Chapter 4 - Guardian Angel

2.3K 67 5
                                    

GABI NA NG NAKARATING KAMI SA QUIAPO.

Nakakatakot sa Quiapo kapag gabi na. Maraming umaaligid na mga isnatcher kaya naman doble ingat kami ni Mika sa paghahanap namin kay ate madumi. Binalikan namin ang pwesto ni ate madumi sa Quiapo kung saan binentahan niya kami ng magnet ngunit ni isang bakas niya ay wala na doon. Nagtanong-tanong din kami sa mga tao kung nakita ba nila si ate ngunit parang walang may kakilala kay ate madumi. Wala daw silang  nakikitang ganun. Napaiyak nalang ako at ako na mismo ang nagsabi kay Mika na umuwi nalang kami na gabing gabi na rin. Bahala na bukas.  Bahala na talaga. Kasalanan ko din naman. Masyado kasi akong  obsessed. Niyakap ako ni Mika. Sa ngayon, yakap lang talaga ng tunay na kaibigan ang kailangan ko.

***

Habang pauwi na kami, dumaan muna kami sa isang bookstore upang bumili ng mga assignments namin. Laking gulat ko na  yung cashier na magpupunch ng mga binili namin ay kamukhang kamukha ng misteryosong matandang babae sa Quiapo. Mas malinis nga lang siya at mukhang mas healthy at nakakaahon sa buhay. Parang mas bumata din ang itsura niya ng dalawang taon.

Nagkatinginan kami ni Mika. Alam kong alam niya kung ano ang iniisip ko. Inunahan na ako ni Mika at nagtanong na siya bigla sa babae habang kami ay nagbabayad.

"Ate, may kamukha ka na nagtitinda ng bato sa Quiapo." Diretsong sinabi ni Mika.

"Oo. Ako yun. Madumi lang ako noon." Sabi ng cashier.

Siya nga! Bigla siyang luminis? Agad agad kong sinabi na gusto ko nang ibalik ang sumpa ng magnet. Na ayaw ko na sa magnet. Na hindi naman totoo na nainlove sa akin si Jeff kung hindi naging magkadikit lang kami na parang magnet.

Tumawa siya ng kaunti at ngumiti.

"Hindi pa ba malinaw Jessica? Tutulungan ka ng magnet na iyon para makaganti ka Jeff at Angeline. Ipamukha mo sa school niyo na hinahabol habol ka ni Jeff pero hindi mo siya gusto. Isang chance ang binigay sayo ng magnet. Chance para gumanti. Wag mo itong sukuan."

Nagulat ako sa mga sinabi niya. Bakit niya ako kilala? Bakit kilala din niya sila Jeff at Angeline? Nahihiwagaan na ako ng sobra.

"Ang pagibig hindi yan minamagic. Kusa yang natututunan. Pero may mga taong kailangan gamitan ng magic para marealize nila ang mga mali nila" pagpapatuloy niya.

"At hindi mo na maibabalik ang effect ng magnet na yan. 10 months yang gagana. Isang buong school year. 5 hours per day. Pero kapag hindi naman kayo magkikita edi walang mamamagnet. Pero since schoolmates kayo at nasa iisang lugar kayo, impossibleng hindi ito gumana dahil napakalapit niyo lang sa isa't isa. Ikaw din naman mismo ang nagsulat ng pangalan niya sa magnet, hindi ba? Hindi kita pinilit."

"PERO!" sinabi ko.

"Next please!" bigla niyang sinabi.

Hindi na ako nakapagtanong pa sa kanya dahil sa dami ng nakapila sa bookstore. Andaming tanong na gusto kong malaman. Bakit siya nasa Quiapo? Bakit ngayon sa bookstore? Bakit niya ako kilala? Bakit alam niya na binubully ako? Bakit? Bakit? Bakit?

***

"Hindi kaya guardian angel mo yun?" Sabi ni Mika habang nasa kotse kami pauwi.

"Hindi ko parin talaga maintindihan. Bakit ganon?" Sabi ko naman.

"Sa tingin ko, mahiwaga man siya, may point siya GBFF! Baka ito na talaga ang oras na makaganti ka kila Jeff at Angeline. Siguradong gugulo ang buhay nila Jeff at Angeline sa pinasok mong ito. Dito mo patunayan hindi lang sa kanila, kundi pati sa buong school na nilulook-down ka, na hindi ka basta basta pwedeng matapakan." Seryosong sinabi ni GBFF.

Napaisip ako. Mahiwaga man pero may punto din  naman.

"Sige."

"Anong sige?" Tanong ni Mika.

"Gagamitin ko ang magnet. Para hindi na nila ako tapakan.  Para hindi na nila ako ibully. Para maramdaman  din nila ang pakiramdam nang binubully."

At ito na nga ang simula nang aking  magnet journey. 

Senior year, you're going to be CRAZY.

The Magnet (Completed)Where stories live. Discover now