Chapter 12 - Disqualification

2.3K 51 2
                                    

PAGLABAS NA PAGLABAS PALANG NAMIN SA GIRLS COMFORT ROOM...

"There they are!" Sigaw ni Angeline habang naka evil look siya sa amin ni Jeff.

"I knew it ma'am! They are doing something in the CR! Mga walang modo! Kadiri kayo!" Hirit pa niya.

Nagchismisan nanaman ang mga kaklase namin.

"OMG! Kadiri sila."

"Grabe naman ganda pa naman nung girl."

"Mga bastos sila, sa fieldtrip pa talaga?"

"Pick-up girl yata yan kaya naka red."

"Baka retokada kaya gumanda?"

"Grabe super kadiri talaga."

Hindi ako makapagsalita sa mga inaakusa nila sa akin. Kitang kita gulat na gulat si Jeff. Magsasalita na sana si Jeff para magexplain pero may nagsalita na nauna na kanya.

"Ma'am! Mga classmates! Mali ang akala niyo! Hindi ibang babae iyan. Si Jessica Jane Fortuna yan! Yung bestfriend ko! Ako ang nag-makeup sa kanya. At hinding hindi nila ginagawa ang iniisip niyong ginagawa nila. Mayroon lang talaga silang pinagdadaanan. Kilala ko ang kaibigan ko! Hindi niya gagawin iyan! Please believe me!"

Humarap sa akin si Mika at nabasa ko sa lips niya na nagsosorry siya sa akin. Naiyak ako sa mga pambabatikos sa amin ng mga kaklase ko pero mas naiyak ako na nagstand up sa  akin si Mika.  Ang true friend ko.

"I have a proof!" mariin na sinabi ng witch na si Angeline.

Biglang  nagplay si Angeline ng video sa kanyang cellpone kung saan sumisigaw ako dahil sobrang sakit na ng tiyan ko. At kitang kita din sa video na nandoon sa loob ng cubicle si Jeff. Binigyan nila ito ng ibang meaning. Nakita kong nanlaki ang mata ni Ms. Pineda.

Mageexplain pa sana si Jeff ngunit huli na  ang  lahat.

"Ms. Fortuna, Mr.  San Juan, You may now go home. You cannot join the other activities of the fieldtrip anymore."

Papalag pa sana si Jeff at maagsasalita pa sana si Mika. Pero sinenyasan ko si Mika na wag nang ituloy. At hinawakan ko rin ang braso ni Jeff para sabihin na ok na. Wag na niyang palakihin pa ang issue.

Pauwi na sana kaming dalawa ni Jeff. Nang bigla akong tinawag ni Ms. Pineda.

"Ms. Fortuna?"

"Yes ma'am?"

"I just want you to know that you are not eligible to run for valedictorian anymore because you've just committed a major offense."

"Y-ye-yes ma'am."

Hindi ko na napigilan. Tumulo na bigla ang luha ko na parang gripo. Ano nalang ang sasabihin sa akin ni Lola pie. At ni Jenny? Tumakbo sa akin si Mika at niyakap niya ako. Sorry siya nang sorry na para bang siya ang may kasalanan ng lahat. Hindi rin nagtagal at tinawag  na din ni Ms. Pineda si Mika dahil may mga iba pang activities ang fieldtrip na kasama siya. Naiwan kaming dalawa ni Jeff.

Narinig ko rin ang mga pambubully sa akin ng mga tao na pinangungunahan ni Angeline.

"BOOM!"

"Kawawa naman!"

"Hindi kasi makapagpigil eh!"

"Get a room!!!"

"Bye valedictorian!"

"Poor girl!"

"Red dress pa! HAHAHAHA!"

The Magnet (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon