Chapter 46 - Dugdug Dugdug

1.4K 35 3
                                    

REST DAY KO NGAYON.

Iniwanan ko na muna lahat ng trabaho kay Rachel. Kaya rin naman niya. Wala naman kaming magkukulit na clients ngayon.

Simula nung umalis si Jeff ay marami rami na ring nangyari sa buhay ko. Nakausap ko ng masinsinan ang pinaka mahal kong tao.

Si ate guardian angel. Sinabi niya ako na baka hindi pa ito ang tamang oras. Nung gabi rin na yon, doon ko natanggap ang aking unang letter magnet galing sa guard sa airport. Letter 'E'.

Si Mika naman, sinabihan niya ako na kailangan ko nang magmove on sa buhay ko. Sinabihan din niya akong kailangan ko talaga mag let go. Na hindi lahat ng gusto natin sa buhay ay nakukuha natin. Binigyan rin niya ako ng 'M' at 'Y' na magnet na sumisimbolo daw sa sarili ko. Na hindi dapat akong umaasa na darating pa si Jeff.

Si Lola Pie naman, binigyan din niya ako ng magnet na letters 'M' at 'A' na binigay daw sa kanya ng mga amiga niya. Uso daw kasi ang mga magnet ngayon. Pinayuhan rin niya ako na kailangan kong matutunang mahalin muna ako sarili ko upang makapagmahal ako ng lubos. Natutunan ko din na lahat ng tao ay maganda. Pero once na hindi mo ito inalagaan, hindi ito sisibol nang mag-isa.

Si Jenny at Marco naman, sinabihan nila ako na kahit ano man ang naging problema nila noon ay pwede pa rin palang maging magkaibigan sa huli. Time heals nga naman. Pwede pa parin palang magmahal kahit hindi kayo nagkatuluyan. Pwede pa rin palang magmahal unconditionally. Yung pagmamahal na hindi selfish.

Sa mga nakaraang linggo ay marami na talaga akong natutunan. Hindi lang sa pag-ibig, sa buhay din. Ther are a lot of ways to survive in this life. And it's really up to me if I can make it.

Naisipan kong isulat sa post-it lahat ng lessons na natutunan ko sa mga nakaraang linggo. Para naman may record ako ng mga naging pagkakamali ko at ng mga natutunan ko. Para na rin tuwing paggising ko sa umaga ay naalala ko sila lagi.

Lessons learned:

1. Love yourself and learn to let go. - Mika

2. You should learn how to love yourself first before you can learn to love anybody. - Lola Pie

3. You can still love unconditionally. You can love selflessly. - Jenny and Marco

Dinikit ko ang post-it sa refregirator ko sa kwarto ko. Nakita ko din ang mga magnets na natanggap ko. Kinuha ko ito at pinaglaruan ko. I jumbled the letters in different ways habang hindi ako tinatawag ni Lola Pie for breakfast.

E, M, Y, M, A, R, R

R, E, M, Y, M, A, R

R, R, E, M, Y, M, A

R, M, R, M, A, E, Y

E, M, Y, R, R, A ,M

Parang pangalan ng tao? Mae? Maerry? Remy?

Parang pasko? Merry? Merry Christmas?

Parang tawag ni Lola Pie sa mga amiga niya? Mare?

Parang.. Kasal? Marry? Eh para saan yung E, M?

OMG.

Ngayon ko lang nagets.

OMG.

MARRY ME?!

Sinandya ba to? O nagkataon lang? Dali dali kong tinawagan si Mika para sabihin sa kanya ang nalaman ko. Kasi siya lang naman ang pumapatos sa mga kalokohan ko eh. Nagle-let go naman na talaga ako. Gusto ko lang malaman ni Mika itong nabuo ng mga magnet ko. Baka kasi sign na para magpakasal na sila ni Chester. Baka ngayon na ang araw ng pagpapakasal ni Jeff. Hindi ko alam. Gusto ko lang talaga ng taong maishashare ko ito. Mahilig kasi ako maniwala osa signs. Pumunta pa nga ako sa Quiapo di ba? Para humingi ng sign noon?

The Magnet (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon