Chapter 9 - Friends

2.4K 59 2
                                    

JESSICA's P.O.V.

DUMATING NA ANG ARAW NANG AMING PINAKAHIHINTAY NA FIELDTRIP.

Lahat excited at masaya.  Ako? Excited.  Check. Masaya Check. Pero hindi dahil may field trip. Kung di dahil friends na kami ng crush kong  bully. Hindi nga ako nakatulog. Kakaisip sa nangyari kahapon. Natameme ako dun ah. Mukha akong ewan. Ito nga pala yung nangyari kahapon pag-alis ni Jeff.

"Hoy! Girl! What's with the face?" Tanong ni Mika. Nakita niya kasing ang saya saya ko at tumatawa ako nang mag-isa na para bang nasapian ni sisa.

"JeffHeldMyHand&JeffSaidSorry&JeffCallledMeJess&JeffSaidCanWeBeFriends" Nasabi ko ito ng sobrang bilis. Hindi ko alam na may kakayahan pala ako magsalita ng ganun kabilis. Iba talaga ang epekto ni Jeff sa akin.

"OMG!!!!!! REALLY!!!!!!!??????" Tuwang tuwa ang mga mata ni Mika. Akalain mong naintindihan ni Mika yung mabilis  kong tongue twister? Iba rin talaga itong GBFF kong ito. Hanep!

"YES!!!!! GBFF!!!!!! YESSSSS!!!!!!" Tuwang tuwa ko ring nasabi.

Tumalon talon kami na parang mga baliw.

"AHHHHHHHHHHH!" Sigaw ko.

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!" Sigaw ni Mika.

"DREAMS DO COME TRUE!!!!!!!!!" Sigaw naming pareho habang tumatalon pa din.

"THANK YOU LORD!!!!"

"THANK YOU, MAGNET!!!!!"

"THANK YOU, ATE MADUMI!"

"THANK YOU, ATE BOOKSTORE!!!!!"

"THANK YOU, ATE BATAS TRAPIKO!!!!!"

"Kanino kayo nagthathankyou?" Natigilan kaming dalawa ni Mika nang nakita namin  na pumasok si Jenny kasama si Lola Pie na mukhang inis na inis sa amin. Sobrang ingay pala namin ni Mika. At 12:00 AM na pala kaya naman nabulabog namin ang mga natutulog.

"Kung ano man iyang ikinasasaya niyo, bukas niyo nalang yan ituloy. Mika iha, umuwi ka na at baka hinahanap ka na sa inyo. At ikaw Jessica Jane Fortuna, matulog ka na." Mahinhin at mukhang naiinis na sinabi ni Lola Pie.

Tumango nalang kaming dalawa ni Mika. Lumabas  na si Jenny at Lola Pie.

"Oh sige girl! I gotta go na din! See you tomorrow sa fieldtrip! I am so excited for you two!!!!"

"Ay, GBFF!"

"What is it girl?"

"Sinabihan pala ako ni Jeff na  mag-ayos daw ako bukas kasi fieldtrip natin? What does he mean?"

"OMG! Really? He's really that into you!!? OMG!" 

"Ha? Anong gagawin ko?"

"Leave it all to me. OPLAN pagandahin si Jessica para sa fieldtrip! Mika knows best!"

"GBFF, what are you planning to do with me??!"

"I'll just see you tomorrow morning before our fieldtrip. 7:00 AM. Bye!"

At tuluyan nang umalis si Mika.

***

Field trip day. Hindi ko alam kung tama bang sinabi ko kay Mika na sinabihan ako ni Jeff na mag-ayos. Grabe naman kasi itong ginawa niya sa akin. Parang pupunta yata ako nito sa kung saang formal event. Baka isipin na talaga ni Jeff na sobrang patay na patay talaga ako sa kanya. Kasi isang sabi lang niya na mag-ayos ako, todo grabeng ayos naman ang ginawa ko. Si Mika kasi eh. Parang pakiramdam ko mukha akong clown sa kapal ng make-up ko eh. Tapos since civilian ang susuotin namin ngayong fieldtrip, pinagsuot ba naman ako ng red dress? Para tuloy akong may birthday. At take note, sleeveless! Hindi ako nagsusuot  ng dress ever. At hindi rin ako nagslesleeveless ever. Nahihiya kasi ako sa kili-kili ko baka may kulubot or baka  may buhok or baka maitim. Baka Makita yun ni Jeff at mandiri siya  sa akin. Ay ewan!

The Magnet (Completed)Where stories live. Discover now