Chapter 42 - The Airport

1.3K 27 0
                                    

GABI NA PERO NASA AIRPORT PA RIN AKO.

Hindi ako makaalis. Parang part of me sinasabi na baka bumalik pa si Jeff. Yung tipong parang sa mga teleserye na napapanuod ko. Yung kunwari lang pala umalis yung leading man, yun pala isusurprise lang niya yung leading lady niya. Pero inabot na nga ng gabi at wala pa ring Jeff na bumabalik. Siguro ay naprapraning na ako. Siguro nababaliw na ako. Masyado na akong pinapaikot ng pagmamahal ko kay Jeff.

Di nagtagal ay napansin na ako ng mga guard. Kanina pa rin kasi nila ako tinignan eh. Binabantayan nila ako na para bang magnanakaw ako. Nagtataka siguro sila kung bakit kanina pa ako nandito at hindi ako umaalis. Siguro ang akala nila ay may modus ako o kung ano mang masamang binabalak sa mga pasahero nila.

"Miss. May flight po ba kayo?"

"Hinihintay ko ang mahal ko."

Hala? Nagulat ako sa sarili ko. Bakit yun ang naisagot ko. Sobrang nababaliw na yata ako. Bata dalhin na nila ako sa mental.

"Ano po miss?" sabi ng guard.

"Hindi pa ba malinaw?! Hininhintay ko nga ang mahal ko! Babalik siya! Babalik siya para sa akin!" Pasigaw kong sinabi sa kanya.

"Nasaan po ba siya?" Nagtatakang tinanong ng guard. Ang akala niya siguro ay nandito lang.

"Lumipad na papuntang States. Pero alam kong nandito pa rin siya kaya hihintayin ko siya. Niloloko lang ako nun na lumipad na talaga siya." Seryoso kong sinabi.

Wala na akong pakialam kung maging baliw man ang tingin nila sa akin. Hindi rin naman nila ako kilala. Ang sakit sakit kasi ng nararamdaman ko ngayon. Minsan, ang sarap nalang magpakabaliw. Kasi doon, kahit papaano nababawasan ang mga problema ko. Ewan ko. Ganun ako eh. Siguro nga nabaliw na talaga ako. Since elementary ba naman hanggang ngayon na working na kami obsessed ako kay Jeff eh. Try niyo kaya yun. Hindi yun madali ah.

"Guards!! May baliw dito! Tulungan niyo akong kunin siya!" Biglang sinigaw ng guard na kausap ko kanina.

Wow ha! Ang kapal ng mukha nung guard na yun ah! Siguro hindi pa niya nasusubukan umibig!

Biglang may grupo ng mga guards na papunta sa direksyon ko. Natakot ako at bigla nalang akong tumakbo. Hinabol naman nila ako na parang kriminal na talaga ako. Binilisan ko ang takbo ko sa abot ng makakaya ko. Halos naikot yata namin ang buong airport kakatakbo ko eh. Sinubukan ko rin silang gamitan ng skills ko sa taekwondo pero masyado silang madami. Halos bente yata sila. Eh isa lang naman ako.

Binilisan ko nalang talaga ang takbo ko. Pero dahil na din siguro sa pag-alis ni Jeff at sa sobrang lungkot na nadarama ko, biglang nanghina ang aking mga tuhod at bigla nalang akong nahulog at nadapa sa sahig.

Agad agad nila akong kinuha at pinag-ikutan. Nanghina na talaga ako ng lubusan kaya naman ay hindi na talaga ako nakapalag sa pagkuha nila sa akin. Hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin. Pero hindi na ako natatakot. Kung mamamatay man ako ngayon ay wala na rin lang yun sa akin. Parang namatay na rin kasi ako nang umalis si Jeff at iniwan ako.

Dinala yata nila ako sa head ng airport. Basta parang mataas ang pwesto niya sa airport. Pinaupo nila ako dun atsaka ako iniwan ng mga hayup na guards na yan.

Ang ganda ganda ng office na pinagiwanan nila sa akin. Parang ito ang pinakamagandang office na nakita ko sa buong talambuhay ko. Joke. Over na yun. Office lang naman ito na normal at malinis. Hala! Nababaliw na nga siguro talaga ako.

Walang tao sa office. Siguro ay may ginagawa pa si head of airport whatsoever I don't care hindi ako natatakot sa kanya.

Pagkatapos ng isang oras ay lumabas ang isang sobrang gandang dalagita. Puno ng make-up ang kanyang mukha. Matangkad at chinita. Naka office attire siya kaya naman mukhang sobrang kagalang-galang ang itsura niya kahit bata pa siya.

"Jessica, huwag ka nang malungkot. Malapit na. Malapit nang dumating ang oras niyo ni Jeff."

Nagulat ako sa sinabi niya. Ano daw?

Hala! Siya pala si ate! Yung guardian angel ko! Hindi ko siya namukhaan agad! Ang ganda ganda kasi niya ngayon. Ito ang pinaka maganda at pinaka batang anyo niya na nakita ko sa kanya.

Pinaalis na rin niya ako agad dahil sinabi niya na marami pa siyang gagawin sa office. Alam niya na alam ko na hindi naman talaga niya office ito. Pero hinayaan ko nalang. Umalis na rin ako at nagpasundo kay kuya Jinggoy sa airport. Hindi na rin ako ginulo ng mga guards na humahabol sa akin. Napagsabihan na yata sila ng guardian angel kong mas maganda pa sa akin.

Pero hindi ko pa rin maisip ng mabuti kung ano ba ang ibig sabihin ni ate guardian angel sa mga sinabi niya kanina sa akin. Malapit na ang oras namin ni Jeff? Eh umalis na nga siya papuntang States eh. At hindi na yun babalik dahil marami din siyang ibang pinapatakbong business sa States. At magpapakasal na rin siya. Ang labo naman! Hindi nalang ako aasa. Baka masaktan lang ako lalo kapag hindi siya bumalik. Hahayaan ko nalang mangyari ang mga dapat mangyari. Lord! Ikaw na ang bahala sa akin.

Dumating na si kuya Jinggoy. Pasakay na sana ako sa kotse nang may biglang guard na humahabol sa akin. Hala! Ito nanaman ba tayo sa habulan? Ano nanaman kaya ang kailangan niya sa akin?! Hindi naman ako sumali sa Outbreak Manila para makipaghabulan ng dis oras ng gabi!

"Miss! Miss! Huwag ka munang umalis! Hindi kita aanuhin." Pasigaw na sinasabi ng guard habang tumatakbo siya.

Hinayaan ko nalang siya. Hindi na ako umilag o nagtago pa. Wala naman akong kasalanan kaya bakit ako matatakot. Nang nakaabot siya sa kinaroroonan ko ay binigyan niya ako ng magnet. Magnet na korteng letrang 'E'.

The Magnet (Completed)Where stories live. Discover now