Chapter 30 - The Last Day

1.3K 36 0
                                    

THE LAST DAY OF THE MAGNET EFFECT.

Napag-usapan ulit namin ni Jeff na magkita kami sa San Juan Le Pasta Restaurante.

Hindi ko pa alam kung susundin ko ang gusto ni ate driver.. Papakawalan ko nga ba si Jeff?

Dumating si Jeff ulit naka chef's attire at dinalhan niya ako ulit nang pabirito kong chicken paella. Masaya naming kinain ang paella pati na rin ang mga iba pang pagkain na inihain sa amin ng mga waiters ng restaurant. Nagkwentuhan din kami ni Jeff. Nakakalungkot na ang mga topic ng kwentuhan namin ay tungkol na sa mga schools na papasukan sa college at hindi na tungkol sa aming dalawa na lamang. Kumakain lang kami nang biglang may dumating na isang lalaking parang foreigner sa restaurant. Tumayo si Jeff at pinakilala niya ako sa lalaking iyon. Tatay pala ni Jeff ang foreigner na lalaki. Kaya naman pala halatang halata sa itsura ni Jeff na tisoy siya. Napakabait ng tatay ni Jeff. Napakagalang at mukhang sobrang professional. Nakipagkamay sa akin ang tatay ni Jeff at nakiusap siyang kakausapin lang muna niya si Jeff sandali sa kabilang table. Si Jeff naman, sinabi niya sa tatay niya na sabihin nalang ang gusting sabihin sa harapan ko since girlfriend naman daw niya ako at karapatan ko daw na malaman ang lahat lahat na nangyayari sa kanya. Hindi na rin pumalag pa ang tatay ni Jeff. Kumuha ito ng isang envelope sa kanyang briefcase at inilatag sa harapan ni Jeff.

"Jeff, son, you have passed the entrance examination for Timeford Culinary Academy in the USA! I am so proud of you! I have already booked your flight and you are leaving tomorrow."

Nagsmile ang tatay ni Jeff at niyakap niya si Jeff na parang proud na proud talaga siya kay Jeff. Nagulat din si Jeff sa naging reaksyon ng tatay niya. Naalala ko na minsang kinwento  sa akin ni Jeff na gustong gusto niyang maging proud sa kanya ang tatay niya pero hindi niya alam kung paano niya ito gagawin.

Umalis na din ang tatay ni Jeff. Iniwan niya kay Jeff ang envelope at ang ticket ni Jeff papuntang USA.

Nakatulala si Jeff. Parang pinaghalong saya at lungkot ang kanyang nadarama sa mga panahong ito. Nakikita ko sa mga mata niya na masaya siya dahil naging proud na din ang tatay niya sa kanya sa wakas. Pero nakikita ko rin sa mga mata niya na malungkot siya dahil ang ibig-sabihin noon ay aalis na siya bukas at ngayon na ang huling araw namin na magkasama. Bago pa man siya makapagsalita ay inunahan ko na siya. Baka ito na rin kasi talaga ang pahiwatig ng babaeng misteryoso. Kailangan ko na talagang pakawalan si Jeff. Para rin naman ito sa kanyang future.

"Jeff.. it's okay. Go!"

"But how about us?"

"Maybe.. hindi lang talaga ito ang oras para sa atin. Malay mo, someday?"

"Can't we make it work?"

"Jeff.. mahirap ang long distance. Parang kinukulong din kita na makipagmeet sa ibang mga babae. Ayaw kong maging kulong ka sa akin. Gusto ko na maging Malaya ka gawin ang mga gusto mo lagi."

"But I love you, Jess."

"I love you too. You know that, Jeff. Hindi naman yun mawawala. Pero there are times na kailangan natin mag let go for the good of the other half. Sawang sawa na ako maging selfish, Jeff."

"You are not selfish.."

"I am selfish kung hindi kita pinayagan umalis ngayon. Jeff, isipin mo, kung hindi kita papayagan umalis ngayon, may mangyayari bang maganda? Wala din naman. Madidissapoint lang ang tatay mo. Tayo naman, hindi rin tayo magkikita lagi kasi magkaiba tayo ng schools na papasukan."

"You're breaking up with me?"

"No, Jeff. It's more like.. I'm setting you free. I am letting you go."

"But that's still breaking up..."

"It's for your own good, Jeff. It's for the best."

Jeff hugged me tight. We were just like that for 10 minutes.

"I'll miss you." He whispered to my ears.

"I'll miss you too." I said as I cried.

Kumuha siya ng panyo at pinunasan niya ang mga luha ko. Kiniss din niya ang forehead ko. Sakto, nawala na nang tuluyan ang epekto ng magnet.

Hindi ko inakala na kapag tuluyan nang nawala ang epekto ng magnet, tuluyan na rin palang mawawala si Jeff sa buhay ko.

Magkikita pa kaya kami ni Jeff?

Babalik pa kaya si Jeff sa Pilipinas?

Hindi ko alam. Kailangan ko na ding magsimula ng bagong buhay na wala si Jeff. Kakayanin ko ito dahil alam kong kahit aalis na siya, alam kong may Jeff pa din na nagmamahal sa akin.

The Magnet (Completed)Where stories live. Discover now