Epilogue

2.3K 73 40
                                    

5 YEARS OLD NA SI JACQELINE.

Nasa park kami ni Jeff para ipasyal ang panganay naming si Jacqeline. Nagulat kami nang biglang tumakbo si Jacqeline at lumapit sa isang buntis na batang babae.

Si ate guardian angel ang nilapitan niya. Ang ganda ganda talaga ni ate guardian angel. Parang sobrang bata na niya ngayon. Parang 16 years old nalang. Parang ako na yata ang dapat niyang tawaging ate eh.

"Jessica, alagaan mong mabuti si Jacqeline. Huwag mo siyang aalisin sa paningin mo lagi. Dapat lagi kang nakadikit sa kanya na parang magnet."

Ngumiti nalang si ate guardian angel at akmang aalis na pero tinawag ko siya.

"Ate!"

"Bakit Jessica?"

"Anong pangalan mo?"

Ngumiti siya bago siya nagpatuloy.

"Juliana. Juliana Jane Fortuna."

Tatawagin ko pa sana siya pero bigla nalang siyang naglaho sa hangin.

I KNEW IT.

Kaya matagal nang magaan ang loob ko sa kanya simula pa noong sa Quiapo.

Kaya familiar ang mukha niya sa akin.

Kaya siya buntis ngayon at mukhang 16 years old.

Kasi ako ang bata na nasa sinapupunan niya.

Ako ang anak niya.

Siya ang mommy ko.

Nawala man ang mommy ko sa mundo nang hindi ko siya nakikilala ko nakakausap, hindi naman talaga niya ako iniwan. Siya pa rin ang tumulong sa akin at nagbigay ng mga payo na kailangan ko. Siya ang tumulong sa love story namin ni Jeff. Siya rin ang tumulong na makilala ko at patawarin ko ang daddy ko. At higit sa lahat, siya ang dahilan kung bakit ko natutunang mahalin ang sarili ko.

Ang mommy Juliana ko ang tunay kong guardian angel.

My mommy is the one who gave the one thing that changed my whole life.

My mommy gave me... THE MAGNET.

The Magnet (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon