Chapter 24 - Dateless

1.2K 36 0
                                    

SIMULA NANG NALAMAN NI JEFF ANG TOTOO, LAGI NALANG SIYANG ABSENT.

Ayaw niya yatang pumasok pa sa school kasi alam niyang mamagnet pa rin siya sa akin. Sa March pa kasi matatanggal ang sumpa ng magnet eh. Kung sa March pa siya papasok, siguradong magrerepeat siya. Gusto ko sana siyang itext kaso pinipigilan naman ako ni Mika kasi baka naman daw gusting mapag-isa ni Jeff.

Naguguilty talaga ako sa naging kinalabasan ng relasyon namin ni Jeff. Hindi rin ako gaanong makapagconcentrate sa pagaaral ko. Kinausap pa ng principal si Lola Pie kasi bumababa talaga ang grades ko.

***

FEBRUARY 13.

Naghahanda na ang lahat para sa prom. Mamaya ay magkakaroon kami ng rehearsal sa kung paano ba maglakad sa panimula ng prom night. Pinipili na din ng mga prom partners. Ako naman, wala akong partner. Wala namang ibang lalaking hihingi ng kamay ko. Sinabi ko na din sa teacher ko na solo flight nalang ako sa prom. Pumayag naman sila.

Magsisimula na ang rehearsals para sa prom kaya naman ay pinaakyat na kami sa gymnasium namin. Bigla nalang na may lalaking namagnet sa akin. Si Jeff! Pumasok na si Jeff sa school! Natuwa ako nang napadikit siya sa akin bigla. Pero matalim ang mga titig niya sa akin. Mga titig na punong puno ng galit. Hinila niya ako palabas ng gymnasium. Ang lakas niya. Nasasaktan ako. Nakita ko na nagmarka ang mga daliri niya sa braso ko na ngayon ay pulang pula na.

"Don't go to prom tomorrow." Galit niyang sinabi nang nakalabas na kami sa gym.

"Did you hear me?" Tanong niya.

Hindi ako sumasagot. Napaiyak nanaman ako bigla. Galit pa rin sa akin si Jeff kahit na ilang linggo na ang nakalipas.

"Stop crying!" Sumigaw siya.

Hindi ko napigilan at lalong bumuhos ang mga luha ko.

"Jeff, please forgive me." I begged.

"I will only forgive you if you don't got to prom tomorrow. I will date Angeline tomorrow. I don't want an obsessed magnet be next to me." He said blankly.

"Okay. If that's the only way." I said, still crying.

***

5 hours ang practice ng prom naming kaya naman since nakamagnet si Jeff sa akin. Kami nalang muna ang partners sa prom. Kahit man lang sa rehearsals ng paglalakas at pagsasayaw sa cotillion, atleast naging partner ko siya. Hindi rin naman ako makakapunta bukas kaya naman itinuring ko nalang na prom ko ang rehearsal namin na ito.

May isang dance step sa cotillion namin na sinadya nanaman akong tabigin ni Angeline pero sinalo ako ni Jeff. Nakakatuwa na kahit galit na galit siya sa akin ay naiisip pa rin niyang tulungan ako sa mga maliliit na bagay na baka maipahamak ako. Sapat na sa akin iyon.

Umakyat din pala kami ni Jeff sa stage ng rehearsals namin. Pinaanounce niya sa akin na hindi ako makakarating sa prom bukas dahil may lakad ako kasama ng Lola Pie ko na importante. Kaya naman pinauubaya ko na ang date ko na si Jeff kay Angeline. Bali sila na ni Angeline ang magiging magkadate sa prom bukas. Pinaannounce din niya sa akin na break na kami.

Nagulat ang mga tao at nagkaroon ng iba't-ibang reaksyon. Hindi ko na pinakinggan pa kasi hindi ko na kaya. Nakita ko rin si Mika na lalapit sana sa akin pero hindi ko na muna siya pinansin kasi ayoko namang sirain ang pagrerehearse nila ni Chester. Lumabas ako sa gym at dumiretso na ako kay kuya Jinggoy at nagpahatid na ako sa bahay. 

The Magnet (Completed)Where stories live. Discover now