Chapter 17 - The Kiss

1.9K 49 2
                                    

TUMAKBO AKO HANGGANG NAKARATING AKO SA GUBAT.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko. Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak. Kung sa kilig ba o sa hiya. Hindi ko rin alam kung bakit ako tumakbo. Sa mga sandaling ito, wala akong pakialam kung magalit man sa akin si Jeff dahil iniwan ko siya na mag-isa. Ang alam ko lang ay naiinis ako sa kanya. Ginulat niya ako ng sobra sa ginawa niya.

Kakatakbo ko, hindi ko na pala alam kung nasaan na ako. Sinubukan kong balikan ang daan na tinahak ko pero masyado nang madilim para makita ko pa ito. Umupo nalang ako sa grass at nagpatuloy umiyak. Ngayon, umiiyak na ako dahil hindi ko na alam paano makakabalik. Wala na ring battery ang cellphone ko. Wala nang paraan para makabalik kung hindi bukas na ng umaga. Siguradong matutulog na ako dito sa gubat nang mag-isa.

Ilang sandali lang noong nagsimula akong umupo sa grass ay may naglagay ng kumot? O jacket? Sa likod ko. Natakot ako. Baka minumulto na ako? Baka naman patay na ako? Hala ka!

Bumalikwas ako at akmang susuntukin ko na siya at gagamitan ko na sana siya ng aking mga taekwondo skills na natutunan ko noong bata ko pa ako. Nang biglang..

"Oh..Oh.. Ohh!" Banta niya.

"What are you trying to do! It's me!"

Nagulat ako na si Jeff pala iyon. May dala siyang flashlight at dalawang sleeping bed. Ano yun? Hinanda ba talaga niya ito? Na dito kami matutulog? Hala ka! Baka naman may masamang binabalak ito sa akin!!!! Hinding hindi ko isusuko ang aking bataan!!! Nakakainis na talaga siya! All along baka niloloko lang niya ako! All along baka plano lang nila ito ni Angeline! Grrr!!!

Tumakbo ko ulit para layuan siya ngunit nahabol niya naman ako agad. Hinablot niya ang braso ko nang hindi na ako makatakbong muli.

"Hey! Jess! Bakit ka umiiyak? Bakit mo ako iniwan dun? And now you're running away?! What the hell did I do to you?" Seryosong tanong niya.

"Jeff. Magkalinawan nga tayo! Bakit mo naman kinailangan gawin iyon?"

"Because I want you to be mine!"

Napatigil ako ng kaunti. Pero hindi naman sapat iyon para sa kasalanan na ginawa niya sa akin. Maaaring bumagsak na ako ng tuluyan sa top 10 sa pag-eksena niya ngayon sa retreat. Ano nalang ang mukang ihaharap ko kay Lola Pie.

"Alam mo ba Jeff kung ano nalang ang meron ako ngayon?"

"What are you talking about?"

"Yung pag-aaral ko. Yun nalang ang kaya kong ipagmalaki. Yun nalang ang pinanghahawakan ko. Hindi mo ba alam na na-grounded ako ni Lola Pie noong na disqualify ako sa valedictorian? Pero hindi kita sinisisi, Jeff. Kasalanan ko iyon. Pero itong ginawa mo ngayon? Kapag pati salutatorian hindi ko na pwedeng makuha, dito sisisihan na talaga kita!"

"Jess.. I have been talking to the retreat facilitators since last week. They know na gagawin ko ito for you sa candle giving activity." Natawa niyang sinabi pero nahaluan din ng lungkot sa last words.

Napatahimik ako. Oo nga. Yan pala yung sinasabi niya sa akin last week pa. Na may sasabihin siya sa akin. Hindi ko naman alam na kinunchaba niya mga retreat facilitators. Napahiya naman ako kay Jeff! Lagi nalang ako napapahiya sa lalaking ito. Medyo tumaas ang pride ko at umiwas ako sa mata niya at nagsimulang lumakad ng mabilis palayo. Umiiyak pa rin ako pero ngayon dahil nalang sa kahihiyan. Kinuha niya ulit ang braso ko noong nahuli na niya ako.

"Hey! Why are you running away now?"

"I don't know! I hate you!"

"Jess! I really like you! And all of what I said earlier are damn true!"

The Magnet (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя