Chapter 1 - Quiapo Church

3.7K 76 5
                                    

SO TODAY IS THE LAST DAY OF SUMMER.

Which means.. pasukan na bukas. I'll get bullied. Ready na ako.

"Aaaahh! I am not ready to go to school yet! Ikaw ate? You ready na? I have a lot of things to do  pa and a lot to buy pa! Huhuhu!" maarteng sinabi ng kapatid ko  na si Jenny.

Maarte talaga  itong si Jenny. Di ko alam kung bakit. Idol niya yata yung Nikki sa Be Careful With My Heart. Isang taon lang ang tanda ko sa kanya. Pero mas mukha siyang ate ko. Eh  kasi naman, ang ganda niya. Maayos siya sa sarili niya. Lagi siyang naka make-up. Nagkaboyfriend na din  siya noon, si Marco Pedrosa- isa sa  mga best friends ko, kapit bahay namin, pero nagbreak na din sila at hanggang ngayon hindi ko pa din alam ang dahilan dahil ayaw sa akin sabihin ni Jenny. Hindi ko tunay na kapatid si Jenny. Pero legally adopted siya ng aking Lola na si Lola Pie.

"Girls! Lola Pie! I'm here!! Let's go shopping for school supplies!" Pasigaw na naeexcite na sinabi ni Mika.

Si Mika ay ang GBFF ko. Girl Best Friend Forever. Lahat lahat ng tungkol sa akin ay alam nya. Alam niyang binubully ako sa school. Alam din niya na obsessed ako sa Jeff. Pero hindi yun alam ni Jenny.

Iniwan ko muna si Lola Pie at Jenny sa sala at pumunta kami ni Mika sa kwarto  ko. Nang nasa loob na kami..

"OMG girl! Last year mo na" Bungad ni Mika.

"Ikaw din naman?"

"Slow  naman nito! Last year mo na to make Jeff fall in love with you! Kasi hindi na kayo pwede magsama ng school sa college! Dahil nerd ka! Dun ka na sa pang matatalino, remember?"

Grabe talaga itong si Mika. Walang preno ang bibig. Kung ibang tao siguro sabihan niya ng ganito, baka may naka away na siya. Buti nalang GBFF ko ito. Alam ko naman na wala siyang ibig sabihin na masama sa mga sinabi niya na yun.

"Oo nga pala." Malungkot kong narealize.

"Ano nang plano?"

"Plano?"

"Plano mo! OPLAN Paibigin si Jeff sa akin ngayong last year na!"

"Ha? 9 years nga hindi tumalab eh. Sumuko nalang kaya ako?"

"Baliw ka! Girl! Habang may buhay, may pagasa!!!"

"Mag quiapo kayo." Sabi ni Lola Pie.

"Lola Pie?!" sabay naming sinabi ni Mika.

Gulat na gulat kami pareho ni Mika. Bakit nandito si Lola Pie? Kanina pa ba niya narinig mga pinaguusapan naming ni Mika? Oh no! Magagalit  nanaman ito sa akin dahil tinutularan ko nanaman ang mommy ko sa  pagiging obsessed sa lalaki. Patay naaaaa!

"Mag Quiapo ka, Jessica"  Sinabi ulit ni Lola Pie.

Tinignan lang namin siyang dalawa ni Mika habang nagpatuloy siya sa kanyang pagkukwento.

"Sa Quiapo church kayo pumunta. Kung gusto mo talaga iyang lalaking iyan, hindi na kita  kokontrahin. Tutulungan nalang kita dahil gusto  ko maging masaya ka pa rin apo. Hindi ka naman siguro matutulad sa nanay  mo dahil magkaibang tao pa rin naman kayo. Sa  Quiapo church pumupunta ang mga taong may hinihiling. Ang Quiapo church ay kilala sa pagiging magaling tumupad ng mga kahilingan. Linggo ngayon kaya tamang tama, magsimba ka sa quiapo. Makakatulong iyan sayo. At sayo rin Mika."

Nagkatinginan lang kami ni Mika. Pero sa mga tingin na iyon, alam na naming pareho kung ano ang aming naging desisyon. At oo, pupunta kaming Quiapo. Nagpaalam kami kay Lola Pie  at umalis na din siya upang ipagpatuloy ang kanyang ipinagluluto.

The Magnet (Completed)Where stories live. Discover now