Chapter 26 - Marco's Plan

1.3K 33 0
                                    

Jeffrey's P.O.V.

PROM NIGHT.

Maaga palang ay pumunta na ako sa bahay ni Angeline para sunduin siya. Nasanay kasi ako kay Jess na mabilis kumilos. Nalimutan kong pagong pala itong si Angeline. Ang tagal tagal magmake-up. Ang daming seremonyas. Gusto niya kasing maging prom queen sa gabing ito.

Parang naguguilty naman ako sa ginawa ko kay Jess. Hindi ko naman sinasadya lahat ng iyon. Masyado lang akong nagalit sa mga nalaman ko. Pero ngayon, namimiss ko siya. Kung sana pinapunta ko nalang siya sa prom, edi sana kami ang partners. Pero hindi pa rin kasi nawawala yung pagtatampo ko sa ginawa niya sa akin. Pwede naman niyang sabihin sa akin noong una pa man, maiintindihan ko naman. Pero ginawa pa niya akong tanga. Ang daming beses kong inisip kung bakit nga ba ako nadidikit kay Jess. Yun pala nasa ilalim lang ako ng isang sumpa na si Jess din ang may dahilan.

Nakaviolet gown si Angeline pag-labas niya ng bahay nila. Maganda naman siya. Pero mas maganda pa rin si Jess.

***

Pagdating naming sa prom venue at hinatid na kami sa aming mga respective seats. Madaming bumati sa akin na ang guwapo ko daw ngayong gabi. Hindi ko nalang sila pinansin. Alam ko naman na yun. At wala ako sa mood para sabihang guwapo o maganda din sila.

Nakita ko sa malayo na ka-date ni Chester si Mika. Hindi man lang nila ako binate pag dating ko. Siguro nasa side sila pareho ni Jess. Edi magkampihan sila. May kausap sa phone si Chester na para bang seryoso at gulat ang mukha niya. Hindi ko nalang rin pinansin at tinanong kung sino yun.

Naging maayos naman ang takbo ng program ng prom. Saktong 6 PM ito nagstart. Hindi ako masyado nakikipag-usap sa mga tao. Si Angeline naman masyadong nakadikit sa akin na parang linta.

"What happened to the nerdy girl nga pala? Hahahaha!" Sabi ng isang kabarkada ni Angeline. Maarte magsalita. Naalala ko tuloy si Jess. Alipores ni Angeline ang tawag niya dito sa mga ito.

"Yeah! Anong ginawa mo sa kanya Angeline?" – Alipores 2

"Yeaaah! Tell us what did you do to get Jeff back?!" – Alipores 3

"Well. I don't know. Baka narealize ni Jeff hubby na pangit siya. HAHAHAA!" – Angeline

"True. Haha! At nerd pa!" – Alipores 1

"At isang malaking haliparot!" – Alipores 2

"At nakakadiri siya!" – Alipores 3

"At higit sa lahat... she's a loser!" – Angeline

"LOSER!!!!" Sabay sabay na sinabi ng mga alipores ni Angeline sabay nag loser sign gamit ang kanilang mga kamay.

Nag-init na ang ulo ko. Wala naming ginagawang masama si Jess sa kanilang apat pero grabe sila kung maka pintas dito. Pupuntahan ko na si Jess pero pinigilan ko pa rin ang sarili ko. Nanguna pa din ang pagtatampo ko kay Jess.

Umalis muna ako sa upuan namin para kumuha ng extra food. Sakto naman at nakita ko si Mika at si Chester na palapit sa akin.

"Jeff! Nasa panganib si Jessica!" Sabi ni Chester.

"Jeff! Please help her!!!" Sabi ni Mika

"Sineset-up niyo ba kami? Hindi ko siya pupuntahan. Tigilan niyo akong dalawa."

"Bro hindi ka naming sineset-up." Seryoso si Chester.

Aalis na sana ako. Tumalikod na ako sa kanila at pabalik na ako sa table namin ni Angeline ng biglang nagsalita si Chester.

"Naalala mo yung pinsan ko? Si Marco? Yung sinabi ko sa iyo dati na may gusto kay Jessica?  Alam niya ang tungkol sa magnet. At desperado na siyang makuha si Jessica sa iyo dahil nagbreak na kayo. Lalabas sila ngayon mamayang 8 PM. Bumili siya ng gayuma sa isang online shop. Ipapainom niya it okay Jessica mamaya! Sinearch namin ni Mika ang reviews sa gayuma na binili ni Chester. Hindi daw totoong gayuma iyon. Maraming side effects ang gayuma at pwedeng magkasakit ng malubha si Jessica lalo na kapag mahina ang immune system nito. Pwede niya itong ikamatay! Sinubukan na naming pigilan si Marco pero hindi siya naniniwala. Masyado na siyang obsessed."

Kinabahan ako sa mga sinabi ni Chester. Nasa panganib nga ba talaga si Jess?

"Kanino mo nalaman?"

"Naiwan ni Marco ang FB niya na naka-open sa laptop ko nang bumisita siya sa bahay namin. Nakita ko ang pag-uusap nila ni Angeline. Magkakunchaba sila ni Angeline bro! Si Angeline ang nagsabi na gayuma iyon. Pero hindi iyon gayuma! Lason iyon!"

Kung kanina napipigilan ko pa ang sarili ko na huwag puntahan si Jess. Ngayon hindi na. Ang sama sobra ni Angeline. Tao pa ba siya? Wala siyang puso! At matagal na rin akong may naamoy na baho diyan sa Marco na yan. Bestfriend kunwari pero may mga iba namang motibo.

Tinignan ko ang relo ko. 7:40 PM na. 20 minutes nalang at susunduin na ni Marco si Jess at gagayumahin na siya. Kailangan kong maunahan si Marco.

Jess, hintayin mo ako. 

The Magnet (Completed)Where stories live. Discover now