Art of Scar

5.6K 199 8
                                    

Chapter 2

Roian’s POV

Paano nga ba kung maglalandas ulit yung daan namin ni Cyrll? Yung nangyare sa amin halos 6years na din pala pero bakit parang kahapon lang nangyare.
“Mommy…anong nangyare dito?” tanong ng anak ko habang pinaglalandas nya yung daliri nya sa peklat sa may sentido ko.
“Naging pabaya kase si Mommy kaya ganyan…” saad ko. Itong peklat na ito yung palatandaan kung gaano nya ko sinaktan.
Napanguso yung anak ko kaya napatawa ako at ginulo ko yung buhok nya.
“Magpakabait ka kina Lola Mama huh…iwasan mo maglikot kung ayaw mong mahimatay si Mama.” Natatawang saad ko.
“Mabait naman ako Mommy.” Naku…eh saksakan nga sya ng likot.
“ In a minute dadating na mga Lola mo ilagay mo sa kama mo yung mga things mo na dadalhin mo para maayos ko. After two weeks susunduin kita sa Batangas.”  Saad ko at tumalima naman sya.
Isang taon na kami ng anak ko dito sa Pilipinas at as far pinalihim ko ito sa pamilya ko para di malaman ng pamilya ni Cy na nandito na ako. Pagod na kong harapin yung ibang miyembro ng pamilya nya dahil hindi naman sila yung gusto kong humingi ng sorry. Ilang buwan ko syang inintay ng magising ako sa hospital para marinig mula sa kanya na hindi nya sinasadya lahat pero wala ni anino nya yung lumitaw pero imbis eh yung sulat mula sa kanya yung natanggap ko. Halos durugin nito yung puso ko. Na ayaw na nyang makita ako at kung gaano nyako  kinasusuklaman  at sana nawala na lang yung bata sa sinapupunan ko.

May pagkakamali ako pero di ko naman ginusto yung nangyare sa amin ni Alvin dahil willing ako saluhin yung galit nya dahil pagkakamali ko iyon dahil sinira ko yung tiwala nya. Pero deserve ko naman ang marinig yung side ko at yung totoong nangyare.

……
“Sumama ka na…” sabi ng kaibigan kong si Shannon.
“That’s not good idea…” sabi ko sabay higop ng kape ko. Kasalukuyan namin hinihintay si Yvie dahil bigla din itong nawalang parang bula noon.
“Wala naman si Cyrll dun wala sya sa listahan na inimbitahan gawa din ni Gale.” Sabi ni Shannon.
“Ayaw nyo sya makita di ba so the best thing is wag na lang sya isali.” Sabad ni Gale.
“Kahit anong iwas nyo kay Cy magkikita at magkikita pa din kayo..” banat ni Carol
Medyo tinamaan ako dun kase totoo na one of this days magkakaharap kami pero di pa ko ready. Ayoko ko pa sya makaharap dahil hanggang ngayon di ko pa din matanggap yung mga binitawan nyang salita doon sa sulat.
“6years yun Carol bakit ni isang dispensa wala akong narinig mula sa kanya na para bang wala lang sa kanya. Buhay ko at buhay ng anak ko yun…” sabi ko.
“Dapat pinakulong mo na lang yung tao…bakit mo nga ba inurong yung kaso? Kase mahal mo sya di ba?” nang aasar na tanong ni Carol. Minsan ang sarap mangbigwas ng kaibigan.
“You know what Roian…may pamilya ka na at sabi mo napatawad mo na yung tao, bakit di mo pa harapin para matapos na alam mo  yun yung makagalaw ka ng maayos na wala kang iniiwasan….sa tingin ko di ka na mahal nung tao kase never syang naghabol sayo. Saka batay sa kwento sakin ni Yvie ng minsan tawagan nya ko Cy is dating  a beautiful doctor named Yuri Alcantara. So kailangan na din mag move on lahat kase never ng magiging kayo ulit.” Prangkang sabi ni Carol
“Alam mo Car minsan sarap pasakan ng buhay na talangka yang bunganga mo. Walang preno eh…” sabi ni Shannon sabay hila ng ilang hibla ng buhok ni Carol.
“Kaibigan din natin yung isa kahit napakahayop ng ginawa nya. Saka magalit tayo kapag direktang galing sa bibig nyang sinabi yung nasa letter.” Sabi ni Carol.
“Saka bakit pa…di ba nga may pamilya na ko. Sobrang huli na kung ngayon pa.” kainis nasasaktan pa din ko taina!
“Exactly! Bakit pa?  hindi na kailangan ng paliwanag kase wala ng babalikan di ba? Meron ng sariling buhay ang bawat isa so bakit kailangan pa ng hatred? Unless kung may feeling ka pa sa kanya? Issue yan…” banat ulit ni Carol. Bakit ba ang sadista ng isang to?
“Ayaw din ni Cy sa anak mo di ba?” kaswal na tanong ni Gale. Ano ba tong mga kaibigan ko mga wala sa hulog yung minsan mo lang sila makasama yung ganito pa.
Mayamaya parang literal na huminto yung paligid dahil sa babaeng pumasok mula sa pinto. Palinga linga ito at maya maya ay kumaway ito sa gawi namin. Lahat kami nagkatinginan na para bang kilala nyo ba…
Nang makalapit sya sa amin ay ngiting ngiti ito.
“Sorry Guys natraffic ako.” Saad nya
“Yvie?” takang tanong ko.
“What the? Kinalimutan nyo na din ako?” natatawang saad nya.
“Nerd!” tili ni Shannon sabay yakap kay Yvie.
“Na-miss ko kayo.” Nakangiting saad nya.
“Ang laki ng pinagbago mo…” sabi ni Gale.
“Kamusta kayo?” sabay tingin nya sakin. Ang laki ng ginanda nya kumpara noong college.
“Anong pinaggagawa mo bakit ngayon ka lang lumitaw?” tanong ni Carol
“Medyo busy ako sa work this past year…” sagot nya.
“Sobrang bigat na trabaho na yan at talagang anim na taon kang di nagpakita…” hinampo ko pero imbis ay napangiti lang sya sakin.
“Medyo mabigat kase na trabaho yung hinawakan ko at hindi ko pwedeng pabayaan baka lalong gumuho…” saad nya.

“Nagkita na kayo ni Cy?” biglang tanong ni Carol kaya napatingin kaming lahat kay Yvie
“Kahapon nagkita kami kasama yung liwanag nya…ah I mean si Yuri…” saad nya. So totoo nga yung about kay Yuri at Cy.
“So totoo yung kay  Yuri at Cyrll?” napakachismosa talaga ni Carol sya talaga yung pinakapangahas.
Naningkit yung mga mata ni Yvie at natatawang tumingin kay Carol. Samantala kami nina Gale tahimik na nakikinig sa kanila.
“Bakit gusto mong malaman? Masamang pagchismisan yung kaaway na nahimik na…” saad ni Yvie
“Duh! She’s my friend too.” Inis na saad ni Carol
“Really? Kung kaibigan ka nya bakit wala kang alam sa mga nangyayare sa kanya? “ saad ni Yvie na nakataas ang kilay.
“Oo at hindi lang naman yung sagot Yvie bakit hirap na hirap ka sumagot.” Saad ni Carol talagang ayaw nya magpatalo nito kay Yvie.
“Yes. Masaya ka na? Paka ano mo Carol.” Nakangusong sagot nya.  Hindi ko alam bakit nakakainis like duh eh di sya na masaya.
“Wag sana nyang gawin dun sa Yuri yung ginawa nya kay Roian.” Sabi ni Gale.
“Hindi nya kayang gawin kay Yuri yun. Sa pinakamasang oras ng buhay ni Cy eh parating nandun si Yuri para sa kanya. Si Yuri yung nagbuild up kay Cy na magbago. Kaya please guys be nice to her once na magkrus yung mga landas natin sa kanila.” Saad ni Yvie at napaismid si Gale.
“Saka sabi ni Cy sa US na sya mag stay for good kaya kumalma na kayo.” Tumingin sakin si Yvie na parang ang lamlam ng mga mata nya na parang pinipigilan nya yung sarili nya na may sabihin sa akin na matagal na nyang hinahawakan.
“I’m glad you are okay and happy.” Saad ni Yvie.
“Masaya naman ako kase kasama ko yung anak ko.” Sagot ko.
Napabuntong hininga sya at ngumiti sa akin.
“Anong pinag gagawa ni Cyrll this past years?” seryosong tanong ni Shannon.
“Wala sya dito nung mga nagdaang taon…ang saya nga namin dahil bumalik sya.” Saad ni Yvie
So lumabas din pala sya ng bansa nung after nangyare yung sa amin. Ang tanga ko bakit inintay ko sya ng ilang buwan after nung insidenteng yun ganun palang lumayas na sya ng bansa.
“What an idiot! Matapos manakit lumayas na lang ng ganun? Walang sorry sorry…” saad ni Gale.
“Cy is a bad person..a really bad one…sana nga pinakulong nyo na lang.” saad ni Yvie.
“She created a scar that can never fade to everyone….” Dumukdok sa table si Yvie. She’s really hiding something.
“Yung buong anim na taon kasama mo si Cy hindi ba?” tanong ko.
“Hindi…hindi ko sya kasama….wala syang kasama at wala ni isa yung may kaya marating yung lugar na pinuntahan nya…” makahulugang saad ni Yvie.
“Roian…bayad na sya at sa tingin ko sobra pa..” saad ni Yvie
Paano sya makakabayad sa lahat ng ginawa nya sakin? She’s fucking ruin my life at parang wala lang sa kanya.
…………
Vote and comment guys
Thanks for reading
~dark19

Inside Her Mind (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon