sarili mong maging masaya kung sa tingin mo ay sobrang nalulungkot na ito."

"Paano naman po ako magpapakasaya?"

"Gawin mo lahat ng mga gusto mong gawin. Mga masaya mong ginagawa nang wala si Jeff. Marami ka pa rin namang mga bagay na ikinasasaya kahit wala siya eh."

The Magnet (Completed)Where stories live. Discover now