Chapter 40 - Wait For Me!

1.4K 35 1
                                    

Jessica's P.O.V.

THE GOWN AND TUX ARE DONE.

Isang linggo na rin ang nakalipas simula nung nagbrown-out dito sa office namin. Simula noon, araw araw na akong hindi makatulog ng maayos. Naguguilty yata ako sa mga nagawa ko. Kawawa naman yung Jesslyn, nananahimik lang siya sa America pero niloko siya ng fiancee niya at ng ex nito. Hindi ko alam kung paano ko nagawa iyon. Parang naging selfish ako sobra. Hindi ko man lang inisip na masasaktan si Jesslyn kapag nalaman niya iyon. At kung ako rin naman ang lokohin, magagalit din naman talaga ako. Baka kung ano pa magawa ko sa haliparot na lumandi sa boyfriend ko. Buti nalang nasa States si Jesslyn. Ayoko rin naman ng gulo. Hahayaan ko nalang maibaon sa limot ang mga nangyari. Maayos na ang buhay ko. Aalis na rin naman si Jeff kaya naman babalik na rin sa katahimikan ang buhay ko. Babalik na sa normal ang lahat lahat.

Inutusan ko nalang si Rachel na ipadala sa address ni Jeff ang tux at ang gown. Ayaw ko na ring makita pa si Jeff bago pa siya umalis. Sa mga nangyari last week noong nagbrown-out, hindi ko na alam kung paano pa ba haharapin si Jeff ulit.

Paalis na sana si Rachel nang bigla siyang bumalik sa office ko.

"Oh? Rachel? What brings you back here?"

 "Eh maam? Andito na po kasi si sir Jeffrey?"

 "What?"

Nakita ko si Jeff na nakangiti nang pumasok siya sa office ko. Iniwan na rin kaming dalawa ni Rachel sa office ko. Si Rachel naman eh! Lumabas pa talaga! Sinenyasan ko na nga siya pero hindi pa rin niya nakuha. Ang slow naman nitong bruhang ito. Bumalik tuloy sa akin ang lahat ng nangyari last week. Lahat nang kakahiyan na ginawa ko. Lahat ng pagtataksil naming dalawa ni Jeff sa kawawa at sa inosenteng si Jesslyn. Hayyy!

"Jess. I'm getting my orders."

Binigay ko kay Jeff and mga orders niya. Hindi ko na siya tinignan sa mata. Binigay ko lang ng casual at pinapirma ko lang siya sa resibo. Ayoko kasing isipin niya na ginagawa kong big deal yung mga nangayari noong nag brown-out. Kahit sa totoo naman, ay sobrang naging big deal ito sa akin. Pilit kong ipinakita sa kanya na narito ako para magtrabaho at kinalimutan ko na lahat ng mga ginawa namin.

"I'm leaving tomorrow."

 "Really? That's nice. Have a safe flight." I said in a very boring tone.

 "I'll miss you.." He said as he touched my hand.

Inalis ko agad yung kamay ko sa pagkakahawak niya. Nakakatakot. Baka sumapi nanaman sa akin yung mga espirito ng mga haliparot. Hindi ko talaga matancha ang sarili ko kapag kasama ko si Jeff. Parang nagiging ibang tao ako. Ang daming first times na kapag kasama ko si Jeff, doon ko lang nararanasan.

"You're pushing me away again."

 "I have to."

 "Why?"

"Our fantasy is over. Let's go back to the reality."

"But my fantasy is my reality."

 "Stop it, Jeff."

"Look, Jess. Pwede naman akong hindi nalang tumuloy bukas."

"What? How about Jesslyn? Jeff, don't waste your time on me. There's a girl waiting for you out there."

 "Jess. About Jesslyn... Jesslyn is just a---"

Hindi ko na pinatuloy na magsalita pa si Jeff. Baka magbago pa ang isip niya at hindi na siya umalis at tuluyan na niyang iwan si Jesslyn para sa akin. Hindi ko kakayanin iyon. Takot ako sa karma. Kailangan gawin ko ang lahat para umalis na si Jeff bukas. Kailangan gawin ko ang lahat para matuloy ang pagalis niya bukas pabalik sa States.

The Magnet (Completed)Where stories live. Discover now