Chapter 45 - Love Unconditionally

1.4K 35 3
                                    

KINABUKASAN AY NAGPUNTA AGAD AKO SA SALON.

Ang tagal na rin pala simula nung huli kong pagpunta dito. Ngayon lang ako pumunta dito ng hindi ko kasama si Mika. Nakakapanibago. Kahit kelan pala ay hindi ko inisip alagaan ang sarili ko. Lagi lang akong sumasabay kay Mika kapag gusto na niyang magpagupit ng buhok.

Pina-layered ko ang buhok ko at pinakulayan ko ng brown. Nagpalagay na rin ako ng mga highlights. Pinatreatment ko na rin. May igaganda pa pala ang buhok ko. Bumagay sa mukha ko yung bagong look.

Pagkatapos ng salon ay nagpa-manicure at pedicure ako. Nakakatuwa pala. Gumagaan ang loob ko at nakakaramdam ako ng saya sa mga maliliit na bagay. Tama nga si Lola Pie at si Mika. Hindi lang si Jeff ang nakakapagpasaya sa akin. Pinipili ko lang isipin na siya lang ang nagbibigay ngiti sa akin. Pero ang totoo, marami pa rin namang ibang bagay. Maliliit na bagay man.

Pumunta rin ako sa derma pinatingin ang mga pimples ko. Grabe! Sobrang dami ko na palamg pimples. Dati mga tatlong pimples lang ang pinaka marami na nagsasabay sabay sa mukha ko. Ngayon, mahigit sampu na yata ito! At iba iba la amg size. Nakakaloka. Kawawa naman ang mukha ko. Binahayan ng mga alipores ni Angeline. Huhu!

Sinabihan ako ng dermatologist na iwasan kong magpuyat dahil isa yon sa mga dahilan kung bakit nanganak ang mga pimples ko. Kumain din daw ako ng mga totoong pagkain, huwag daw akong mag instant noodles dahil kung ipinagpatuloy ko daw ito, hindi lang pimples ang aabutin ko. Baka magkasakit pa ako. Grabe! Masyado ko na palang kinakawawa ang sarili ko lately. Binigyan niya ako ng mga gamot na ipapahid ko sa mukha ko. At may tinusok tusok siya sa mga pimples ko. Masakit pero alam ko namang makakatulong yon para mawala itong mga alaga ko kaya naman tiniis ko nalang.

Pagkatapos at nanuod ako ng movie magisa. Akalain mong maeenjoy ko pala ang manuod ng magisa. Kasi pwede akong umiyak nang husto sa mga ekesena. Kapag may kasama kasi ako medyo nahihiya ako umiyak kasi baka pagtawanan nila ako na mababaw ang luha. Minsan kasi umiiyak ako kahit wala naman talagang nakakaiyak. Hahaha. Ang sarap din pala magkaroon ng 'Me Time'. Minsan hindi mo naman talaga kailangan ng ibang tap para maging masaya at magpatuloy sa buhay. Minsan, kailangan mo din bigyan ng break ang sarili mo. Break na deserve naman ng sarili mo. Deserve ko naman lahat ng reward na binigay ko sa sarili ko ngayon kasi the past weeks, binugbog ko ang sarili ko kakatrabaho.

Nang natapos ang movie ay nagdecide na akong kumain magisa. Kakain ako ngayon sa isang healthy na restaurant. Kakain ako ngayon ng mga gulay at prutas para naman bumalik na ang rosy cheeks ko. Narealize ko na ang babae, hindi nagaayos ng sarili para sa lalaki, para sa lalaking mahal niya o para mapansin ng kung sinong lalaki. Ang babae, nagaayos ng sarili para sa sarili niya rin. Para maging confident sa sarili at para maging presentable sa mga tao. Basics lang yon pero ngayon ko lang narealize. Ang tindi ko pala.

Nag-order ako ng fruit salad at chopseuy. Kumakain lang ako ng mapayapa nang biglang pumasok sa restaurant si Jenny at si Marco.

Wow. Bakit naman sila magkasama? Naalala ko 5 years ago, niloko ni Marco si Jenny. At si Jenny ay obsessed kay Marco na obsessed sa akin. Ang alam ko rin ay may bagong boyfriend na ngayon si Jenny eh kaya naguguluhan talaga ako.

At ito ang pinaka ikinagulat ko. May kasamang bata si Marco at si Jenny. Anak ba nila yun? Imposible. Eh kasama ko si Jenny sa bahay at never naman nabuntis yun. Alangan namang si Marco ang nabuntis? Ano yun? Sea horse?

Pagpasok palang ni Jenny at ni Marco ay nakita na nila agad ako.

"Ate Jessy!"

Napansin nila ang new look ko at pinuri nila ito. Nagsmile nalang ako at nahiha ako ng konti. Pero hindi ako nahihiya na magisa lang ako. Siguro nga nakaka move on na talaga ako. Pinaupo ko na rin sila sa table ko since wala na yatang available na table para sa kanila. Hindi rin naman sila ibang tao. Kahit may mga hindi kasi pagkakaintindihan noon, nanatili pa rin naman ang pagmamahal ko sa kanilang dalawa.

"Jenny, Marco. Bakit kayo magkasama?"

"Nag-usap kasi kaming lumabas ngayon ate. Gusto rin kasi namin ng mga updates sa aming mga buhay."

"Kayo na ulit?"

"Ate Jessy naman eh. May boyfriend na ako, right?"

"Ang cute naman ng baby."

"Ah. Ate Jessy, yan si baby Rita Raine. Anak ni Marco sa girlfriend niya."

"Asawa naman!" Singit ni Marco.

"Asawa pala. Hihi." Sabi ni Jenny.

"Wow. Congratulations. Kinasal ka na pala, Marco. Pasensya na hindi na ako nakakabalita sa mga nangyayari sa inyo ha. Lately kasi masyado akong naging emotional. Pero ngayon okay na ako. I'm starting to move-on."

"That's right, Jessica. You have to move on. Kasi kapag naka move on ka na, kaya mo na harapin ang taong minsan mong minahal. Kaya mo na siyang harapin ng buo ka at masaya." Sabi ni Marco.

"Ate, that's called loving unconditionally. Parang ako, masyado akong naging devastated noon dahil ikaw ang gusto ni Marco. Halos pinahirapan ko na ang sarili ko. Punong puno ako ng insecurities. Pero I learned to move on. Dati hindi ko kayang makita si Marco. Ngayon, ako pa ang nakikipagkita sa kanya. Kasi masaya na ako. But yung love? Hindi na yun mawawala. I just learned to love him unconditionally. Yung love na alam kong kahit hindi siya sa akin, masaya ako kasi masaya siya. Yung love na hindi selfish." Pagpapaliwag ni Jenny.

"Ako rin. Dati galit na galit talaga ako sayo Jessica kasi si Jeff ang pinili mo. Nagpauto pa nga ako kay Angeline hindi ba? Pero natutunan ko na ring mag move on. Nakita ko kasi na masaya ka naman kay Jeff noon. Kaya naging masaya nalang din ako para sayo. At doon ko narealize, na may kapasidad pala akong magmahal ng hindi selfish. Kaya mo rin yon, Jessica."

Tama sila. Kahit naman malayo so Jeff ay mahal ko pa rin siya. Magiging masaya nalang ako para sa kanya at magiging masaya rin ako para sa aking sarili. Para kung dumating man ang pagkakataon na magkita kami ulit ni Jeff, buo na ako. Masaya na ang buhay ko. Kaya ko na siyang harapin ng maayos. Mahal ko pa rin siya pero ibang level na. Nasa level na kung saan hindi na ako selfish. Yung pagmamahal na kahit hindi siya sa akin, ay panatag ang kalooban ko.

"Salamat. Marco, Jenny."

Paalis na sana kami sa rerstaurant nang biglang umiyak si baby Rita Raine. Kinuha siya ni Marco sa kanyang stroller at binuhat at pinatahan niya ito. Pagkabuhat niya ay may nahulog na dalawang bagay.

Pinulot ko ito at laking gulat ko na letter magnets nanaman! Ang kanila naman ay dalawang letter 'R'. Ganon ba ito kauso!? Na lahat ng kaibigan ko ay meron nito? Ibabalik ko na sana ito sa kanila pero...

"Ay, yung magnets ni Rita Raine!" Paalala ni Jenny kay Marco.

"Sayo nalang Jenny."

"Ayoko nga! Ang dami dami ko na kayang magnets na ganito."

"Uso ba yan ngayon? Letter magnets?" Tanong ko.

"Oo ate! Hindi ko nga alam kung bakit eh! Marami rin akong ganyan sa bahay. Binibigay lang din sa akin ng mga friends ko."

"Alam ko na, sayo nalang Jessica." Sabi ni Marco.

"Ah hehe hindi wag nalang."

"Sige na! Kunin mo na. Double 'R' iyan. Ang ibigsabihin niyan ay Rita Raine. Para naman kahit busy ka na sa trabaho mo, maalaa mo pa rin ang anak ko. Isipin mo nalang na invitation ko iyan sayo para sa nalalapit na binyag ni Rita Raine. Ninang ka ha!"

"Ah ganun ba. Sige sige."

Hindi na ako nakatanggi kay Marco. Magnet lang naman ito. Baka nga uso talaga ito. Hindi ko lang talaga magets bakit mauuso. Wala namang silbi. Ewan ko ba.

Umalis na rin si Jenny, Marco at baby Rita Raine. Naiwan ako sa restaurant na nakatitig lang sa dalawang magnet na ibinigay sa akin.

The Magnet (Completed)Where stories live. Discover now