Chapter 50 - Signing Off

1.7K 42 1
                                    

LIFE GOES ON.

Nasasanay na rin ako sa buhay kong kasama ang mahal kong si Jeff. Tumutulong din ako minsan sa restaurant business niya. Marunong na rin akong magluto ng konti. Bumalik na rin sa States ang daddy ko para patakbuhin ang business namin! Yeah! NAMIN na talaga! Lagi kaming nagchachat ni daddy sa viber. Kinekwento din ni daddy sa akin yung mga crush niya sa company nila. Ang cute talaga ng daddy ko. Parang magkabarkada lang kami kasi 16 years lang naman ang tanda niya sa akin.

Marami akong natutunan sa journey ko. Natutunan ko na ang buhay ay hindi perfect. Pero kahit na hindi naman perfect ang buhay natin, pwede pa rin natin itong gawing happy. It's our choice to be happy. Minsan talaga darating sa buhay natin kung saan kailangan natin pumili sa malungkot na tama at masayang mali. Pwede tayong humingi ng mga payo sa ibang tao pero sa huli, desisyon pa rin naman natin ito. Masasabi ko lahat ng nangyayari sa buhay ko ngayon ay desisyon ko. Pero siyempre, marami pa rin namang mga tao na naging malaking parte sa mga naging desisyon ko. At nagpapasalamat ako sa kanila sa pagiging parte ng buhay ko.

Sa naging biyahe ng love story namin ni Jeff, natutunan ko din na kailangan lang natin maghintay. May mga bagay talaga na hindi binibigay agad ni Lord. At may mga reasons naman kung bakit hindi pa ito binibigay agad. Dapat lang talagang maging epatient tayo. Tulad ko, since elementary ko pa gustong gusto si Jeff. Pero 14 years ang naging paghihintay ko para lang maging akin siya. Okay lang! It's worth the wait naman. Yung daddy ko naman, it took me 21 years para lang makilala ko siya. Pero worth na wait din. Patience is a virtue nga naman talaga.

Masasabi ko rin na marami talagang nagmamahal sa akin. Hindi man ako tulad ng mga artista sa TV na maraming fans, alam ko na yung mga nagmamahal sa akin, ay minamahal talaga ako ng tunay. Hindi ako naghahanap ng pagmamahal hindi tulad ng ibang tao. Hindi rin ako naghahanp ng atensyon sa iba. Hindi tulad nung high school, pinipilit kong maging valedictorian para mapuri ako ng mga teachers. Hindi pala yun ang tunay na kasiyahan. Ang tunay na kasiyahan ay kapag kuntento ka sa buhay mo at sa mga ginagawa mo. Ang tunay na kasiyahan ay kapag hindi mo na iniisip kung ano ang iisipin ng ibang tao sa iyo. Ang tunay na kasiyahan ay kapag natutunan ko nang mahalin ang mga imperfections mo.

Natutunan ko ding magpatawad ng lubos. Minsan ang akala lang natin ay galit na galit na tayo sa mga taong nangaapi sa atin, minsan ang akala natin ay hindi na natin sila mapapatawad pa, pero kaya pala natin. Ang mga taong kayang magpatawad ay ang pinaka malalakas na tao. Ang ibig sabihin ay hindi ka nababaon sa galit mo. Kasi nakakawala ka sa mga galit mo noon. Masasabi kong malakas talaga akong tao dahil napatawad ko na si Angeline at ang mga alipores niya. Gusto kasi nilang magpagawa ng gowns sa akin para sa mga auditions nila dahil gusto nga pala nilang mag artista. Sinabi ko sa sarili ko noon na kapag nagpagawa si Angeline sa akin ay hinding hindi ko siya gagawan. Pero nung araw na pumunta si Angeline office ko, dala ang isang pangarap, na may magagawa ako para makatulong, nalimutan ko na ang lahat ng ginawa niya sa akin. Sino ba naman ako para hindi tumulong sa pangarap ng isang tao? Eh hindi ko rin naman mararating ang katayuan ko ngayon kung hindi sa tulong mga mga taong patuloy na sumusuporta sa akin. Atsaka yung mga pangbubully ni Angeline sa akin, nakaraan na iyon. Mas mature na siya ngayon at nanghingi na rin siya ng tawad sa lahat ng nagawa niya sa akin.

Naging honest na rin ako lagi. Ang hirap talaga kasi kapag nagsisinungaling ka. Natauhan na ako sa nangyari sa amin ni Jeff noong nagsinungaling kaming dalawa na may John at Jesslyn. Imbis na magkabalikan kami eh nagulo pa tuloy. Nangako na rin kami ni Jeff sa isa't isa na hindi na kami magtatago ng kahit anong secrets or magsisinungaling sa isa't isa. Naging effective naman kasi mas nararamdaman ko na mas naging matibay ang pagsasama namin ni Jeff ngayon. Parang wala nang makakasira sa amin.

Masasabi ko talagang nag-grow na talaga ako. Hindi na ako yung dating Jessica. Marami na akong natutunan sa buhay. Mas mature na ako kung humarap ng mga problema ngayon. Nakatulong din talaga lahat lahat ng pinagdaanan ko sa pag-grow ko bilang isang tao. Marami man ang nagbago sa akin, meron din naman ilang hindi nagbago. Well, ututin, uhugin, jebsin parin naman ako. At tanggap na naman yun ni Jeff. Wala siyang magagawa. Minahal niya ako eh! Hahaha! Nakatrap na siya sa akin. Sanay na nga yata siya eh. Minsan nga alam na niya kung kelan mangyayari ang mga bagay na iyon. Nakakatawa talaga!

Natuto rin akong magpasalamat lagi. Good or bad, nagpapasalamat ako kay Lord. Kasi nandito pa rin kami, buhay kami at nagmamahalan pa rin. Nagpapasalamat ako sa lahat lahat ng bagay na binigay sa akin. Kahit sa mga problema, nagpapasalamat ako, kasi isa nanaman itong challenge para patunayan ko sa universe kung gaano ako kalakas. Kahit sa mga maliliit na bagay ay kailangan din nating magpasalamat, kasi ang mga bagay na ito ay parte ng araw araw natin. Araw araw na binigay ng Diyos, araw araw na nabubuhay tayo dito sa mundo ay dapat nating tignan as a blessing. Blessing na kailangan nating pagpasalamatan. Blessing na buhay pa tayo. Let's just thank Him for the beauty of 'Life'.

At the end, life is a roller coaster. Minsan nasa taas, minsan naman ay nasa baba. Meron din namang mga bagay na kahit kailan ay hindi mapapasaatin. Baka hindi meant to be. Pero sabi nga nila di ba: A door only closes when He's opening another. And He only says no when He's gonna give you better. We just have to wait what's best for us. We don't need to rush things. Minsan talaga ay marereject tayo. Minsan ay magtatampo tayo. Pero as long as hindi tayo sumusuko, hindi tayo matitinag ng kahit ano. Tanggap ko nang marami pa akong pagdadaanan. Marami pa ring dadating na problema sa amin ni Jeff na susubok sa aming samahan bilang mag-asawa. Marami pa ring darating na problema sa aking trabaho. Marami pa ring dadating na problema sa aking pamilya at mga kaibigan. Pero hindi ako natatakot. Kasi alam kong nariyan lang naman si Lord para sa akin eh. As long as I keep the faith, I know naman na hindi niya talaga ako pababayaan. Proven and tested naman na hindi niya ako pinabayaan eh. Ngayon pa ba ako magdududa?

Life is a big risk.

But I am ready.

I am Jessica Jane Fortuna.

SIGNING OFF.

The Magnet (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon