Chapter 11 - Mini Show

2.3K 53 6
                                    

JESSICA's P.O.V.

NAGISING AKONG NAKAYAKAP KAY JEFF. AT  GANUN DIN SIYA SA AKIN.

Magkayakap kaming dalawa? WHAT.

Bumalikwas ako. Nagising na rin siya at tumingin siya sa akin. Niyakap ko ang sarili ko na para bang pinagsamantalahan niya ako. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam kung ano ba ang mga nangyari. Ang huli ko lang naalala ay sinabi lang ni Jeff na "I want us to be friends."

"Anong nangyari? Anong ginawa mo sa akin!? Hoy Jeffrey! Hindi ako si Angeline na pwede mo pagsamantalahan. Kahit na patay na patay ako sayo este ano kahit mamatay ako ng single okay lang basta hindi ako pagsasamantalahan!!!" Sigaw ko sa kanya na gamit nanaman ang aking sobrang bilis na pananalita.

"You're stupid. You hugged  me first."

"Ha? Hindi yun panaginip?"

"What? You're dreaming of me? How often?" He grinned. May pang-aasar sa boses niya.

"No!" Sigaw ko. Kahit lagi ko naman talaga siyang napapanaginipan.

Kasama din sa inakala kong panaginip ay kiniss niya ako? Huwag mong sabihing totoo din na nangyari yun? Hala. Hindi ko na alam kung ano ang totoo sa hindi. Baka masyado na rin akong nagiimagine.

"Did..you.. kiss me?" Tanong ko. Hindi ko mapigilan tanungin. Gusto ko kasi malaman kung totoo bang nangyari nga o panaginip lang. Ginugulo kasi niya ako eh. Sabi niya hindi panaginip.

"No. Why would I? Baka yun ang panaginip mo. Dream on, Fortuna!" Mayabang niyang pagkasabi sabay ngisi ng nakakaloko. Ano kaya yun?

Hinayaan ko nalang siya. Baka nga yung hinug ko siya hindi panaginip. Pero yung kiniss niya ako, panaginip. Hati? Parang ganun. Pwede pala yun. Kakarating lang naming sa location ng field trip namin. Sa cavite yata ito? Hindi ko alam. Parang museum. Boring. Mas okay bas a bus na magkatabi kami ni Jeff at magkahug! Hayayayay! Sarap sa feeling! Ugh! Haliparot ko! STOP. STOP. STOP.

Nagikot-ikot kami sa museum at sa iba pa nitong facilities nang bigla akong nakaramdam ng tawag ni mother earth. Nako naman! Ngayon pa talaga. Ano bang kinain ko kaninang umaga? Cereal lang naman at gatas? Nakaka-ano ba yun? Yung ano... nakaka-brown-thing pala yun? Hala ka lagot. Hindi ko na maipinta ang mukha ko kasi anytime pwede na ako magpasabog ng lagim. Dali dali akong kumalas sa pila namin at pumunta sa direksyon papuntang banyo. Hindi ko na talaga kaya. Pawis na pawis na ako. Pumasok ako bigla sa girls' comfort room nang nakaramdam ako ng taong sumusunod sa akin. Naku po! Si Jeff! Nakamagnet nga pala siya sa akin. Nagulat ako nang nakita ko siyang nasa loob na rin ng girl's comfort room. Baka mapagalitan siya. Baka kung anong isipin nila na ginagawa namin ni Jeff. Grades ko! Patay na! Pero najejebs na talaga ako. Tulong!!!!

"Paano yan? Bakit mo ako sinusundan?" Painosente kong tanong kay Jeff.

"Hindi ko rin alam. Pawis na pawis ka na ah. Ano bang kinain mo? Gagawa ka ba ng kababalaghan dito sa CR?" Tanong ni Jeff habang medyo natatawa siya. Alam kong alam  niya na najejebs ako.

"Papasok na ako sa cubicle! Alis alis!" Sigaw ko kay Jeff. Minsan talaga kahit crush na crush mo ang isang tao. Hindi mo pa rin talaga maiwasan mainis. Grrrr!!!!

Pumasok na ako sa cubicle ngunit nagulat ako nang bigla siyang nakasunod sa loob. Alam ko namang hindi niya gusto iyon. Kitang kita ko ang gulat sa kanyang mga mata. Malaki kasi ang cubicle kaya hindi pwedeng sa labas lang si Jeff.  1 foot lang kasi ang distansya na kayang ibigay ng magnet sa amin lalo kapag kaka-start lang ng effect.

The Magnet (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant