Chapter 27 - Can I Have This Dance?

1.5K 40 1
                                    

Jessica's P.O.V.

SUOT KO ANG GOWN KO SA PROM.

Kasi ba naman. Nagtext pa ulit si Marco na mag-gown daw ako kasi magproprom kami. Naghanda pa yata siya ng location na parang prom. Sinabi ko na rin sa kanya na kakausapin ko lang siya pero sabi niya okay lang daw? Ewan ko ba dun! Parang ang saya saya niya. Hindi ko maexplain.

Medyo mas okay na din ako ngayon kesa sa kahapon. Hindi pa rin ako kinakausap ni Jenny. Baka ang akala niya makikipagdate na talaga ako kay Marco. Hinayaan ko nalang muna siyang isipin kung anong gusto niyang isipin sa akin. Basta sa gabing ito, aayusin ko ang lahat. Si Lola Pie naman, nasa mga amiga niya. Napapadalas si Lola na naglalaro ng majong kasama ang mga amiga niya ngayon. Masaya rin naman ako para kay Lola Pie kasi naman sa edad niya, dapat masaya nalang siya ngayon at ineenjoy niya ang buhay. Ako nalang muna aayos ng mga gusot na ako rin naman ang may gawa.

Mga 7:50 PM palang ay may narinig na akong kotse na dumating sa tapat ng bahay namin. Napaaga yata si Marco. Usually kasi late lagi dumadating si Marco eh.

Nagdoorbell na siya at binuksan ko naman ang pinto. Ngunit hindi si Marco ang nakita ko kung hindi isang fast food delivery girl. At siyempre, siya ulit si ate! Si Ate na nakikita ko lagi. She looked so young. Para siyang working student. May dala siyang pizza. Wala naman akong naalala na nagpadeliver ako o si Jenny.

"Jessica, sumama ka sa mahal mo. Hindi sa kung kani-kanino." Seryosong sinabi ni ate pizza.

Pagkatapos nun ay ngumiti siya at sinabi niyang..

"Wrong delivery address pala! Got to go!"

At tuluyan na siyang umalis.

***

Saktong 8 PM na at wala pa rin si Marco. Tinignan kong sumilip mula sa bintana ko.

*BOOOOOOGGGSSHHH*

*BBLLAAAAGGGHGGG*

*POOVBOOOOOMBUG*

Hala! Nagbubugbugan si Jeff at si Marco! Duguan na ang mukha ni Jeff. Teka? Bakit nandito si Jeff. Bumaba na ako at lumabas na ako agad. Kahit naka-gown pa ako na white, wala na akong pakialam. Kailangan ko silang mapigilang dalawa sa pag-aaway nila.

"Marco! Jeff! Anong ginagawa niyo?"

Biglang lumapit sa akin si Jeff dahil biglang umekpekto ang magnet.

"Bakit hindi mo tanungin iyang ex mong bastos!" Sigaw ni Marco na may pasa sa mukha.

"Jess! Sumama ka sa akin! Please! Please!" Pagmamakaawa ni Marco.

Hindi na nagsalita si Jeff. Alam naman niya kasing hinding hindi na ako makakasama kay Marco nang hindi kasama si Jeff dahil nakamagnet na kami.

"Bakit kayo nag-away?"

"Pumili ka!" Sigaw ni Marco.

"Yang Jeff na yan na iniwan ka! O ako na nandito sa iyo lagi! May lakad tayo ngayon, Jessica! Huwag mong sabihin na sasama ka sa kanya. Piliin mo ako Jessica!!!" Dagdag pa ni Marco.

Sobrang nakakatakot ang expression ni Marco. Parang hindi siya yung bestfriend ko. Naalala ko tuloy bigla ang sinabi sa akin ng pizza delivery girl. Na piliin ko ang mahal ko. Ito na nga ba iyon?

"Marco.. alam mo namang nakamagnet ako kay Jeff hindi ba?" Mahinahon kong sinabi.

"Nakamagnet ka ba? O dahilan mo lang iyan?!"

The Magnet (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon