Chapter 28 - Bestfriend LANG

1.4K 38 0
                                    

GRADUATION REHEARSALS NA!

Grabe! Ang bilis ng panahon! Parang dati lang nasa Quiapo kami ni Mika para magwish kay Lord na mapansin ako ni Jeff. Ngayon, kami na ni Jeff at ilang araw nalang at tuluyan nang mapapawalang bisa ang magnet effect.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Malaking tulong ang nagawa sa akin ng magnet. Kung hindi dito, baka hanggang ngayon ay binubully pa rin ako ni Jeff at Angeline. Baka manibago ako kapag nawala na ang epekto nito.

Nakaupo ako kasama si Mika nang biglang may humawak ng kamay ko at nagkiss ng cheek ko. Nandito na pala si Jeff at si Chester.

"I'll miss you..." Sabi ni Jeff.

"Jeff naman, wala pa nga eh. Ikaw din, baka umiyak ako niyan."

"Haha! Yeah! But seriously, I'll miss you."

"I'll miss you too, Jeff."

Pinikit ko nalang ang aking mga mata habang hawak hawak ang kamay ni Jeff. Kahit na magiging magkahiwalay kami ni Jeff ng college ay pipilitin ko pa ring maging malakas para sa kanya. Mahirap man dahil hindi kami laging nagkikita pero kakayanin namin dahil ang pagmamahalan namin ang magiging susi sa aming matibay at walang makakasirang relasyon.

***

Pagkatapos ng magnet effect at rehearsals sa graduation ay diretso na akong umuwi sa bahay namin. Nagbihis lang ako. Lumabas ulit ako at nagpahatid sa bahay ni Marco. Kapitbahay lang namin dati si Marco pero lumipat sila sa isang village na medyo malayo sa amin.

*DING DONG.*

Binuksan ni Marco ang pintuan. Pero nang nakita niya ang mukha ko ay bigla rin niyang isinara ito. Muntik pa niyang maipit ang kamay ko.

"MARCO!"

Sinubukan kong pigilan pero tuluyan na talaga niyang sinara ang pintuan. Alam kong nasa other side pa rin siya ng pintuan kahit isinara na niya ito kaya naman kinausap ko pa rin siya.

"Marco! I'm sorry! Alam mo naman ang effect ng magnet hindi ba? Hindi na ako makakalas kay Jeff sa mga oras na iyon!"

"NO!!!! You chose him then be with him!!!"

"Marco naman eh!"

"Siguradong maraming mga sinabi yang Jeff na yan na masasamang bagay sa akin! Edi magsama sama na kayo!"

"Marco! I am here to listen to your side! Bestfriend kita! May tiwala ako sayo!"

"YUN NGA EH! BEST FRIEND MO LANG AKO."

"Marco naman eh. We can fix this. Just go out and let's talk."

"No Jessica! We can never fix this anymore. You have chosen him already. Our friendship is over. Kalimutan mo nang may kakilala lang Marco!"

I heard na lumakad na siyang palayo kaya naman umalis nalang din ako. Bakit kaya biglang naging ganyan sa akin si Marco. Pwede naman naming pag-usapan ang lahat lahat. Pero he chose not to talk to me. Medyo naniniwala na tuloy ako na she's now on Angeline's side. But no, Marco is a good man. I know he won't do such thing to me. Oh Lord, huwag naman sana. Masasaktan ako kapag nalaman kong kaya akong ipahamak ni Marco para lang sa sarili niyang kagustuhan..

The Magnet (Completed)Where stories live. Discover now