Chapter 18 - Not Now

1.9K 45 1
                                    

I WAS SMILING THE ENTIRE DAY.

This is the last day of our retreat. Nagturn-on nanaman ang power ng magnet. Wala na rin akong pakialam kasi alam na naman ng lahat na kami na talaga ni Jeff. Ang bilis talaga kumalat ng chismis. Aba! Pati ba naman yung kiss naming sa gubat kahapon headline na din ng mga alipores ni Angeline? May tao ba nun? Kung meron man, wala na ako pakialam! Hahaha! Basta ngayon, boyfriend ko na talaga ang matagal ko nang pinapangarap na maging boyfriend.

Nang natapos ang effect ng magnet. Hinatid ako ni Jeff sa bahay namin. Gusto ko sana ipakilala siya kay Lola Pie pero walang tao sa bahay. Wala din si Jenny. Wala din ang kotse ni Marco na usually nasa tapat lang naman ng bahay namin. Nagtaka din ako kasi hindi naman usually umaalis sila Lola Pie na sabay sila ni Jenny. Na walang taong naiiwan sa bahay. Pero hinayaan ko nalang. Pagod din kasi si Jeff at medyo malayo pa ang kanyang uuwian.

Pagbukas ko ng kwarto ko..

"Girl! Balita ko kayo na talaga ni Jeff?" Masayang masayang tinanong ni Mika.

Bruhilda talaga itong si Mika. Buong akala ko walang tao dito sa bahay. Nagdoorbell pa ako at walang nagbukas pero ngayon nandito siya at bumulaga sa akin. Pasaway talaga itong GBFF ko na ito. Hirap na hirap pa akong hanapin susi ng bahay sa bag ko. Tsss. Gagantihan ko siya!

"Eh bakit hindi mo sa akin sinabi na kayo na ni Chester?" Pabalik kong tanong sa kanya.

"What? Who told you na kami na?"

"Umm.. si Chester mismo?"

"WHAT! YUNG MOKONG NA YON!"

"Kayo na nga ba?"

"Heyyy! Don't you change the topic! Ang tanong ko si kayo na ba ni Jeff?!"

"I'll tell you if you answer my question first."

"I'll tell you if you answer my question FIRST." Inulit niya ang aking linya na may pag-eemphasize sa salitang "FIRST." Baliw talaga ito.

"Ganito nalang... sabay tayo." Suggestion ko.

"No.. okay.. yes! Fine!"

"Sige ha.. 1.. 2... 3....."

"YES!!!!!!" Sabay naming sigaw.

Tuwang-tuwa kami para sa isa't isa. Talon kami ng talon! Akalain mo sabay kaming binubully noon, sabay kaming naging single ng pagkatagal-tagal. Sabay kaming nawalan na ng pag-asa. Sabay din pala kaming magkakaboyfriend ng bruhang ito. Ang take note, ang gwagwapo pa!!! Jackpot!!!

Nagkwentuhan kami ni Mika sa mga nangyari sa aming dalawa. Siya sa mga experiences niya habang nililigawan siya ng torpeng si Chester at ako naman, yung mga sweet moments at nakakahiyang moments ko kay Jeff. Tawa lang kami ng tawa.

May narinig kami na nagtitinda ng icecream sa baba. Mainit ang panahon at siguro okay naman magcelebrate sa pagkakaroon naming dalawa ng boyrfriend hindi ba? Dali dali naming tinawag yung icecream vendor from the second floor at sinenyasang bababa kami para bumili. Ice cream lover talaga kaming dalawa ni Mika kaya naman hindi na namin kailangan tanungin ang isa't-isa kung gusto ba namin bumili. Sugod lang ng sugod. Para kaming dalawang babaeng nakawala sa mental kasi nakasmile lang kami na parang mga ewan hanggang sa pagbaba namin ng bahay.

And guess what?

Laking gulat namin ni Mika na ang ice cream vendor ay siya si Ate. Ate madumi – bookstore – traffic police – janitress and now, ate ice cream? And as usual, bumabata talaga siya tignan everytime na makikita naming siya ulit. Paganda din siya ng paganda. Ngayon ay parang nasa late 20s nalang ang age niya. Medyo chinita siya at naturally wavy ang buhok niya.

"Jessica.. long time no see."

"Hi ate. Hehe" Sabi ko.

"Mika, hello." Sabi ni ate. Napansin niya yata na gulat na gulat nanaman si Mika sa muling pagkikita nila. Nagsmile nalang si Mika.

Ako naman. Hindi na ako nagugulat. Alam ko naman na pwede ko makita si ate ulit sa mga iba pang pagkakataon. Nariyan na siya para magbigay ng advice. At alam ko na rin na hindi ko siya makakausap ng matagalan dahil ang mga circumstances na nakikita ko siya, pang panandaliang pag-uusap lang ang pwede. Parang ngayon na marami nanaman akong gustong itanong sa kanya, hindi pupwede. Kasi marami nang nakapila para bumili ng ice cream niya. Magagalit lang sa akin ang mga tao. Gusto ko sana ibalita sa kanya na may boyfriend na ako. Na pwede na niyang alisin ang epekto ng magnet. Pero hindi ko naman magawa kasi alam kong maririnig ako ng mga iba pang bumibili ng ice cream at tiyak na pagtatawanan nila ako. Iisipin na talaga nila na baliw na talaga ako. Kakakita palang naman nila sa aming dalawa ni Mika na tumatawa for no reason kanina. Baliw na baliw ang labas namin nito. Anak ng tokwa!

Parang huminto ang mundo ko sa sinabi ni ate ice cream...

"Jessica, nakuha mo na ang gusto mo. Naging kayo na. Pero ngayon, ang susunod mong pagsubok ay kung matatanggap ba niya ang ginawa mo sa kanya. Oras na para sabihin mo sa kanya ang tungkol sa magnet. Karapatan niya na malaman ang katotohanan."

At parang wala lang, binigay niya ang mga order namin na ice cream. Hindi pa nga kami nakakapagpili ng flavor pero binigay na niya sa amin ang mga flavor na gusto namin. Inasakaso na rin niya ang iba pang bumibili ng ice cream kaya naman hindi na namin siya makausap pa.

Gusto kong maiyak. Bakit ganun? Kung kailan okay na sana ang lahat lahat, doon pa kailangan malaman ang totoo? Kailangan ba talagang malaman ni Jeff? Pwede naman hintayin nalang ang pagtapos ng 10 months hindi ba? December na ngayon. 4 months nalang at tuluyan nang mawawala ang bisa ng magnet... sisirain ko pa ba ang nabuo naming pagsasamahan ni Jeff dahil lang karapat dapat niyang malaman ang katotohanan? Ayoko. Ayoko talaga. Hindi ko sasabihin kay Jeff ang totoo.

Inexplain ko din kay Mika ang side ko. Naintindihan niya ako. Sang-ayon siya sa akin na huwag ko na lamang sabihin kay Jeff ang lahat tutal apat na buwan nalang rin naman at mawawala na ang magnet effect. Ayoko rin na mahiwalay kami ni Jeff dahil magagalit siya sa akin. Gusto ko magkasama kami ngayong pasko, new year, valentines at prom. Hindi naman sa binabalewala ko ang advise ni ate ice cream. Oo siya nga ang nagbigay ng magnet sa akin. Siya rin ang dahilan kung bakit ako tuluyang napalapit kay Jeff. Malaki ang naging parte niya sa naging relasyon namin ni Jeff ngayon. Pero wala rin naman siyang karapatan na sirain ito kung kelan lang niya gusto. Hindi ko rin naman talaga siya kilala. Oo, magaan nga ang loob ko sa kanya noong una. Hanggang ngayon din naman ay magaan pa rin ang loob ko sa kanya. Pero wala siya sa katayuan manghusga para sa akin. Hindi naman kami magkaano-ano. At sinabi ko na nga rin kanina, hindi ko rin naman talaga siya kakilala. Kaya wala naman sigurong mali sa aking desisyon.

The Magnet (Completed)Where stories live. Discover now