Chapter 33 - Second Chance?

1.3K 35 0
                                    

INAASAR AKO NI MIKA KAY JEFF.

Hindi pa man kami nakakaalis ng venue ay inaasar na ako ni Mika kay Jeff. Natuwa yata ang bruha nang nakita niya kami na nag-uusap ni Jeff kanina.

"Girl! OMG!"

"HAAAA?"

"Sobrang bagay pa rin kayo ni Jeff! After all these years!"

"Mika naman eh. May fiancée na nga oh!"

"Hay nako Jess! Fiancee palang iyon! Hindi pa asawa!"

"Huy! Tumigil ka nga diyan! Hindi ko ugaling mang-agaw."

"Pero may feelings pa noh?"

"Wala na!"

"Weh!"

"Wala na nga eh!!!" Medyo napipikon na ako.

"Si Jeff meron pa."

"Ha? How did you know?"

"Kitang kita kaya sa eyes niya the way he talked to you earlier. They're shining!"

"Whatever Mika! Umuwi na nga tayo!"

"Shine bright like a diamond!"

"Shine bright like a diamond!"

"Shine bright like a diamond!"

"Shine bright like a diamond!"

Patuloy akong inaasar ni Mika! Kainis talaga itong GBFF ko na to! Hinuhuli pa niya kung may feelings pa ako kay Jeff! Wala naman na talaga eh. Siguro attraction nalang kasi gwapo talaga siya. Pero yun nalang yun.

Magcocommute lang kami ni Mika ngayon kasi wala si Kuya Jinggoy kasi birthday ng kambal niya kaya nagleave muna siya sa amin. Si Chester naman, hindi niya maihahatid si Mika kasi may class pa siya. Bali break time niya kasi yung reunion kanina kaya naman nakarating siya.

Ang tagal na naming naghihintay ng taxi pero walang humihinto sa amin.

"Magbus nalang kaya tayo?"

"You sure? Ng ganito suot natin?"

"Eh kesa naman hindi tayo makauwi niyan."

"Okies!" Pagsang-ayon ni Mika.

***

Sumakay kami sa isang Violet at airconditioned bus.

"PAMBIHIRA!" Sinabi ni Mika.

"What?"

Pagtingin ko. Naniningil lang naman ng bahay namin si ate madumi – bookstore – traffic police – janitress – ice cream – singer – driver! Hala! Ang dami na niyang profession! Ang haba na!

"You're guardian angel is here!" Sabi ni Mika.

Oo nga. Ang tagal na rin niyang hindi nagpakita. Kala ko kapag tapos na ang epekto ng magnet ay hindi na siya magpapakita pero bakit kaya nagpakita siya ulit ngayon? Ano nanaman kaya ang advice niya?

"Lahat ng bagay ay may second chance." Sabi ni ate bus conductor habang tinaas taas niya ang kilay niya na para bang inaasar talaga niya ako.

Itong si Mika naman kumanta ulit.

"Shine bright like a diamond."

Nagulat ako na sumabay sa kanya si ate bus conductor. Kainis! Sabay na sila ngayong kumakanta!!!! At sumasayaw sayaw pa! May fiancée na nga eh!!! Ano ba kayoooooooo!!!

"Shine bright like a diamond!"

"Shine bright like a diamond!"

"Shine bright like a diamond!"

Habang naniningil din si ate bus conductor sa mga iba pang pasahero ng bus at patuloy pa din niyang kinakanta yung shine bright like a diamond! At yun lang talaga yung lyrics na kinakanta niya! Nakakainis! Si Mika naman tawa pa ng tawa! At nakipag high five pa siya kay ate bus conductor! Di nagtagal ay nakisabay na din yung iba pang pasahero ng bus at lahat sila kinakanta na yun!!! Yung matching sayaw pa! May pa-snap snap pa sila ng kamay nila! Sana pala naghintay nalang kami ng taxi! Ewan ko ba! Napasubo ako dito. Hindi ko alam kung ano bang gagawin ko. Kung makikisayaw ba ako o ano. Ewan! Kainis!!! Mika naman eh! Dapat kakampi kita eh!

Pero bakit ganun?

Second chance?

Kahit may fiancée na si Jeff?

Sa lahat naman ng sinabi ni ate guardian angel ko. Lahat ng advices niya totoo. Pero this time, parang mali na eh. Ayokong sumira ng isang relasyon. Ayokong maging sanhi ng paghihiwalay ni Jeff at ng fiancée niya. Ayokong maging third party. Pero bakit nga ba nagpakita ulit si ate guardian angel?

Could there be a possibility...

Possibility na pwede pa  nga?

UGH!

I'm confused.

The Magnet (Completed)Where stories live. Discover now