Chapter 31 - The Reunion

1.4K 37 0
                                    

ANG BILIS TALAGA NG PANAHON.

Limang taon na ang nakakalipas.

Ang dami nang nangyari. 21 years old na ako. Graduate na ako ng college. Isa na akong businesswoman ngayon at fashion designer na rin! May-ari na ako ng isa sa mga sikat na clothing line dito sa bansa, ang Fortuna Clothing Inc. Sa akin nagpapagawa ng gowns and tux ang mga celebrities. Meron din akong mga clients sa labas ng bansa. Marami na rin akong naproduce na fashion shows. At since nasa fashion at clothing line na ako, hindi na ako nerd! Sa wakas. Marami na ring nagsasabi sa akin na maganda ako. Natuto na rin kasi talaga akong mag-ayos sa sarili ko. Kumuha ako ng mga personality enhancement classes at make-up classes pagkatapos kong magcollege. Marunong na din akong pumili ng mga damit na hindi baduy. Time lang pala ang kailangan ko para naman mawala ang pagkanerd ko.

Masaya rin naman ako sa buhay single. Hindi ko na rin masyado naiisip kung ano ba ang mga nangyayari kay Jeff. Hindi ko na rin naman siya nacontact simula nung pag-alis niya ng bansa. Siguro may bago na siya at siguro naka-move on na siya. Masaya naman ako para sa kanya kung ganun nga. Hindi na ako bitter. Hindi na ako obsessed. Masasabi kong mas naging mature na ako ngayon sa lahat ng mga bagay.

Si Mika naman ay isa nang film director! Nakaka-proud lahat ng na-achieve ni Mika. Isa siya sa mga fastest rising film directors ng bansa. 22 years old palang siya pero na-feature na ang kanyang mga works sa ibang bansa. Lumaban din siya sa isang film contest sa New York at nanalo. Si Chester naman, architecture student pa din. Ang haba naman kasi ng course niya eh kaya naman nag-aaral pa din siya. Pero sila pa rin ni Mika. Noong una naiinggit ako kasi si Mika may boyfriend pa din at ako wala na, hindi naman siguro pwede hindi mainggit kahit minsan hindi ba? Pero ngayon, naiinggit pa rin ako lalo na kapag sweet sila, pero hindi na masyado. More on nagiging masaya nalang ako para sa bestfriend ko.

Ngayon lang ulit kami magkikita ni Mika. Naging busy din kasi kami sa mga naging trabaho namin. Kakain lang kami ngayon sa labas. May ibibigay din daw siya sa akin kaya gusto niyang makipagkita. Kung ano man yon, siguradong kalokohan nanaman iyon ni Mika. Kasi kahit naman tumanda kami nito ng 5 years, hindi pa rin nagbabago ang mga kalokohan namin. Mga baliw pa rin  kami at mga happy go lucky.

***

"Giiiiiiiiirrrrrlllllll!!!!!" Sigaw ni Mika!

"GBFF!!!!!!!!"

"I missed you so much, girl!!!!"

"I missed you tooooooo!!!"

"How's life, girl?"

"Eto. I'm fine. Ang lago na ng business ko! Yung mga artista mo sa films mo, sa akin sila lahat nagpapagawa ng mga susuotin nila for different events!"

"Really! Ako naman I have an upcoming film! I have tickets for the premiere night! You have to come! Or else I will kill you!"

"Yan ba yung sabi mong ibibigay mo sa akin? Buti naman! Kala ko kalokohan nanaman eh!"

"He! I have changed naman na noh! Pero konti lang!"

"Kumain na nga tayo! Lalamon na ako! Gusto mo bang kumanta nanaman itong sikmura ko!"

"You haven't changed a bit, Jessica! I love youuuu!"

"Love you to GBFF!"

Habang kumakain kami ni Mika ay tinignan niya ang kanyang FB account at sumigaw. Ano ba yan! Nagtinginan tuloy sa amin ang mga tao sa restaurant. Parang mga baliw nanaman kaming nakawala sa selda sa mga tingin nila. Pero ok lang! Sanay na ako!

"Giiiiiirrrrrllll!"

"Uy, GBFF! Ang loud mo! Bakit, ano ba yan?" Sinabi ko nang pabulong.

"Girl! May HS reunion pala tayo today!"

"Really? As in ngayon?"

"Oo! Let's go!!! Bibi also texted. He's on the way there na!"

"Who's Bibi?"

"Ah. It's Chester. Hihi."

"Wow. Omg. Ang corny ha!"

"He! Come on na nga!"

"Ok. Fine!"

Tumayo nalang ako kahit sa totoo, gusto ko pa talagang simutin yung mga natitirang pagkain namin. Hindi rin naman ako interesado sa mga reunion na iyan. Makikita ko lang diyan sila Angeline at ang mga alipores niya. Pero nakakacurious din, ano na kaya ang mga itsura nila ngayon? Kumusta na kaya sila ngayon? Ibubully nanaman kaya nila ako? I guess not. May-ari na kaya ako ng isang clothing line. At may narinig din akong gusting mag-artista ni Angeline! Hinding hindi ko siya ipagtatahi pag naging celebrity siya! Hahahaha! Ang mean ko.

***

Pagdating namin sa reunion ay maraming bumati sa amin. Si Mika naman ay pumunta bigla kay Chester. Kaya lang naman siguro gusting pumunta ni Mika dito kasi makikita niya si Chester. Medyo matagal tagal na rin kasi silang hindi nagkikita ni Chester due to conflict of schedules nilang dalawa. At pambihira, naiwan na pala akong mag-isa dito. Mika naman eh!!!

Nag-observe nalang ako ng mga tao. Nakita ko sila Angeline at alipores niya. Magkakasama pa rin sila. May mga boyfriends na yata sila. Naalala ko noon nung inaagaw pa niya sa akin si Jeff. Nakakatawa nalang pag-iniisip mo.

Si Jeff naman, siguradong hindi na iyon makakarating dito. Napanuod ko siya sa news na sobrang nakikilala na siya ngayon sa States dahil sa galing niya sa pagluluto. Kaya sumama rin ako dito sa reunion kasi alam kong wala naman na dito si Jeff. Na hindi siya pupunta dito. Kasi kapag pumunta yung bruhong yun dito.. ewan ko kung ano nalang ang magiging reaksyon ko. Minsan nagugulat nalang din ako sa sarili ko sa mga nagagawa ko kapag kasama ko si Jeff.

"Long time no see, Jess."

May nagsabi na lalaki sa likod ko habang ako ay umiinom ng pineapple juice. Bukod kay Chester at Jeff, wala naman akong ibang lalaking naging friend sa school.

Tumalikod ako at laking gulat ko ko sino ang nakita ko...

SI JEFF.

The Magnet (Completed)Where stories live. Discover now