Chapter 35 - Missed That Sound

1.3K 33 3
                                    

KINABUKASAN. NASA SHOP NANAMAN SI JEFF!!!

HALA KA? Bakit nandito nanaman ito. Ang alam ko ay tinapos ko na lahat ng gagawin sa kanya ha? May nakalimutan nga ba akong gawin? Wala naman ah!

"Rachel, di ba tapos na lahat ng transaction kay Jeff? Bakit nandito nanaman siya?"

"Maam Jessica, magpapatahi naman daw siya ng wedding gown for his fiancée."

"His fiancée is here?"

"No, maam. Pero meron siyang measurements na dala. Bali pipili daw siya ngayon ng designs. And he wants to talk to you."

"Ah. Okay."

Bumuntong hininga ako. Pinapasok ko nalang din si Jeff. Tatapusin ko nalang lahat ng ito ngayon ulit! Bakit pa kasi hindi nalang niya sinabi kahapon na magpapatahi din siya ng gown. Kailangan ay dalawang magkabilang araw pa talaga. Jeff naman eh!

"Jess! Magpapatahi din sana ako ng gown for my fiancée. Dala ko ang measurements niya."

"Okay. Bali pipili ka lang ng designs no?"

"No. I want you to draw a new design for my fiancée."

"Huh? Why me?"

"Kasi ikaw ang girl. I'll never know what a girl wants sa kanilang magiging wedding gown."

"Then why don't you bring her here?"

"She's is the States, remember?"

"Pero bakit dito pa kasi kayo magpapagawa sa akin? Why not sa States nalang?"

"Because you are the best. Kilalang kilala ang name mo worldwide, Jess. And we want the best for our wedding. So please? Pick a gown for my wife to be."

"Ano bang mga gusto niya?"

"She didn't say anything. All she said was she believes in you. She'll wear whatever you like."

"But?"

"Jess. Ganito nalang. Isipin mo nalang na ikakasal ka na rin. Ikakasal na kayo ni John. Isipin mo kung ano ang suot mo. Kung ano ang style ng gown mo. And then design it. And then I'll get it. Hindi kami magrereklamo ni Jesslyn. Kasi sigurado naman kaming maganda ang ibibigay mo sa amin."

Sinunod ko ang sinabi ni Jeff. Nag-imagine ako na ikakasal na ako. Pero wala naman talagang John sa buhay ko. Kaya naman.. ang naimagine ko lang naman ay si Jeff. Si Jeff lang naman kasi talaga ang lalaki sa buhay ko. Para sa gown, sige, siya nalang muna ang iimagine ko. THIS IS ALL FOR MY WORK.

Naimagine ko na naglalakad ako sa simbahan. Naka-long white gown ako. Tube. May mga burda ito na magaganda, parang vines ng puno. Mahaba ang gown ko at may mga taong tumutulong sa likod para makalakad ako. Ang ganda ganda ng ayos ko sa araw na iyon. Nandoon ang mga mahal ko sa buhay. Nakita ko ding naghihintay si Jeff sa dulo. Napangiti ako. Ito na ang araw na pinakahihintay ko. Nang nakarating na ako sa dulo ay hinawakan ni Jeff ang kamay ko. At binulongan niya ako.

"Beautiful!"

"Thank you." I said. Habang tinitignan ang mukha ni Jeff. Nakatulala lang ako kay Jeff.

"Are you okay?"

HALA! Nagulat ako! Bigla akong napunta sa realidad! Nagdadaydream na pala ako tungkol sa kasal namin ni Jeff! Hala! At yung sinabi niyang beautiful, hindi pala ako! Yung gown pala! Nakapagdrawing na pala ako ng gown! At ang ganda nga! Nakakahiya! Nakita pa niya akong nakatulala sa kanya kanina! Ano ba yan! Bakit ba lagi nalang akong napapahiya kapag nasa harapan ko si Jeff? Nakatadhana na yata na mapahiya ako lagi sa lalaking ito. HUHU!

"Ah. Oo. Okay lang ako. Okay na ba yung gown? Sige. Okay na ito. Maganda. Sige. Alis ka na."

"Okay. Bye, Jess."

"Bye!"

Aalis na sana sa office si Jeff pero narinig niyang umatumal nanaman ang sikmura ko!

*KWEERRRGGHHHHKK*

*GWEUUUEUUURAARK*

*CWEAEUURKKKRRRR*

HALA KA!!!! Ano ba yan! Lunch time na pala! Ang tagal ko naman yatang nagdrawing? O ang tagal ko yatang nagdaydream? HALA! Narinig nanaman ni Jeff ang sikmura ko! Nakakahiya! After 5 years! Ito nanaman! Hindi ko na talaga alam anong mukha pa ihaharap ko sa kanya! Kainis naman!!! Oh lupa, lamunin mo na ako!!!

"I missed that sound."

"He!" I pouted.

He laughed.

"Stop laughing. Tagal mo kasi! Nagpadrawing ka pa! This is your fault!"

"I'm sorry. Since it's my fault. I'll treat you."

"Ah? No! No! It's okay! Umalis ka nalang. Hehe."

"Tinataboy mo ba ako?"

"No! It's not that!"

'Then go with me. I'll treat you. Chicken paella."

Nanlaki naman ang mata ko sa chicken paella. Namiss ko iyon. Pero hindi! Pero nakita ni Jeff na nanlaki mata ko sa chicken paella. Alam niyang nagugutom na din ako sobra. Lagot na!

"Come on!"

"Pero, Jeff... I have work!"

"It's just lunch!"

Hinila na niya ako papunta sa kanyang kotse. Hindi na ako nakapalag. Ngayon lang naman ito eh. Gutom na gutom na rin kasi ako at nagcrecrave talaga ako sa chicken paella niya.

Pinaandar na niya ang kanyang kotse papunta sa San Juan Le Paste Restaurante.

The Magnet (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt