Chapter 41 - Marco's Back

1.2K 31 0
                                    

SOBRANG TRAFFIC SA METRO MANILA!

Nakakainis naman! Bakit ang aga aga eh ang traffic traffic na! Kung kailan hinahabol ko pa si Jeff! Kung kailan now or never na ang estado ng lovestory namin ni Jeff!!! Naiinis na ako! Ayaw talaga gumalaw ng mga kotse. Ilang minuto nalang at aalis na si Jeff pero ang layo layo ko pa sa airport.

"Maam Jessica, mukhang hindi ka aabot kapag nagpatuloy itong traffic na ito." sabi ni Kuya Jinggoy.

"Then, what should I do?" I said. Crying.

"Pwede po kayong magLRT maam. Ang pinakamalapit na estasyon po sa airport ay ang Baclaran"

"Okay! Okay!"

Hindi ko na tinanong kay kuya kung kaya ko ba or kung dangerous ba sa pupuntahan ko. Basta ang nasa isip ko lang ay kailangan kong mapigilan ang pag-alis ni Jeff sa bansa. Kailangan kong malaman ni Jeff na mahal na mahal ko pa rin siya.

Pagbaba ko sa Baclaran Station, hindi ko inexpect ang mga nakita ko. Parang Quiapo lang din. Ang daming nagtitinda ng kung ano ano at ang gulo gulo. Nagtanong ako sa guard kung paano pumunta sa airport at may sinabi siyang mga sakayan pero sinabi rin niyang may nagkabanggaan kasi sa airport banda kaya naman matatagalan talaga akong dumating dahil nagsanhi ng trapiko ang naging aksidente sa kalye.

Tinanong ko naman ang isa pang guard kung paano ako makakarating sa airport gamit ang paglalakad lamang. Sinabi naman niyang imposible daw na malakad ng isang tulad ko ang airport. Aabutin daw ako ng siyam siyam dahil napakalayo nito.

Sobrang nawawalan na ako ng pag-asa dahil hindi man lang ako makakuha ng paraan para makahabol kay Jeff. Sobrang napanghihinaan na din ako ng loob pero pilit kong nilalakasan ang loob ko para Jeff.

Nagtanong tanong pa ako sa mga ilang tao sa Baclaran pero hindi naman nila ako matulungan. Masyado na raw limitado ang oras ko. Umupo nalang ako sa isang gilid at umiyak.

Habang ako ay umiiyak ay may biglang isang lalaking tumawag sa akin.

"Jessica! Tara na! Mauubos na ang oras mo!"

Si Marco. si Marco na nagtaksil sa akin nung graduation ko. Si Marco pinaglaruan ang feelings ng kapatid ko. Si Marco na sinubukan akong gayumahin dahil sa pagiging obsessed niya sa akin. Ngayon ko lang siya ulit nakita after 5 years. Ang laki na ng pinagbago niya. Mas maayos at mas gwapo na siya ngayon. Nakasakay siya sa isang motor. MOTOR! Motor nga! Motor ang kailangan ko para makarating kay Jeff. Pero hindi naman kaya may masama pa ring binabalak sa akin si Marco?

"Wala akong binabalak na masama sayo." Sagot ni Marco na para bang nabasa niya ang iniisip ko.

"Si Mika ang nagsabi sa akin na tulungan kita. Sabihin nalang natin na tulong ko na ito sa lahat ng gulo na ibinigay ko sa inyong dalawa ni Jenny." Dagdag pa niya.

Tinignan ko ang oras at malapit na talagang umalis si Jeff! 10 minutes nalang at 10 AM na! Kahit hindi pa rin ako masyadong nagtitiwala kay Marco sa lahat ng ginawa niya sa akin, sumakay nalang din ako sa motor niya. Dahil sa gusto ko man o hindi, sa pagkakataong ito, si Marco lang naman talaga ang makakatulong sa akin. Bahala na si Lord, hindi naman niya ako pinababayaan.

9:55 AM na nang dumating kami ni Marco sa airport. Ang dami pang humarang sa amin kesya wala kaming ticket at kung ano ano pang hinihingi. Mas lalo kaming napapansin kasi dalawa kami kaya naman pinauwi ko na lang si Marco. Sinabi ko sa kanya na kaya ko ito. Gagamitin ko ang aking mga taekwondo skills. Nagpasalamat din ako sa kanya at sinabi ko ring lahat ng drama namin noong high school, ay kinalimutan ko na. Ngumiti lang siya at tuluyan na ding umalis.

Pagkaalis ni Marco ay ginamitan ko na nga ng mga taekwondo skills ko ang mga humaharang sa akin sa airport. Nagsorry din naman ako sa kanila. Sinabi ko na hinahabol ko lang ang aking mahal. Na marami pa akong dapat sabihin sa kanya. Pinayagan na rin nila ako sa huli.

Tumakbo ako sa abot ng aking makakaya nang narinig ko na boarding na daw ang flight ni Jeff. Ang ibig sabihin nasa loob na siya ng eroplano? Oh hinde!!!! Tumakbo pa ako ng tumakbo ngunit hinarangan nanaman ako ulit ng mga taga airport.

Ang huling nakita ko ay isang eroplanong kakalipad lang...

NAKAALIS NA JEFF.

WALA AKONG NAABUTAN.

The Magnet (Completed)Where stories live. Discover now