Chapter 13 - Over Thinking?

2K 45 0
                                    

"NAG-AAWAY BA KAYO?"

Gulat na gulat si Jenny at Marco sa pagdating ko.

"Ate Jessy?" Gulat na gulat na tanong ni Jenny.

"Jessica, what brings you here? Hindi ba may fieldtrip ka pa?" Tanong naman ni Marco.

Oo nga pala. Ang alam nga pala nila ay may fieldtrip ako. Meron naman din talaga. Hindi nga lang nila alam na pinauwi ako. I smell something fishy kaya naman nagpaka-ate ako at dinisregard ko ang tanong nila about the fieldtrip.

"Nag-aaway ba kayo?" Inulit ko ang aking tanong.

"Jessica, Jenny and I are okay. I am just helping her sa kanyang cry scene sa kanilang play sa school. That's all. Right, Jenny?"

"Y-yes ate Jessy. That's just it." Umiiyak pa rin na sagot ni Jenny.

Hinayaan ko na lamang sila sa explanation nila na iyon. Hindi na rin ako nag-explain kung bakit maaga ako nakauwi galing Cavite. Alam ko na hindi naman nila sinabi sa akin ang katotohanan. Para bang may tinatago sila at may tunay silang pinag-aawayan. Pero sa isang banda, baka nagiging over-thinker nanaman ako sa mga bagay bagay kaya naman pinalipas ko nalang.

Sa puntong ito ng aking buhay, hindi ko alam kung bakit masaya pa rin ako. Maraming bagay na pwede kong ikalungkot. Unang una, pinagalitan ako ni Lola Pie dahil hindi ko na makukuha pa kahit kailan ang pagiging valedictorian. Grounded ako sa bahay ng 1 week. Hindi ako pwede mag-mall o kahit ano pang gala. Hindi rin muna pwede pumunta si Mika sa bahay namin. Kaya naman sa school lang kami nakakapag-usap ni Mika. Pangalawa, nag-iba na talaga nang tuluyan ang tingin sa akin nang mga tao sa school. Tingin nila sa akin ay isang haliparot na babae na pumapatol nalang bigla sa mga lalaking natitipuhan niya. Masakit din kapag pinagbibintangan ka sa mga bagay na inosenteng inosente ka pa. Mas okay pa yung binubully lang nila ako dati. Pero ngayon, mas masakit ang nararamdaman ko kasi alam kong tinatapakan na nila ang pagkatao ko sa mga maling paniniwala nila. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko kung hindi wala. Pangatlo, mas dumami pa ang nang-bubully kay Mika. Dati naman ay ako lang talaga ang nabubully. Nabubully lang si Mika kapag kasama niya ako. Pero ngayon, target na rin siya nang mga alipores ni Angeline dahil sa ginawa niyang pagtanggol sa akin noong fieldtrip. Kawawa naman ang GBFF ko. At pang-apat naman ay ang issue sa Jenny at Marco. Hindi ko talaga alam kung bakit kailangan magtago sila sa akin. Nakakatampo din minsan dahil parang hindi nila ako bestfriend at kapatid. Parang hindi nila ako kilala.

Narealize ko na ang tibay tibay ko palang tao. Parang akong isang puno. Dumaan man lahat nang malalakas na bagyo at calamities, nandito pa rin ako. Nakatayo pa din at lumalaban pa din. Nakangiti pa rin ako at lagi pa rin akong humahanap ng paraan para maging masaya.

Sa school naman, kami nila Mika, Jeff at si Chester na kaibigan ni Jeff ang laging magkakasama. Naging mabubuting magkakaibigan na kami ngayon. Nagsimula man kami ni Jeff na hindi maganda, masaya pa rin ako na dito rin sa pagkakaibigan ang kinahantungan naming dalawa. Nagiging close na rin si Mika kay Jeff. Nakakapag biruan na silang dalawa na tunay na ikinatutuwa naman ng puso ko. Napansin ko rin na masyadong nagiging close si Mika kay Chester. Halata naman kasi sa mga kilos nila na may gusto sila sa isa't isa. Sinabi na rin sa akin ni Mika na gusto niya si Chester pero mukhang napaka-torpe. Alam ko naman na balang araw magiging sila rin ni Chester. Magiging kami rin kaya ni Jeff? Sana!

***

Nagreready na ang lahat dahil bukas na ang aming retreat. Isa itong 2-night retreat for seniors. Nagbibigayan na ng mga retreat letters. Yung barkada ni Angeline mga nasa cartolina pa yung mga retreat letters. Hindi ko alam kung anong ikinaganda kapag malaki ang papel na pinag-gamitan nito. Mga baliw lang talaga sila siguro.

Pitong retreat letters lang ang natanggap ko. Hindi rin naman ako nanghingi ng retreat letters sa iba. Kung sino lang gusto magbigay sa akin edi yun na yun. Hindi kumpara sa mga ibang tao sa school na halos umaabot sa isang daan ang retreat letters pero mga walang kwenta lang naman ang nakasulat. For show lang. Hindi ko muna tinignan kung sino-sino ang mga nagbigay sa akin. Masusurprise nalang ako kung sino at ano ang mga laman ng letters nila sa retreat day mismo bukas.

Ako naman, si Mika, Chester at Jeff lang ang binigyan ko. Isinulat ko lang doon ang lubos na pagpapasalamat ko sa kanilang tatlo sa pagsama sa akin araw araw at sa pagtanggap sa akin bilang kaibigan nila. Hindi rin kasi ako masyadong madramang tao. Alam na ni Mika iyon. Last year na retreat namin ganito rin ang sinulat ko sa kanya. Hindi naman mahalaga kung maikli o mahaba ang isusulat, basta ba galing sa puso. At ako, masasabi ko na galing talaga sa puso lahat ng sinulat ko para sa kanilang tatlo.

The Magnet (Completed)Where stories live. Discover now