Sleep

3.9K 160 3
                                    

Yvie’s POV
Nasa isang exclusive room kami ng kumpanya nina Cyrll dahil may hinihintay kami na kameeting nya daw at habang hinihintay namin kung sino man iyon ay nakahiga sya sa sofa at parang ang saya saya nya habang may katext. Masaya ako dahil kahit papaano nakakarecover na sya.
Mayamaya ay bumukas yung pintuan at sumilip doon yung secretary ng kuya nya.
“Miss Cy nandito na po yung bisita nyo po.” Magalang na saad nito.
“Let her in.” walang ganang saad ni Cy at bumangon ito sa pagkakahiga. Pagpasok ng bisita nya.
“Gale?” saad ko.
“Ang laki nyong abala…” boring na saad ni Gale bago sya naupo sa isang single sofa.
“Takot ka din palang mamatay?” walang ganang tanong ni Cy at heto na naman po kami. Blangko na naman yung mga mata nya.
“No I’m not….it just we need this meeting to clear things up.” Nakakalokong saad ni Gale.
“You know what guys we don’t need to kill each other sa mga bagay na hindi lang tayo nagkakaintindihan. Kailangan kalmado tayong lahat huh?” saad ko. Arrgh! Knowing Cyrll kayang kaya nya manakit.
“Tama sya Yvie. We need this ‘meeting’” saad ni Cy.
Feeling ko dalawang may mental disorder yung kasama ko sa kwartong ito. Ahhh! Gosh! Yung isa literal na baliw talaga.

“Pwede ba kayong mag usap na may maliwanag na kaisipan?” pakiusap ko kase sobrang nakakapagod maging taga awat.

Napangisi sakin si Cy with disbelief look. “Maliwanag na kaisipan.”

I rolled my eyes to her. Kainis!
Tumingin sya kay Gale na ngayon ay nagbabasa ng magazine.
“It’s very intriguing where the hell on earth you have been during that fucking days….” Wala sa loob na sabi ni Gale.
Kampanteng sinandal ni Cy ang likod nya sa pagkakaupo.
“Is that bothering you?” ipinatong ni Cy yung phone nya sa center table at yung nasa home screen, picture nina Roian at Yuan. Nagkabalikan na sila?
“No it’s not. It just….you know nakakapagtaka bakit napatawad ka kaagad ni Roian eh napakatagal mong nawala…nakakapagtakang binalikan ka nya.” Saad ni Gale. Doon ako napatingin kay Cy. Nagkabalikan na nga sila na hindi namin alam.
“Let me clear that matter to you Gale… WE-NEVER-BROKE-UP in a first place…we do separated our ways but we don’t have a formal break up until now. Officially…Roian is still mine. Second, Paano ka nakakasiguro na hindi na ko mahal ni Roian? And third, if we ‘broke up’  gaano ka kasiguro na mamahalin ka nya?  May sarili kaming mundo ni Roian…at yung mundong yun ang hindi mo kayang maintindihan kung bakit nya ako napatawad.” Kampanteng turan ni Cy kay Gale at doon ko nakita yung galit sa mga mata nya na parang papatayin nya si Cy.
“And one thing…soon na masaktan si Yuan ng dahil sayo…gagawin ko ang lahat ng gagawin mo kay Yuan sa kapatid mo sa mismong harapan mo. “ nakangising saad ni Cyrll.
“Hey! That’s enough…” awat ko.
“Really?” at yung mga mata ni Gale parang naging kagaya ng kay Cy. Walang buhay at emosyon.
Tumayo si Gale at pinamulsa nya yung dalawa nyang kamay at nakatitig kay Cy.
“What about destroying your family? I can do it…like what I did few years ago?” nang uuyam na turan ni Gale na ikinabigla ko.
Biglang parang nawalan ng kaluluwa si Cy sa narinig. Ito yung emosyon nya nung gabi na kamuntikan na nyang mapatay si Roian.
“Ipinagpalit kayo ng Daddy mo sa nanay ko….” Aliw na aliw na kwento ni Gale habang pinapanuod nya yung reaksyon ni Cy.
“Hindi mo alam?” natatawang turan ni Gale.
“What the fuck! Gale can you please shut the fuck up!” awat ko dahil alam ko malapit ng bumigay si Cy.
“Can’t deal the pain? Deal with it! Araw araw kong ipaparamdam sayo yan…” nakangising saad ni Gale bago lumubas ng kwarto.
Pagharap ko kay Cy dumudugo na yung labi nya marahil sa sobrang galit habang kagat kagat nya ito.
“Cyrll.” Tawag ko sa kanya pero mukhang hindi nya ko naririnig.
“Cy!” yugyug ko sa balikat nya.
Nanginginig yung kalamnan ko na nanghihina ako. Tang ina! Hindi pwedeng ganito ulit! Gising na sya eh! Magiging okay na sya! Pabuo na ulit sya. Tang ina lang Gale hindi kita mapapatawad!
“Cy! Please…wake up.” Tawag ko sa kanya habang hawak hawak ko na yung magkabilang pisngi nya pero parang di nya ko nakikita at naririnig. Hindi sya pwedeng bumigay eh! Sobrang natataranta na ko at naiiyak. Ayoko ng bumalik kami sa dati.
Sobrang lalim na ng diwa nya dahil parang patay na salamin na yung mga mata nya habang tumutulo na yung luha nya. Doon na ko napaiyak.
“Cy please! Wake up! Roian and Yuan needs you!!” hiyaw ko sa kanya pero wala syang naririnig.
Dali dali kong tinawagan yung Kuya Jayson nya dahil dito.
Pagdating ni Jayson sobrang natataranta din ito at kinuwento ko sa kanya lahat ng nangyare.
Lumuhod sya sa harap ni Cy at pilit nya itong kinukuhanan ng atensyon. Yung iyak ko hindi ko na mapigilan.
“Cy…Kuya is here…listen…Mommy and I are here for you no matter what we love you….we can ease the pain here in your heart basta magkakasama tayo di ba? At saka babawi ka pa kay Roian….masasaktan sya ulit kung bibigay ka ulit at lalayo sa kanya. Magtutulungan tayo di ba? Hey…please wake up….” Umiiyak na si Jayson habang pinupunasan ng thumb nya yung dugo sa labi ng kapatid nya at lalo kaming napaiyak dahil walang respond si Cy sa amin.
Mayamaya ay nagring yung phone nya sa side table. Pagkita ko sa caller. Si Roian. Kaya ni-loud speaker ko ito at nilapit ko kay Cy.

“Hello? Tita Cy nasan ka na po? You promise sabay tayo kakain nina Mommy…” boses iyon ni Yuan at pagtingin namin kay Cy parang mariin itong napapikit at waring  nilalabanan ang sarili.

“Cyrll…nasan ka? Punta ka na dito uubusan ka ni Yuan ng ice cream…” si Roian yung nasa kabilang linya. Nanginginig si Cy at pilit inaayos ang sarili pagtingin ko sa mga mata nya ganun pa din pero sa mga kilos nya pinipilit  nya magising pero ilang saglit nawalan ng malay si Cy at nasalo sya ni Jayson.
Napalunok si Jayson at inayos ang boses nya.
“Ahh! Roian si Kuya Jayson mo ito…naku! Tulog na tulog ito baby my loves mo…pag gising nya papapuntahin ko agad sya dyan mukhang miss na miss mo na sya eh.” Palusot ni Jayson.
“Ewan ko sayo kuya…sige na babye.”
Pagkababa ni Roian ng tawag ay agad kinarga ni Jayson ang kapatid at pinadala nya sakin lahat ng gamit ni Cy.
“Sa fire exit tayo dumaan…”
Dinala namin sya sa hospital na pagmamay ari ni Yuri. Katulad sa company nila sa fire exit din kami dumaan para walang makakita sa amin at makarating kami sa opisina ni Yuri.

Pagkita sa amin ni Yuri ganun na lang din yung panic nya at mabilis syang tumalima kina Jayson. At pinapasok nya yung magkapatid sa isang kwarto at naiwan ako sa labas. Hindi ko lase kayang makita na nasa ganung estado na naman yung kaibigan ko.
Lalo akong natakot na ganito sya dahil naalala ko yung dating sinabi sa amin ni Yuri kapag nag mental breakdown na naman yung kaibigan ko. Napailing ako. Hindi mangyayare yun. Malakas si Cy. At nasa tabi na nya ulit si Roian.
Napatingin ako sa cellphone ng kaibigan ko at ng matitigan ko yung wallpaper nito. Kaya ba syang mahalin ni Roian pabalik kung malalaman nya ito?
…………
Thanks for reading
Merry Christmas and happy new year😘

Vote and comment kayo guys.

~dark19

Inside Her Mind (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon