Chapter 15 - Retreat Letters

2K 49 0
                                    

THE RETREAT WENT SOFT AND SMOOTH.

Marami na kaming nagawang sessions na nakatulong naman talaga sa aming mga pagkatao. Nakapagreflect ako at masasabi ko na mas lalo na akong naging close kay Lord. Hindi rin kami mapaghiwalay ni Jeff dahil sa epekto ng magnet na kinabawas nanaman ng grades ko pero wala na akong pakialam. Mas gusto ko pa na makasama lang si Jeff. Kahit anong mangyari naman eh papasa pa rin ako. Ang galing ko kaya! Hahahaha!

8:00 PM na ng gabi nang kami ay nagdinner. Tapos na rin ang epekto ng magnet sa ganitong oras kaya naman pwede na kami maghiwalay ni Jeff. Pagkatapos magdinner ay binigyan kami ng 2-hour break para mag-ayos at maligo. Babalik kami sa session room para sa isa nanamang activity. Ang activity na pinaka ayaw ko sa lahat. Yung iyakan iyakan. Yung bibigyan mo ng candle yung friend mo tapos sasabihin mo ang gusto mong sabihin sa kanya. Naiinis ako lagi dun kasi parang pekeng peke naman yung mga iyak ng mga tao lagi. Pinipilit nilang umiyak para masabi na umiyak sila sa retreat. Na soft hearted sila. Na nagkabati na sila nang mga kaaway nila. Blah blah. Pero pag-uwi naman sa school. Balik sa normal ang lahat.

Ka-room ko siyempre si Mika. Minabuti nalang ni Mika na matulog sa 2-hour break namin para daw may lakas siya mamaya sa activity. Hindi ko alam bakit kailangan maging malakas sa activity? Pero hinayaan ko nalang si Mika. Mukhang napagod din siya. Nagdate yata sila ni Chester. Pero ayaw ko na munang pakialaman ang lovelife ni GBFF. Basta ngayon sa sa tingin ko masaya naman siya eh masaya na rin ako para sa kanya.

Minabuti ko nalang basahin ang mga retreat letters na natanggap ko. Ang una kong nakuha ay ay Lola Pie:

Jessica iha,

Malaki ka na. Natutuwa ako sa iyo. Kahit na minsan ay pasaway ka at lagi kayong hindi nagkakasundo ni Jenny, lagi mong tatandaan na pantay na pantay lang ang pagmamahal ko sa inyo. Oh siya sige, lumalabo na ang paningin ko. Tatapusin na na itong sulat. Pag-uwi mo, doon ko nalang itutuloy ha? Ingat ka diyan apo. Mahal kita.

Nakakatuwa talaga si Lola Pie! Mahal na mahal ko talaga itong lola ko na ito. Kumuha ulit ako ako ng retreat letter. Ang pangalawa kong nakuha ay galing kay Jenny.

Ate Jessy,

I love you. Alam mo naman na hindi tayo ganun ka close pero sana balang araw maging close din tayo. Alam ko rin na alam mo na hindi ako tinutulungan lang ni Marco sa cry scene namin. May problema talaga kami. Pero hindi namin sinasabi iyon sa iyo kasi ayaw namin na madamay ka pa kasi alam namin na masaya na ang buhay mo. Wag ka sanang magtampo Ate Jessy. Malalaman mo rin ang lahat sa tamang panahon. Basta kahit anong mangyari, alalahanin mo lagi na mahal na mahal kita. Love you sis! And sorry for everything.

Kung ano man ang problema ni Jenny.. siguradong hindi ito biro. Eh ngayon lang naman nagstraight tagalong ito. Aalamin ko nalang ang lahat pagkatapos mismo nitong retreat na ito. Kumuha ulit ako ng isa pang letter. Kay Marco.

Jessica,

I LOVE YOU.

Ha? Yun lang? I love you lang? Itong si Marco naman oh. Itong BBFF ko na ito. Tamad tamad talaga magsulat. Haha! Parang ako lang. Alam ko naman na love niya ako. Love ko din naman siya. Sino kaya ang magiging mas maikling sulat sa kanila ni Mika? Nako, matinding labanan ito! Kumuha ulit ako. Tamang tama, sulat galing kay Mika!

GBFF,

Hi Girl! Love youuuuu! LAM MO YAN!

Hahahaha! Sabi ko na nga ba I love you at maikli din ang sulat na gagawin sa akin ni GBFF! Pero this year nanalo si Marco. Three words lang kasi kay Marco samantalang kay Mika, seven words. Ang kukulit talaga nang mga bestfriends ko na ito. Pero kahit ganyan na konting mga words lang ang sinasabi nila sa akin, alam ko naman na tunay yan at walang halos echos. And that's more than enough for me.

Kumuha pa ulit at ng isa pang retreat letter at laking gulat ko kung kanino nanggaling.. kay Angeline.

Jessica Bitch,

You may be the winner right now, but I am not done with you yet.

F*CK OFF.

Wow. So much for a retreat letter. Hanggang dito ba naman sa retreat aawayin niya ako. Hindi pa niya alam ang ibig sabihin ng retreat? Hay, hindi na nga talaga siguro magbabago itong si Angeline. Kumuha nalang ulit ako ng isa pang retreat letter. Galing kay Chester.

Jessica,

Jeff likes you so much. And there's also another guy besides Jeff who's inlove with you. Pero it's for you to find out. Pero it's not me. Kami na nga pala ni Mika. Hehe. J

Whoah! Grabe! Sobrang ikli lang ang mga sinabi ni Chester pero bakit parang sobrang nagulo ang utak ko? Wait! Ano ba! HA? ANOOOO?

GUSTO AKO NI JEFF? Grabe! Parang gustong lumabas ng puso ko sa kinalalagyan niya sa sobrang saya. Totoo ba ito? Parang hindi ako makapaniwala! Parang wala namang pinararamdam sa akin na gusto ako ni Jeff eh. Ineechos lang yata ako nito ni Chester e! Porket may girlfriend na siya, tinutulak siguro niya ako kay Jeff! And speaking of! Sila na pala ni Mika! Kaya naman pala! Super close nila! At walang pang balak umamin si Mika ha! Kaya pala super blooming niya! At kaya naman pala gustong mag-beauty rest para mamaya pagkita niya ulit kay chester ay maganda siya. Now I know! Tssss! Pero I am happy for them! At ito naman. Ito ang pinaka-ikinagulantang ko. May isa pang lalaki? Bukod pa kay Jeff? Na inlove sa akin? Ano daw? Paki-ulit please? Si Jeff lang ang gusto ko. Sino naman kaya iyon? Eh wala naman lumalapit sa akin na lalaki bukod sa kanila ni Jeff. Ginoogood time lang yata ako ni Chester. Hindi ko tuloy alam kung may totoo ba sa mga sinabi niya sa retreat letter niya sa akin. Tatanungin ko nalang si Mika mamaya kung sila na nga ba ni Chester. Kapag sila na, ibig sabihin totoo. Kung hindi pa sila, echos lang lahat ng laman ng letter niya. Oo tama! Ganun nalang! Si Mika lang ang makakasagot.

Ito na! Ito na ang last letter ko. Yung galing kay Jeff. Kinakabahan ako. Ano kayang mga isinulat niya sa akin? Oh Jeff, sana maging tayo din baling araw.

Dear Jess,

I am not really good into showing my feelings. I know that I have a bad attitude towards you before. But believe it or not, I have changed. I have changed because of you. I realized how beautiful life was when we became friends. You are the kind of girl who is not afraid to show her flaws to the world and that is what I loved about you. You are just being yourself all the time. You love your friends so much. And you are one strong lady. I don't know why I am following you always but I know that there is a reason behind it. I have been asking myself lately if I like you or not. I have been forcing myself not to like you because of my pride and all. But i can't. Everytime I try to go away, I kept on missing you. I can't imagine you talking with other guys. I want you all to myself and no one else. So I think it's pretty clear to you now that I really like you so much. And I want to get to know you better. I told you last week that I will ask you something. I was practicing all week on how should I ask this to you in person but I really can't. So I'll just ask it in the form of a letter. I don't know. Maybe I'm too shy? But here. Here it is. Can you go out with me? Can you be my girl? Can I court you? I am sorry because I really don't know how to ask a girl out. When I was dating Angeline, she's the one who's always asking me out. You are the first girl I ever liked this much, Jess. And I am ready to do everything for you to say yes.

Wow. I was so speechless. Nakakanosebleed man, pero sobrang laki ng puso ko. Sobrang kilig. Naiyak pa nga ako. Grabe talaga. GUSTO AKO NI JEFF!!!!! CONFIRMED!!! Hindi ko talaga inakala na dadating kami sa ganitong punto. Na magugustuhan niya ako bilang babae. Na may posibilidad pala na maging kami! GRABE!!!!!! SAYA!!!!!!!! Pero dapat pa rin akong mag-ingat. Baka nagloloko lang sila ni Chester. Ang hirap na kasi magtiwala kapag 9 years kang binully. PERO PRAMIS ANG SAYA TALAGA!!!! Hindi ko alam na pwede pala maging ganito kasaya ang isang tao!!! Excited na tuloy akong makita siya!!!! Pero dapat chill pa din. Parang wala lang. Mapride din ako eh. Hahaha! Bahala na. Basta ang masasabi ko nalang ngayon: THANK YOU LORD!!!

The Magnet (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon