Chapter 48 - Last Challenge

1.5K 42 0
                                    

DREAMS DO COME TRUE.

Suot ko na ngayon ang gown na pinatahi mismo sa akin ni Jeff. Yung gown na para kay non existent Jesslyn. Ikakasal na kami ni Jeff. Magaganap na rin sa akin ang pinakamasaya at pinakamagandang moment para sa kahit sinong babae. Maraming nagsasabi na ang bata ko daw kinasal. Pero ako, hindi ko na sila pinagtutuunan ng pansin. Basta ang alam ko lang, masaya ako. Natuto na rin akong huwag pansinin kung ano ang iisipin ng ibang tao sa akin, kahit gumawa man ako ng tama o mali, lagi naman tayong majujudge ng mga tao sa paligid natin. Kaya pinili ko nalang maging masaya.

Lahat ng taong mahal ko ay umattend. Ang sarap sa pakiramdam. Dati nakatingin sa akin ang mga tao kasi napahiya noong graduation namin. Ngayon, nakatingin sa akin ang mga tao dahil masaya sila para sa akin. Nakakaiyak talagang isipin ang lahat ng mga pinagdaanan ko.

Lalakad na ako sa red carpet. Ang red carpet na magbubukas ng panibagong chapter ng buhay ko. Handa na ako at hindi ako natatakot. Itong desisyon na magpakasal kay Jeff ang pinaka magandang desisyon na ginawa ko sa buong buhay ko. Ang mga pangarap talaga ay nagiging totoo basta huwag mo lang sukuan at lagi ka lang positive kung mag-isip.

Narinig ko ang kantang 'A Thousand Years ni Christina Perri' paglakad ko. Si ate guardian angel ang kumakanta. Nagsmile siya sa akin na tila ba parang masayang masaya siya sa akin.

Heart beats fast

Colors and promises

How to be brave

How can I love when I'm afraid

To fall

But watching you stand alone

All of my doubt

Suddenly goes away somehow

Habang kumakanta si ate guardian angel ay ramdam na ramdam ko ang sobrang kasiyahan. Naglalakad ako sa altar. Nasa dulo si Jeff. Suot din niya ang tux na ginawa ko para sa kasal niya. Si Jeff na magiging asawa ko na. Si Jeff na ikakasal pala sa akin. Sino ba naman ang hindi magiging masaya?

One step closer...

I have died every day waiting for you

Darlin' don't be afraid

I have loved you for a Thousand years

I'll love you for a Thousand more

Kahit ang dami dami nang nangyari. Kaming dalawa pa rin pala ni Jeff sa huli. Hindi ko maiwasan maging emosyonal habang naglalakad ako. Tinignan ko sila Lola Pie, naiiyak din sila para sa akin. Grabe! Make-up ko! Pero umaapaw talaga ang kasiyahan ko.

Time stands still

beauty in all she is

I will be brave

I will not let anything

Take away

What's standing in front of me

Every breath,

Every hour has come to this

Tinignan ko si Jeff at naiiyak na rin siya. Nilagay niya ang kamay niya sa kanyang puso at tinuro niya ako. Ngumiti siya. Ngiting punong puno ang pagmamahal.

The Magnet (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon