Chapter 16 - The Confession

1.8K 47 0
                                    

NAGSIMULA NA ANG CANDLE-GIVING ACTIVITY.

Naka-upo kaming lahat na magkakaklase sa isang malaking circle at bibigyan namin ng candle ang friend namin na gusto naming bigyan ng message. At yung nabigyan mo ng candle, siya naman ang magbibigay ng candle sa iba and so on. Parang cycle lang.

Nauna nang nagsindi ng candle si Tessa. Binigay niya ito kay Patricia na bestfriend niya.

"Love you bestfriend."

Naghug sila pagkatapos at nagiyakan. Utang na loob! Yan na nga ba ang sinasabi ko eh. Ano ba ang nakakaiyak sa I love you! Hindi ba dapat masaya ka lang! Naulit pa ng naulit ang mga ganung eksena na nagiiyakan kahit wala walang kwenta lang naman ang mga messages. Kaya sinasabi ko na nga ba na ayaw ko talaga sa activity na ito eh. Nagtinginan nalang kami ni Mika. Sabay nagtawanan.

Hinahanap ko si Jeff at Chester pero hindi ko sila makita kasi ang dilim na kasi late kami nakarating sa candle-giving activity. Late kasing nagising si Mika at nagpaganda pa kamo! Eh sa dilim lang naman pala kami ilalagay! Hahahaha! Ako naman, hindi pa rin makagetover sa letter ni Jeff. Gusto ko siyang makita kaya kanina pa naglilikot ang ulo ko para hanapin siya. Pero mukhang nakatulog din yata sila ni Chester. Ewan ko lang. Susulpot din naman siguro yun.

Si Catherine na ang magbibigay ng candle, si Catherine ay isa sa mga alipores ni Angeline kaya alam ko na na kay Angeline niya ibibigay ang candle niya. At tama nga ako. Pumunta nga siya kay Angeline. Nakakatawa kasi hindi pa nga niya nabibigay yung candle kay Angeline eh umiiyak na siya. Halatang halata na pinaghandaan niya yung mga luha niya. Tawa kami ng tawa ni Mika.

"I love you, Angeline! Ikaw talaga ang best friend ever!" Sabi ni Catherine sabay hug kay Angeline.

Pagkuha ni Angeline ng candle. Tila naghahanap siya ng tao na bibigyan niya ng candle. Siguro hinahanap niya ang mga alipores niya kung kanino ba niya ibibigay. Laking gulat ko kung kanino siya pumunta para ibigay ang candle niya. KAY JEFF! KAY JEFF KO!!!! Nasa dulo pala ng circle si Jeff at Chester na halatang kakarating lang. Mukhang nakatulog nga din si Chester. Pareho pa sila ni Mika. Bagay nga sila. Pero si Jeff? Mukhang hindi siya nakatulog. Kitang kita ko sa mukha niya na seryoso siya. Parang ayaw niya na binigyan siya ng kandila ni Angeline. Pero huli na ang lahat. Nagsalita na si Angeline.

"Jeffrey. I still love you. I know that one day we will be together again."

Nagsigawan ang mga kaklase naming dahil sa sinabi ni Angeline. Akmang ikikiss na sana ni Angeline si Jeff pero umiwas si Jeff. Kinuha ni Jeff ang candle at tila may hinahanap siyang tao. Nagpout si Angeline at bumalik na lamang sa mga alipores niya na malulungkot din. Parang mga bruha. Kung ano talaga ang feeling ni Angeline? Nafeel niyo din? Che!

Pero infairness! Nakakatawa yung hindi pumawag si Jeff na magpakiss kay Angeline. Samantalang dati naglalaplapan sila lagi. Siniko ako ni Mika. Tapos pinagtawanan niya si Angeline. Hahaha! Sarap din kasi gumanti minsan. Pero ayoko maging masamang tao. Napahiya rin naman si Angeline kaya kawawa pa din naman.

Bumalik ang tingin ko Jeff. Ang buong akala ko ay ibibigay niya kay Chester ang candle niya. Pero may hinahanap talaga siyang tao. Nagsimula na siyang umikot sa circle at naghanap ng taong pagbibigyan niya ng candle. Biglang naglock ang mga mata namin.

OMG! Sa akin nga ba pupunta si Jeff?

Lumakad si Jeff papunta sa ibang direksyon. Lumuwag ang dibdib ko na hindi pala siya sa akin pupunta pero may halo ding lungkot. Kanino naman niya kaya ibibigay yun?

Nagulat nalang ako nang nasa kabilang side ko siya. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Kung ang ibang tao binibigay lang ang candle sa taong nakaupo at nagmemessage habang naka-upo ang pinagbibigyan niya nito. Iba ang ginawa sa akin ni Jeff. Inalok niya ang kamay niya sa akin at pinatayo ako. Dinala niya ako sa gitna ng circle. Pinaupo niya ako sa upuan na pinalagay niya kay Chester sa gitna. Doon palang niya pinahawak sa akin ang candle. Kumuha siya ng gitara at kumanta ng 'You And Me ng Lifehouse'.

What day is it? And in what month?
This clock never seemed so alive
I can't keep up and I can't back down
I've been losing so much time

Cause it's you and me and all of the people
With nothing to do, nothing to lose
And it's you and me and all of the people
And I don't know why I can't keep my eyes off of you

Something about you now
I can't quite figure out
Everything she does is beautiful
Everything she does is right

Cause it's you and me and all of the people
With nothing to do, nothing to lose
And it's you and me and all of the people
And I don't know why I can't keep my eyes off of

You and me and all of the people
With nothing to do and nothing to prove
And it's you and me and all of the people
And I don't know why I can't keep my eyes off of you

What day is it? And in what month?
This clock never seemed so alive

Hindi ko alam na umiiyak na pala na ako nang natapos niya ang kanta niya. Sobrang tuwang tuwa ako sa ginawa niya. Sobrang ganda ng boses niya. First time kong makantahan ng isang tao sa buong buhay ko. Ang sarap sa pakiramdam. Nakatulala pa ako at umiiyak nang nagsalita si Jeff.

"I want you guys to know that I like Jess so much. I want her to be mine." Sinabi niya sa mga kaklase ko.

Hindi ko alam kung ano ang irereact ko. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Kung dati ay sobrang tagal na 9 years na walang nangyayari sa amin ni Jeff. Ngayon, parang finastforward naman lahat. Hindi ko alam kung ano ang uunahin kong maramdaman. Kung kaba ba o kilig o takot o ano ba! Ewan ko!

"Jess, can you be my girlfriend?" Tanong ni Jeff. Malumanay lang at kalmado ang pagkakatanong niya. Inabutan din niya ako ng isang red rose.

Hindi ko alam. Parang nahiya ako bigla sa mga tao. Sa mga instructor. Sa mga taga retreat house. Sa mga kaklase ko. Sa lahat ng matang nakatingin sa amin.

Tumakbo ako ako palabas ng activity area.

Iniwan kong mukhang tanga sa Jeff.

The Magnet (Completed)Where stories live. Discover now