Chapter 3 - The Real Effect

2.4K 66 4
                                    

1ST DAY OF SCHOOL. GUMISING AKO NG MAAGA.

8 AM pa ang pasok ko pero 6 AM palang ay gumising na ako. Dali dali kong tinignan ang magnet. Bahagyang umiilaw ito. Or baka imaginations ko lang? Nilabas ko ito sa drawer at umiilaw nga. Nakakatakot. Baka may sa demonyo iyon. Kinakabahan ako sobra kaya naman tinawagan ko si Mika na parang inis na inis sa tawag ko dahil naman ang aga aga pa naman. Pero kahit na!

"Giiiirl. Whyyyyy. I'm so sleepy pa!!"

"Umiilaw yung magnet."

"WHAT!?" Parang nagising bigla ang diwa ni Mika.

"Oo Mika natatakot ako. Itapon ko na kaya?"

"Why! No! Just write his name on it. Wala naman mawawala kapag tinry mo right? Girl, it's either you make it or break it. I'm telling you this for the last time. THIS. IS. THE. LAST. YEAR."

Binaba agad ni Mika ang phone. Malamang sa malamang natulog na siya ulit. Ngayon, ako nalang ang naiwan dito at namromroblema. Kinuha ko ulit ang magnet. Tinitigan ko. Parang wala namang demonic aura. Napatalon ako at nahulog ko ang magnet ng may biglang bumukas ng pinto sa kwarto ko, si Lola Pie.

"Kumain ka na Jessica. Handa na ang almusal. Nasa baba nadin si Jennica."

7 AM na pala. Kanina ko pa pala tinititigan yung magnet.

"Opo Lola Pie."

Hinanap ko ang magnet ngunit parang malayo ang natalsikan nito. Paakyat na ulit si Lola Pie para tawagin ako. Nang nakuha ko na yung magnet, bahagyang binubuksan na ni Lola Pie ang aking pintuan. Na pressure ako. Kumuha ako ng ballpen. At sinulat ko ang "Jeffrey San Juan" sa magnet.

***

Nagkita kami ni Mika sa Gate ng school namin bago pumasok. Pinakita ko sa kanya na nakasulat na ang name ni Jeff. Natuwa siya. At sabay na kaming pumasok sa campus.

Pagpasok na pagpasok palang namin sa campus ay binuhusan na kami ng tubig ng mga alagad ni Jeff at Angeline. At nakita ko agad si Jeff at Angeline na naghahalikan. Ngunit may kakaibang nangyari. Kumalas si Jeff sa labi ni Angeline at biglang lumapit at tumabi sa akin kaya naman nabasa na din siya. Gulat na gulat ang mukha naming tatlo. AKO. SI MIKA. AT LALO NA SI JEFF!

Nako. Napasubo yata ako kay ate madumi. Hindi yata pangpainlove yun. Kundi magnet talaga. Dumikit lang si Jeff sa akin. Diring diri pa ang mukha ni Jeff sa akin. Pinipilit niyang umalis pero ayaw. Sinubukan ko ding maglakad papuntang ibang direksyon ngunit sinusundan talaga ako ni Jeff.  Naririnig ko ang iba naming schoolmates na nagsasabi ng:

"OMG!"

"JEFF KADIRI KA!"

"Binubully mo kunwari pero siya pala gusto mo! Yuck!"

"Loser ka Jeff!"

"Pangit ng taste mo Jeff!"

Tinignan ko siya at tinanong.

"Hoy bully, bakit mo ako sinusundan? Bubullyhin mo ba nanaman ako?"

Baka naman kasi pakana nanaman nila ito ni Angeline. Ang hirap kaya magtiwala kapag 9 years ka na nilang binubully!

"I DON'T KNOW! WHY AM I FOLLOWING YOU?!!!!" Inis na sinabi ni  Jeff.

Mukang totoong magnet nga ito. Hindi naman nainlove sa akin. Na-magnet lang talaga. Patay na. Lagot na. Hindi ko na alam ang gagawin.

Nagsimula na ang klase at gulat ang lahat nang ako ang tinabihan ni Jeff at hindi  si Angeline.

"What did you do to me witch?!!! I need to stay with my girlfriend!!!"

Hindi ko nalang  pinansin si Jeff. Buong araw niya akong sinusundan kahit saan ako magpunta. Gulat na gulat din ang mukha ni Mika. Hindi kami makapagusap dahil laging nakasunod si Jeff. Sa lunch sa cafeteria, imbis na  maghalikan sila ni Angeline, nasa table namin siya ni Mika.

"WHAT THE FCK!!!! WHAT THE FCK!!!!" Lagi lang siyang nagmumura dahil sa  mga nangyari.

Nang nagbell na ang last subject namin at dismissal na. Biglang kumalas ang magnet effect at nakita ko bigla si Jeff na nagsosorry kay Angeline. Naririnig ko  na sinasabi niya na hindi niya alam kung bakit siya lumalapit sa akin. Na ang panget ko daw. Na nerd daw ako. Na kadiri daw ako.

Ilang minutes lang din pagkatapos ng pagkakalas ng magnet ay lumapit sa akin si Mika. Sa mga tingin niyang nagaalala, alam ko na ang ibig sabihin niya.

Babalik kami sa Quiapo. Babalikan namin si ate madumi.

The Magnet (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon