Chapter 25 - Promdate

1.3K 36 0
                                    

NAKAKAGAAN PA RIN NG LOOB KAPAG MAY TUNAY KANG MGA KAIBIGAN.

Si Marco at Mika ay nasa tabi ko lang buong araw. Sa kanila ako umiyak. Sa kanila ko ibinuhos ko ang lahat ng saloobin ko.

Pagsapit ng gabi ay kinailangan nang umalis ni Mika dahil tinatawag na siya sa kanila. Naiwan nalang kaming dalawa ni Marco sa kwarto ko.

"Jessica, sumama ka nalang sa akin bukas."

"Saan tayo pupunta BBFF?"

"Magproprom tayong dalawa. Ide-date kita." Mahinahon niyang sinabi.

Naalala ko na may hindi nga pala silang sinasabi sa akin ni Jenny. Kaya hindi ko muna sinagot ang tanong ni Marco. Tamang-tama naman at nasa kabilang kwarto lang si Jenny. Hinila ko ang kamay ni Marco at sabay kaming nagtungo sa kwarto ni Mika.

Gulat na gulat si Mika sa pagpasok namin. Nagulat din si Marco at lalabas na sana siya sa pinto pero hinarangan ko ito. Kahit sobrang sakit pa ng nadarama ng puso ko ngayon, ito na ang chance para magharap kaming tatlo ni Jenny at Marco. Kahit parang nanghihina ako at magkakasakit ay pinilit kong kausapin silang dalawa.

"Ano ba talaga ang problema sa inyong dalawa? Alam niyo. Nakakatampo na kayo eh. Ikaw Jenny, kapatid kita. Ikaw Marco, BBFF kita. Pero bakit ayaw niyo sabihin sa akin ang problema ninyong dalawa? Sa tingin niyo ba ay hindi ko napapansin na nag-iiwasan kayo? Sa tingin niyo ba maniniwala ako sa mga excuse niyo? Utang na loob! Nakakainis na kasi kayo eh."

"Since we're all here. Bakit hindi mo sabihin ang totoo sa kapatid mo, Jenny?" Sinabi ni Marco kay Jenny na parang naghahamon siya.

"Ate.."

"Jenny, it's okay! Sabihin mo at iintindihin kita."

"FINE! FINE!" Sumigaw si Jenny na parang naiiyak.

"Si Marco. Nagpatulong siya sa akin na ligawan ka ate! Ikaw ang gusto niya ate Jessy! Kaya hindi kita pinapansin ever since. Hindi tayo close. Hindi ako sumasama sa inyo ni ate Mika. Kasi naiinggit ako sa iyo. Gustong gusto ko kasi si Marco. Pero ikaw lang ang bukambibig niya! Akala mo naging kami di ba? Hindi totoo yun! Palabas lang namin yun para naman malaman namin kung magseselos ka! Pero hindi ka nagselos ate. At ang nangyari sa akin? Tuluyan na akong nahulog kay Marco. Pero ang puso ni Marco na nasa iyo pa rin. Hindi ko na alam kung ano ba ang kulang sa akin! Baka naman kailangan ko rin maging nerd?! Ate, inggit na inggit ako sa iyo. Kasi ampon lang ako. Tunay kang apo. At ikaw ang mahal ng lalaking mahal ko." Umiiyak na sinabi ni Jenny.

"Noong nakita mo akong umiiyak sa labas ng bahay dati nung fieldtrip niyo ate? Nagmamakaawa ako kay Marco nun na ako nalang ang ibigin niya. Na kayak o din maging ikaw. Na ibibigay ko ang lahat kahit ano.. kahit pati na ang pagkababae ko."

"JENNY!" Pagsaway ko.

"So tungkol pala sa akin lahat? Marco? Bakit hindi mo nalang sinabi sa akin? Bakit kinailangan mo pang paibigin ang kapatid ko?"

"Hindi ko alam na gusto niya ako." Sabi ni Marco.

Napaiyak nalang ako. Hindi ko na rin alam ang gagawin ko. Masyado nang mabigat ang dinadala ko. Hindi ko na alam kung ano ang solusyon sa mga problemang nangyayari. Lumabas na ako ng kwarto ni Jenny. Pumunta ako sa sala para uminom ng tubig. Napatulala nalang ng ng matagal.

Mga ilang minuto pa ay bumaba na rin si Marco. Hindi ko alam kung nag-usap pa ba sila ni Jenny pag-alis ko sa kwarto pero wala na akong pakialam.

"Una na ako Jessica. Pasensya na sa mga problemang naidulot ko sa inyong magkapatid."

Malungkot nalang akong nagsmile kay Marco. Wala rin naman siyang kasalanan. Wala rin namang kasalanan ni Jenny. Hindi talaga madidiktahan ang puso. Pero ako? Kasalanan ko ang nangyari kay Jeff. Baka kasalanan ko ring nainlove sa akin si Marco. Minsan kasi ginagawa ko siyang parang si Mika. Nagiging super touchy ako sa kanya. Baka binigyan niya iyon ng ibang meaning. Baka imbis na maging okay na sana ang samahan nila ni Jenny ay nagulo pa dahil sa akin. Kasalanan ko nga ba ang lahat lahat?

Kailangan kong ayusin ito. Kahit hindi ko na maayos yung sa amin ni Jeff, at least maayos ko man lang yung sa kapatid ko. Para naman kahit isa sa amin magkaroon din ng happy ending. Hindi naman sa ginagawa kong maging sila ulit ni Marco. Gusto ko lang magkaayos ulit sila bilang magkaibigan. Nakapag-desisyon na ako. Kakausapin ko ng masinsinan si Marco.

Paalis na sana si Marco sa bahay namin. Papasok na siya sa kanyang kotse nang tinawag ko ang pangalan niya.

"MARCO!"

"Bakit, Jessica?"

"Sasama na ako sa iyo bukas. Sunduin mo ako dito sa bahay. 8 PM."

Nakita kong may nabuong ngiti sa mukha ni Marco. Hala? Baka ang akala niya ay yung tinanong niya sa akin kanina? Na magdedate kami? Lagot! Labo ko kasi makipag-usap eh! Imbis na maayos baka lalo pang magulo! HAYY!!! Ano ba yan Jessica!!!!

"SIGE! SALAMAT JESSICA! WHOOOO! SEE YOU! MAG-GOWN KA! MAGPROPROM TAYO!!!!"

Sumakay na siya sa kotse niya ng nakangiti. LAGOT NA. PATAY NA. ANO NA. Marco, mag-uusap lang tayo.

Pano niya kayang nakayanan ngumiti at sumigaw ng ganon sa kalagayan ni Jenny ngayon?

Ni hindi man lang niya inisip ang mararamdaman ni Jenny.

The Magnet (Completed)Where stories live. Discover now