Chapter 2 - The Magnet

2.9K 72 5
                                    

ANG GULO GULO PALA DITO SA QUIAPO.

Nag-LRT lang kami ni Mika kasi Linggo ngayon, wala si Kuya Jinggoy, yung driver namin. Rest day kasi niya ngayon. 

Bumaba kami sa Carriedo Station at nagsimulang maglakad sa matao at mainit na daan. Bakit ba naman kasi tanghali naming naisipang mag Quiapo? Kung kelan pa talaga tirik na tirik na ang araw?

Ilang minutes ng pagtitiis ay narating na rin namin ang sikat na simbahan.

"OMG!! Grabe! Yung skin ko! Baka umitim! Tara na girl pasok na tayo sa loob ng church." Sabi ni Mika.

Ang ganda ng simbahan ng Quiapo. Ang laki. Ang daming tao. At parang may energy kang mararadaman na parang safe an safe ka sa lugar at hindi ka pababayaan ni Lord.

Umupo na kami sa aming pwesto. Buti nalang at dalawa lang kami kaya mabilis  kaming nakakita ng pwesto na pwedeng maupuan. Nagsimula na ang misa.

***

Pagkatapos ng misa ay humawak kami ni Mika sa mga poon at nagpasalamat sa mga blessings na nakukuha namin sa buhay. Kahit ganyan na maarte si Mika, ang gusto ko sa kanya ay napaka religious niya. Nahihila niya ako sa simbahan kapag minsan ay nalilimutan ko na sa sobrang busy sa pagaaral. Lagi siyang nandiyan upang ipaalala sa akin na magpasalamat. Kaya mahal na mahal ko talaga itong GBFF ko.

Lumabas na kami ng simbahan at naglakad na pabalik sa LRT nang may isang misteryosong babae na lumapit sa amin ni Mika. Matanda na siya at napaka dumi. Para siyang may sakit at parang wala pa siyang nakakain buong araw. Inaalokan nya kami ng mga itinitinda niyang mga  bato? Hindi ko alam kung bakit ang gaan ng loob ko sa kanya kaya naman hinayaan ko siyang mag explain ng kanyang tinitinda.

"Girl, we don't know who she is. Don't talk to strangers! Let's go" Sabi  ni Mika.

"Okay lang ako Mika. Kung gusto mo mauna ka.  Gusto ko malaman ang itinitinda ni Ate."

"What? OMG! I can't leave you here alone, you'll get lost! Lola Pie will kill me!"

"Edi hintayin mo ako."

"Ughhhh FIIIIINE!" naiinis pero pacute na sinabi ni Mika. Baliw talaga.

Nagsensyas ako kay ate madumi na ipagpatuloy niya ang pag-eexplain sa kung para saan ba ang mga bato na tinda niya.

Nagexplain siya ng mga iba't ibang klaseng mga bato. May pangpapayat, pangpatalino, pangpayaman, pangpaganda. Hindi ko naman na kailangan ang mga yun dahil meron na ako lahat ng mga iyon. Hahaha! Yabang ko! Pero may isang bato na nakakuha ng aking atensyon. Napakabigat nito nung hinawakan ko. Tinanong ko agad si ate madumi kung ano iyon.

"Ito? Isa itong magnet. Magic magnet. Kung may gusto kang paibigin na ayaw sa iyo.. tutulungan ka ng magnet na ito na makuha siya. Maiinlove sayo ang taong iyon for 10 months."

"O.M.G." Nakangangang sinabi ni Mika.

"Paano po yan gagana?" Sinabi ko, interesado.

"Iuukit mo lang ang pangalan ng taong gusto mong mapasayo at mapapasayo na siya nang sampung buwan. At kung tunay na napaibig mo na siya, mapapasayo na siya habang buhay."

"Girl! OMG! OMG! OMG! This is it. This is the you've been waiting for! 10 months! Starting tomorrow! OMG! It's a whole school year! The whole senior year! He's going to be yours! Oh Quiapo ikaw naaaaaa!" Excited na sinabi ni Mika.

Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko maniniwala ba ako? Pero bago pa man ako nakapagdecide, naglabas na ng pera si Mika, binili na niya ang magnet sa halagang P50.00. At hinihila na niya ako papunta sa LRT dahil umaambon na daw. Naramdaman kong nilagay niya sa bulsa ko ang magnet bago siya nagpaalam na umalis pauwi sa kanila sabay kindat saakin ng nakakaloko.

Grabe.  Ito na ba talaga ang sagot? Sa lahat ba naman ng makakatulong sa akin, magnet pa?

The Magnet (Completed)Where stories live. Discover now