Chapter 10 - Liligawan Ko Siya

2K 52 6
                                    

JEFFREY's P.O.V.

GUMEGEWANG-GEWANG ANG ULO NI JESS.

Hahaha! Nakakatawa siya. Para siyang yung aso na nilalagay sa karap ng kotse. Yung gumagalaw-galaw ang ulo. Kasi naman ayaw niya magrelax. Ayan tuloy nakatulog din siya. Nakakatawa talaga siya.  Kaya kinuha ko ang cellphone ko at vinideohan ko siya habang natutulog siya na gumegewang-gewang ang ulo. Pinanood ko na paulit ulit yung video. Hindi nakakasawang panuorin. Ang ganda niya kahit mukha siyang baliw.

Nakakatuwa na nag-ayos siya ngayong fieldtrip. Hindi ko rin siya nakilala kanina. Kala ko may isang model na dumaan. Pero nalaman ko agad na siya yun kasi bigla nanaman akong nadikit sa kanya.

Sinasabi ko na nga ba eh na maganda talaga siya kapag naayusan. Bumagay sa kanya yung red dress at yung make-up niya. Lumabas yung pagiging slim niya. Lumabas yung pagiging  babae niya. Kung lagi lang siya nag-aayos sa school, siguradong maraming magkakandarapa manligaw sa kanya. Buti nalang na ang alam ng class eh girlfriend ko siya. Para naman walang manligaw. Kilala ko pa naman ang mga bro ko na  lagi nalang nagpapaiyak ng mga magagandang babae. Ayokong gawin nila yun kay Jess. Masyado nang nasaktan si Jess. Dapat sa kanya ngayon ay maging masaya nalang.

Paulit ulit ko paring pinapanuod ang video  ni Jess nang  biglang dumapo ang ulo  ni Jess sa balikat ko. Nakatulog na talaga siya nang tuluyan. Inayos ko ang ulo niya ang inilagay ng mabuti sa balikat ko. Nagulat din ako nang bigla niya ako  niyakap na para  bang unan niya ako sa kanilang bahay. Ang sarap nang pakiramdam ng ginawa niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Lagi naman kaming ganito ni Angeline noon nung kami  pa. Pero bakit nung si Jess  na ang yumakap at natulog sa balikat ko, parang may kuryente akong nadama? Ibang iba ang  yakap ni Jess kay Angeline. Parang nararamdaman ko sa yakap ni Jess na mahal niya ako? Na matagal na niya akong mahal? Hindi ko alam pero iyon talaga ang naramdaman ko.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko pero cinup ko yung chin ni Jess ng aking kanang kamay at  nilagay ko ang kaliwa kong kamay sa likod ng ulo niya.  Kahit tulog na tulog si Jess ay ang ganda ganda pa din niya. Dahan dahan kong inilapit ang ulo ko kay Jess at idinikit ko ang labi ko sa kanyang labi. Mga 3 seconds ko  siyang hinalikan  nang  wala siyang kaalam alam. Gusto ko pa sanang ulitin  pero  baka magising si Jess.

Hindi ko maisip na  ganito pala  kaganda ang babaeng binully ko  for 9 damn years. Masyado akong nagpalamon sa mga maling paniniwala ni Angeline. Ngayon lang ako nagising sa katotohanan. Na naging sobrang samang tao ko pala. Pero itong nararamdaman ko ngayon para kay Jess. Hindi ko maexplain. Bakit sobrang saya ko? Bakit parang tuwang tuwa ako na nahalikan ko si Jess? Bakit parang gusto ko siyang makita lagi? Ganito ba ang pagmamahal? Ito ba ang pag-ibig? Never ko pa ito naramdaman kay Angeline. Ang buong akala ko nuon ay pag-ibig ang nangyayari sa amin ni Angeline. Ngunit hindi pala. Isa lang itong walang kwentang panggagamit sa isa't isa at pang-aapi ng ibang tao.

Buo na ang loob ko. Maging nerd man ulit si Jess pag natapos na itong fieldtrip. Liligawan ko siya. Gusto ko siyang maging akin.

The Magnet (Completed)Where stories live. Discover now