Chapter 8 - I'm Sorry

2.2K 64 2
                                    

JEFFREY's P.O.V.

ILANG BUWAN KO NA RING SINUSUNDAN SI JESSICA.

Hindi ko talaga alam kung bakit ko siya sinusundan. Para akong namamagnet sa kanya? Sobrang inis na inis talaga ako sa kanya noong una. Sabihin ba naman na nililigawan ko siya kahit hindi naman. Nakipagbreak tuloy sa akin si Angeline. Pero bakit ganon? Parang mas naging tahimik ang buhay ko simula noong nakipagbreak si Angeline sa akin? Wala  nang maingay na laging nanghihingi ng kiss. Wala nang nagagalit sa akin kapag nalalate  ako. Wala nang obligatory dates. Parang bigla akong naging free. Free to do  everything I want.

Pero narealize ko na ang sama  sama  pala namin ni  Angeline kay Jessica. Naramdaman ko mismo nung nadikit ako dito kung paano ang pakiramdam kapag binubully. Ang sakit pala. Lalo na kapag alam mong wala ka naman ginagawang masama. Hindi ko alam kung paano nakayanan ni Jessica yun ng ilang taon. Napakatibay niyang babae. Bilib na ako sa kanya.

Minsan binubully pa din siya. Hindi ko siya ipinapagtanggol. Hindi ko pa rin siya pinapansin hanggang ngayon. Mapride din kasi ako masyado. Pero tanggap na siguro niya na magkatabi lang kami lagi pero hanggang magkatabi lang. Minsan gusto ko  siyang kausapin, lalo na paag mag-isa lang siya pero nangunguna pa  din sa akin ang pride ko eh. Sobrang nakokonsensya na din ako sa ginawa ko sa kanya noon. Yung hinalikan ko siya. At noong sinabi kong patay na patay siya sa akin. Kung tutuusin pwede naman niya akong isumbong para ma-suspended ako pero di  niya ginawa. Siguro takot lang din niya na  bumaba pa grades niya kasi alam naman ng lahat ng running for valedictorian  siya. Minsan pag wala si Mika na  bestfriend niya, nakatulala lang siya. Minsan naman nakakatulog nalang siya bigla sa balikat ko. Doon tinititigan ko siya. Maganda din pala itong babaeng ito. Hindi lang talaga nag-aayos. Masyado kasi yatang pressured makuha ang pagiging  valedictorian. Mas maganda  pa nga siya kay Angeline. Puro make-up lang naman si Angeline. Maganda ang mata ni Jessica. Buhay na buhay. Kung pwede ko lang dalhin sa salon ito at ipa-makeover,  baka siya ang maging pinaka maganda dito sa campus. Kung pwede ko lang irewind lahat  ng nangyari simula nung nagkakilala kami noong elementary, gagawin ko.

"Edi gawin mo na!" Tugon ni  Chester.

"Ha? Bro! Labo mo!"

"Sabi ko.. I-kiss mo na" Hirit pa niya.

Tinignan ko lang siya ng masama.

"Eh kanina ka pa nakatitig diyan kay Jessica  eh. Kulang nalang i-kiss mo  na. Astig nga pre yung panliligaw style mo ngayon eh. Yung sinusundan mo lang pero ayaw mo pansinin? Ta-try ko nga iyon minsan pag may bago akong  chic."

"Bro promise! Di ko talaga alam bakit ko siya  sinusundan!"

"Nako bro! Wala nang maniniwala sa iyo niyan. Okay lang naman. Alam ko  at gets ko na ayaw mo na kay Angeline. Kung ako din boyfriend nung bruhang yun? Iiwan ko din yun agad. Masyado kaya siyang clingy. Right choice na pinili mo  si Jessica. Nerd lang yan at hindi nag-aayos pero maganda iyan. Nakita ko na iyang nakaayos noon nung birthday ni Marco."

"Sino naman yung Marco?" Tanong ko.

"Ah. Si Marco.  Best friend ni Jessica. Pinsan ko  sa mother side. Best friend lang ang tingin  ni Jessica sa kanya pero si Marco gusto siyang maging girlfriend. Kaya kung ano sayo bro, unahan mo na si Marco. Kahit pinsan ko yun, mas boto ako  sa iyo. Ma-pride ka lang bro pero  mabait kang tao.  Si Marco kasi, medyo may pagka-selfish siya at manggagamit siya  ng tao para lang makuha ang gusto niya. Kaya  bro kung ako sa iyo, try mo kausapin si  Jessica, hindi ka naman pipi."

"Oo na!" Bigla kong nasabi.

"Sige  bro alis  na ako may pupuntahan pa kami  ng family ko. Goodluck sa inyo ni  Jessica. May the  best man win!" Hirit ni  Chester bago siya tuluyang umalis.

***

Hindi ko alam. Bakit parang kinabahan ako noong sinabi ni  Chester na gusto siya i-girlfriend nung Marco? Siya yung sumuntok sa akin noon nung hinalikan ko si Jessica eh. Parang may bad aura sa kanya. Parang hindi siya gagawa ng mabuti. Kailangan kong ilayo si Jessica sa kanya. Ang tagal nang natutulog ni  Jessica. Namamanhid na ang balikat ko. Ano ba itong babaeng ito, paano kaya niya nakakayanan matulog sa mga publikong lugar at sa balikat pa ng lalaking nambully sa kanya for 9 years? Hanep!

"Jess"  pabulong kong paggising sa kanya.

"Jess"

"Jess"

"JESS!" sinigawan ko siya sa tenga. Ang tagal naman kasi magising. Parang baboy kung matulog.

Nagulat siya at nahulog sa upuan. Burara talaga.

"Anak ng sampung kabayo!" gulat niyang sinabi  habang nasa sahig siya.

Tumingin  siya sa akin. Hindi ko alam anong sasabihin ko.

"Ikaw  ba tumatawag sa akin? Ng  J-Jess?" Tanong niya.  Nagbuckle pa.

"Obvious ba?" Hindi ko alam paano kumausap ng maayos. Lumaki kasi akong mayabang talaga.

Nakita kong parang namula pisngi niya. Tapos tumingin lang siya sa sahig na para bang hindi siya mapakali. Ang cute niya. Parang pusa. Inabot ko ang kamay ko sa kanya kasi kanina pa siya nasa sahig. Tinignan lang niya ang kamay ko. Hindi ba niya nagegets na  dapat niyang hawakan iyon para makatayo siya? Slow naman nito. Naturingan matalino sa klase pero wala  din palang utak. Kinailangan ko pang kunin ang kamay niya at ilagay sa kamay ko para matulungan ko siyang makatayo. Para siyang robot. Nakakairita.

Nung nakatayo na  siya.  Bigla siyang tumalikod sa akin at akmang tatakbo na palayo sa akin ngunit kinuha ko ang kanyang braso at ihinarap siya muli sa akin. Kitang kita ko ang gulat sa kanyang mga mukha. Ang cute talaga niya kapag malapitan na.

"B-Bakit?" tanong niya. Reyna yata ito sa pagbubuckle.

Inayos ko ang tayo ko. Binitawan ko siya. Ito na. For the first time in my life kakalimutan ko muna ang pride ko para kay Jessica.

"Jess, I'm sorry."

"Jess? I'm? Sorry?" Ulitin ba naman ang sinabi ko.

"Yes. Jess.  And yes, I'm sorry. I know you think of me as a monster. Pero kahit papaano tao padin naman ako.  Nakokonsensiya na ako for all the bullying that I did to you before. It's only  now that I felt what you're  feeling for the past 9 years. And it's not easy. And I know what I'm going to ask you right now is not easy but if you  can only give me a chance, can we  start all over again? As friends?"

Ang tagal niyang sumagot. Kinakabahan na ako. Baka magalit. Or what? Nakatulala lang siya sa akin. After mga 5 minutes sumagot din.

"Sige." Tipid sumagot, nakakabanas!

"But let me clear one thing out, all of me following you is something that I really don't know why. But I believe na may reason why it happens. Let's just find out. Okay?"

After 5 minutes...

"O-okay."

"Okay gotta go! See you tomorrow! Fieldtrip natin bukas! Mag-ayos ka." That was the last words I said before I left her. Hindi na ako lumingon pa. Baaka masyado siyang nabigla sa mga sinabi ko. Baka masyado niya akong nakita as bad boy. Baka hindi siya naniniwala sa sorry ko. Baka ang akala niya part lang iyon ng plan. I really don't know. She's so blank. But something about her makes me want to know her more.

The Magnet (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon