Chapter 29 - Graduation

1.3K 34 1
                                    

THE GRADUATION DAY!

Everybody's very busy. Nagdatingan na ang mga parents ng mga kaklase ko. Dumating na rin si Lola Pie at si Jenny. Salutatorian lang ang nakuha ko. Pero okay na iyon sa akin! Mataas pa rin naman iyon.

Pumunta na ako sa backstage para ipractice ang speech ko mamaya. Nakakakaba. Ang dami naman kasing naging rebelasyon ngayong taon. Parang ako yung naging bukambibig ng mga students ngayong taon. Parang roller-coaster ride. Pero sa huli, maayos pa rin naman ang lahat. Hindi man lahat lahat, pero kahit papaano.

"Girl!" Sigaw ni Mika kasama si Chester at Jeff.

Namagnet naman agad sa akin si Jeff.

"Mika!"

"Girl! You're still the salutatorian! I am very happy for you! Hindi ka man naging valedictorian, I know you deserve it better than anyone else!"

"GBFF naman eh! Okay na ko noh! Nakamove-on na ako!"

Mika hugged me. I love Mika so much. Hindi man ako nagkaroon ng parents habang lumalaki ako. Si Lola Pie at si Mika lang ay sapat na para sa buhay ko. And I want them forever in my life. And also, Jeff.

"Are you ready for your speech, beautiful?" Tanong ni Jeff sa akin.

"Yes?"

"Baka naman umutot ka ha!" He laughed.

"Kainis ka!"

"HAHAHA! Joke lang! I love you!"

"Love you too. Thank you for everything, Jeff."

"Thank YOU, Jess."

We held hands as the ceremony is about to start.

***

Pansin ko, hindi ako ginugulo o binubully ni Angeline at ng mga alipores niya ngayon? Siguro kasi nandito ang mga parents nila. Nagpapakamabait siguro.

Tinawag na ako para magready na umakyat sa stage kasi ako na ang magbibigay ng speech in 3 minutes. Jeff gave me a goodluck kiss on the cheek as he squeezed my hand. Mika gave me a hug. Chester gave me a high five. Lola Pie and Jenny gave me a smile. As I looked where Lola Pie and Jenny is sitting. Parang nakita ko si Marco? Or baka naman kamukha lang niya yun? Hindi ko nalang rin pinansin kasi punong puno na ako ng kaba kasi baka naman mautot nga ako sa speech ko. Si Jeff kasi eh, kinabahan tuloy ako! Ututin pa naman ako!

They introduced me as the salutatorian and invited me to go up the stage already. Ito na!!! I'm so nervous!

I held the microphone and started my speech.

I was in the middle of my speech when suddenly Angeline went up the stage, grabbed my microphone and said something..

"Mangkukulam ang babaeng ito! Kung hindi niyo po alam, ginayuma lang naman po niya ang boyfriend ko na si Jeff para mapunta into sa kanya. Bumili siya ng magic love magnet para lagging dumikit sa kanya si Jeff. Hindi ba, Ms. Salutatorian?"

Nagulantang ako sa sinabi ni Angeline. Paano niya nalaman ang lahat? Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko sa audience na tumatawa si Marco. Sinabi ni Marco ang lahat kay Angeline. Magkakampi na talaga sila ni Angeline.

Nakita ko rin na nagulat ang mga reaksyon ni Jenny at Lola Pie. Hindi rin makapaniwala ang mga reaksyon ni Jeff, Chester at Mika sa mga nagaganap. Parang sobrang naawa sila sa akin. Nakita ko rin ang reaksyon ng bawat isang estudyante sa school. May galit. May gulat. May naaawa.

Hindi ko na kinaya ang mga titig sa akin ng mga tao. At sa huling pagkakataon ko dito sa school, binully pa rin ako ni Angeline.

Tumakbo nalang ako palayo sa kanilang lahat. Sinubukan akong habulin ni Jeff pero hindi siya pinayagan ng mga staff sa graduation. Tapos na rin naman ang magnet effect kaya pwede na akong makalayo sa kanya.

Tumakbo lang ako ng tumakbo. Hindi ko na alam kung saan ako papunta. Hindi rin naman ako marunong sa mga kalye dito sa Manila. Pero wala akong maisip gawin kung hindi tumakbo. Masyadong magulo ang utak ko. Ayoko sa lahat yung kinakaawaan nila ako. Sobrang sakit din pala na nakuha kang pagtaksilan ng taong tinuring mong pamilya. At tumatawa pa siya habang napapahiya ako. Ang sakit sakit. Parang sasabog ang puso sa sakit.

Tumakbo lang ako nang tumakbo hanggang muntik akong mabangga ng isang napaka-garang kotse. Lumabas ang nagmamaneho nito at si ate madumi – bookstore – police trapiko – janitress – ice cream – singer – pizza girl ang lumabas. Tinanong niya muna kung okay lang ako. Laking gulat ko nang niyakap niya ako. Niyakap niya ako nang mahigpit. Hindi ko alam pero nung niyakap niya ako, niyakap ko din siya pabalik. Ang sarap pakiramdam ng kanyang yakap. Parang gumaan ang loob ko sa kanyang mga yakap sa akin.

"Jessica. Matatapos na ang effect ng magnet. Dapat mo nang pakawalan si Jeff."

"HA? Bakit naman po! Unfair naman po!"

"Lalo ka lang mahihirapan, Jessica. Huwag mong suwayin ang mga sinasabi ko."

Umakyat na siya sa kotse niya at pinaandar na niya ito. Marami na rin kasing bumubusina sa kanya. Bakit ganon? Bakit ko kailangang pakawalan si Jeff? Si Jeff na nga lang ang nagbibigay ng lakas sa akin, siya pa ang dapat kong pakawalan. Sinabi ko pa naman sa kanya na magiging matibay ako sa aming relasyon kahit na magiging magkaiba kami ng college..

Ano na ngayon?

Susundin ko na ba?

O susuwayin ko ulit ang misteryosong babae?

Ewan.

The Magnet (Completed)Where stories live. Discover now