Prologue

15.7K 243 1
                                    


Paano nga ba namin bubuuin yung mga sarili namin kung sobra yung lamat na ginawa namin sa bawat isa?

Yung salitang “SORRY” para ba tong bandage na kapag sinabi mo magagamot na ba nito yung nasaktan na kalooban at puso?

Paano nga ba namin mabubuo ulit yung bawat isa sa pagitan namin?
Kailangan bang bumalik ulit sa umpisa kung saan gumuho sa amin ang lahat?

Paano nga ba namin maitatayo yung relasyon namin na iniwan namin na parang naabo at halos di na namin kayang ihulma kagaya ng dati.

Sa bawat hakbang na ginagawa nya papalapit sa akin hindi ko alam bakit sobrang nadudurog ako sa nakikita ko sa mga mata nya.Hindi na ito katulad ng dati ng punong puno ng pagmamahal at walang ibang nakikita kung hindi ako hindi na tulad ngayon. Wala na itong emosyon habang nakatitig sa akin at yung awra nya wala ng kabuhay buhay. Ito ba yung taong minahal ko dati?

“If I can turn back the time, yung pagdating mo sa buhay ko ang itatama  ko at hinding hindi na kita hahayaan na makapasok muli sa buhay ko baka sakali na hindi ko nararamdaman yung sumpang nararamdaman ko ngayon.”
At ito yung parteng dumurog ng husto sa puso ko.

………
Vote and comment kayo guys kung  bet nyo ituloy ko itong kwento na to.

~dark19

Inside Her Mind (GirlxGirl)Where stories live. Discover now